"Wala e, umalis na daw sabi ni Sir. Yohanne." Narinig kong bulong ni Linda, nalaman ko na lang ang kausap niya ng sumagot ito sakanya. "Hindi man lang nagpaalam," sagot naman ng kapatid niya na si Lily. Narinig ko pa siyang nagbuntong hininga. Kanina pa ako gising pero hindi pa ako tumatayo dahil sa sobrang tamad ko, ewan ko ba ang tamad tamad na pakiramdam ko ngayon. Naramdaman siguro nila ang paggalaw ko kaya naman. "Hannah? Nagising ka ba namin? Pasensya ka na." Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin kay Lily. "Hindi Lily, ayos lang. Magkakaron yata ako ngayon. Kasi ang bigat ng pakiramdam ko." "Huh? Meron akong pad sa cabinet. Kumuha ka na lang kung kailangan mo." "Kumain ka na din Ate, mag-aalas dyes na at baka mahilo ka pa." Ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat. Naligo muna

