ILANG ARAW na ang nakalipas simula ng nakauwi si luther sa manila at ang mga kaibigan din nito. mas tinuon nya ang pansin sa pagtatrabaho at pilit kinakalimutan ang dalaga pero hindi nya parin magawa dahil kahit anong lunod nya sa pag ta trabaho araw araw nya ito naiisip. sinabunutan nya ang buhok at hinampas ang lamesa. "fvck!" "baka mabaliw ka nanaman" tinignan nya si claude na kakapasok lang ng office nya, umupo ito sa pang isahan na sofa. "pupunta sya dito sa manila" kinunotan nya ito ng noo. "mag ta trabaho ulit sya sa club. nakiusap sakin si rena dahil baka bumalik ang alaala nya, sya nga pala natatandaan nya na ang mga magulang nya at kapatid nya, napuntahan nya na din." "bakit mo saakin sinasabi yan?" seryosong sambit nya dito. ngumisi naman si claude sakanya at napailing.

