Napagpasyahan namin ni Dexter na kina Ate Allana muna kami pumunta. Tinawagan ko na din si Shamcy para sabihing doon na kami magtatanghalian. Nagpakuha ng gamit si Dexter sa hindi ko kilalang tao. Tinawagan niya ito at maya-maya ay kumatok na ito sa pinto na may dalang mga damit niya at susi ng sasakyan niya. Nauna akong naligo sa kanya habang siya ay may kausap pa sa kanyang telepono. Pagkatapos ko sa banyo ay lumabas na ako para makapag-ayos ng gamit. Siya naman ang pumasok sa banyo pagkatapos ko. Nagsuot ako ng puting dress at sandals. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kina Ate Allana. Alam ko kinain ko ang mga salitang sinabi ko noon sa kanila. Napakagat ako sa labi ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo. Tumingin ako sa direksyon niya at nagsisi lang dahi

