NICOLE POV Mabilis lumipas ang araw hanggang umabot sa buwan. Araw araw akong pinapatay ng pag- aalala na wala sa tabi ko ang aking anak. Hindi pa rin maayos ang lagay ng relasyon namin mag-asawa dahil hindi pa rin nawawala ang galit ko sa kanya sa pagkawala ni baby Adam. Lumalapit siya sa akin pero kusa akong lumalayo. Alam kong nasasaktan kona siya Pero kasabay ng pagkawala ng aming anak ay unti unti narin ang paglayo namin sa isat-isa. Hindi ko maintindihan minsan ang aking sarili , hindi ba dapat sa mag asawa ay magkasamang hinaharap ang problema ? pero sa sitwasyon namin ngayon ay hindi ganoon ang nangyayari. Pinipilit naman niya mag open up sa akin, ang kausapin ako ng maayos pero sarado ang puso kong makinig. Alam kong napapabayaan kona rin siya lalu na ang obligasyon k

