ANGELA NICOLE POV Hindi ko alam bakit ako natatakot kay Art, alam ko naman na asawa ko siya pero bakit natatakot ako sa tuwing hahawakan at lalapitan niya ako or kahit na sinong lalaki. pa mula ng ginawa sa akin ni Enzo ang mga bagay na yon ay sobra akong nandidiri, kaya nga maski siya ay hindi ako malapitan alam kong may problema na sa akin, at alam ko din unti unti na akong nawawala sa katinuan, Miss na miss kona ang aking anak na si baby Adam , Pero nang sabihin ni Art na may baby na sa ulit sa tiyan ko parang hindi ako makapaniwala kaya nagalit ako sa kanya at nagwala ako, Ngunit para akong nahimasmasan ng maintindihan ko ng mabuti ang ibig niyang sabihin na nagdadalang tao ako at may buhay na muli sa aking sinapupunan. Alam ko din ang balak niya akong ipagamot sa ibang bansa, nari

