ANGELA NICOLE POV Naging sobrang saya ang pagsasama namin ni Art sa loob ng limang buwang lumipas. Hindi man niya ako nababantayan ng bente kwatro oras dahil sa kanyang trabaho eh mas mahaba naman ang oras na nilalaan niya para sa akin. Ngayon nga ay nasa ika-walong buwan na ang aking pinagbubuntis. At lalaki ang aming magiging panganay. May pangalan na rin ito at papangalan namin siyang Adam Nick V. Mendez. Naka graduate na rin ako ng high school pero dahil sa ilang buwan akong hindi nakapasok ay nasa pangatlo na lamang ako. Hindi mona ako nag enroll sa College kasi kabuwanan kona next month. Kaya baka Second Sem na siguro or baka sa sunod na taon na lang. Gusto ko kasi maging hands on mom sa unang anak namin ni Art. Ang gusto ko ay hanggang tatlo lang ang maging anak namin . Per

