Tahimik ako sa front seat ng kotse habang patungo kami sa Lim Company Building nasa back seat sina Sir Dexter at Mr. Chen naguusap tungkol sa schedule niya ngayon ang alam ko pagpunta namin sa office niya kukunin lang niya ang mga reports at aalis na sila para sa meet up sa mga investors sa isang company. Magoobserve din siya sa mga malls at titignan kung nilalabag ba ng mga department ang mga rules. Nakatingin ako sa labas at ngayon ko lang naalala na magpapasko na pala, minamasdan ko ang mga manggagawa na naglalagay ng billboard na nagsasabing promo para sa darating na pasko at may isang babaeng modelo na nakangiti. Nakita ko din ang mga nagtatrabaho sa isang bakeshop na nilalagyan nila ng christmas light ang kanilang tindahan. Naramdaman ko ang pangungulila, namimiss ko si Ate, maging

