Chapter 4

2101 Words
NAGISING sya mahimbing natulog, para bang ang sarap ng tulog nya lalo na ang malambot na kama na hinihigaan nya at ang mainit na mga braso na nakayakap sakanya. 'teka? mainit na braso.. malambot na kama?'  agad niyang idinilat ang kanyang mata at nilibot ang paningin. nasa hindi pamilyar siya na kwarto at higit sa lahat may katabi siyang lalaki... 'luther...' dahan dahan nyang tinanggal ang kamay na nakapalibot sa bewang nya at nagtagumpay naman sya doon. sinilip nya ang kanyang katawan, naka cycling shorts nalang sya at isang malaking tshirt. pinakiramdaman nya naman ang babang parte nya, wala syang sakit na naramdaman ibig sabihin lang non' walanng nangyari sakanila ni luther. tagumpay syang nakaalis sa kama nakita nya pa ang heels at damit nya na nakatupi sa gilid at ang bag nya. mabilis nya iyong kinuha at walang lingon lingon na lumabas ng kwarto at umalis doon. nakarating naman agad sya sa apartment nya dali dali syang naligo ng makita ang oras 8:00am na at start ng ojt nya ngayong 9:00 am.  sinuot nya ang magiging uniform nila, nakita nya pa ang daming tawag sakanya ni kianna at rena. from kianna: - i text mo ako kung nakauwi ka na.. 2:00am from rena: girl! gising ka na ba? hoy mag reply ka! nako tulog ka pa ba? ojt natin ngayon... nakakaloka ka bilisan mo kumilos huh! sa LD Hotel nalang tayo mag kita. agad nya namang nireplyan ang mga kaibigan. to kianna: - okay lang ako, salamat. pasensya na naiwan ko kayo... to rena: -  paalis na ako! mag kita nalang tayo sa entrance ng hotel. agad syang kumilos ng mabilis, may 20 minutes pa sya para bumyahe. tinignan nya ulit ang kabuoan nya. naka low ponytail ang kanyang buhok at ang suot nya ay white longsleeve polo, maroon vest, black na scarf, maroon pencil skirt at black heels. dalawang set ng uniform ang pinahiram sakanila ng hotel.  dali dali syang umalis at nag taxi na kahit umabot pa iyon ng 300 pesos wala na syang magagawa dahil nag mamadali sya. nakahinga sya ng maluwag nang dumating sya 5 minutes before 9am.  "sky takbo!!! bilis pinapapasok na tayo doon sa meeting room para sa mga rules" agad syang napatakbo kahit naka takong pa buti nalang hindi sya natapilok o nadapa.  pumasok sila sa hotel at napamangha sya sa nakita, isang malaking chandelier ang makikita mo pag pasok palang. dumeretso sila sa isang gawi at papasok iyon may mga ibat ibang kwarto na para sa employees. bumungad sakanya ang 8 na katao, bali 10 na sila ngayon dahil kasama na sila ni rena sa bilang.  "hi" napabaling sya sa lalaking bumati sakanya, nahihiyang nginitian nya iyon at umupo sa bakanteng upuan kaya nakatabi nya din ang lalaki. nilibot nya ang paningin sa meeting room masyadong maganda ang nasa loob may malaking flatscreen tv na alam nya na para sa presentation ng kung sino man. malaki at mahabang lamesa at maraming swivel chair. "ikaw kamusta ang party ni kianna? puyat ka no? hindi ka nag re reply saakin e" pinaningkitan sya ng mata ni rena "ah nakatulog kasi ako agad.. nakainom din kasi ako e" paliwanag nya at di na sinabi ang naalala nyang nangyari sakanila ng binata dahil hindi naman ito kilala ni rena. nahihiya pa syang i kwento. nagpasalamat sya loob loob ng hindi na nag tanong si rena sakanya. "uhm.. saang school kayo?" napalingon ulit sya sa katabi nya, yung lalaking bumati sakanya. "nako umagang umaga may nahumaling na agad sa kagandahan mo!" bulong sakanya ni rena at ramdam nya ang ngisi nito kaya pakiramdam nya namula sya sa hiya. "ah sa W university kami" si rena na ang sumagot tumango naman ang lalaki. moreno ang lalaki at may katangusan din ang ilong in-short gwapo din ito lalo na sa ayos nya ngayon pero para sakanya mas gwapo parin si luther na hindi sobrang moreno ang kulay hindi din sobrang puti, katamtaman ang kulay ng kutis nito at napakalinis lagi tignan at mabango-- napapikit sya dahil sa iniisip nya. naalala nya nanaman ang nangyari sakanila na halikan, tandang tanda nya ang make-out session nila at body shot nya para kay luther. ang hindi nya lang matandaan kung paano sila napunta sa condo unit nito. iwinaksi nya sa isip ang binata at tinuon ang atensyon sa babaeng pumasok.  "Good Morning Everyone!" bati nya sa masayang tono at may accent pa ito. sabay sabay din silang bumati sa magandang babae na alam nya may kaedaran na. " i am Michelle Cruz the front office manager of LD Hotel Main Branch " nagpalakpalakan naman sila. nasa main branch kasi sila at dito din mag o-ojt. "so it's your first day today and i would like to meet you the owner of LD Hotels.. He will arrived soon. kaya mga 10:00 am na kayo makakapag start, no worries kasi kung anong nakasulat sa schedule nyo yun parin ang oras ng out nyo"  tumango naman sila. nag pakita lang ng mga rules si ma'am mich at mga dapat gawin. may power point din syang pinakita sa malaking flat screen na tv. " first day nyo pa naman ngayon kaya mag oobserve and assist lang kayo sa mga employee dito. may tutulong sa housekeeping at may p-pwesto din sa front desk para mag greet sa mga customers. "  mayamaya may lalaking pumasok. "mr declan is here." announce nito sakanila agad naman silang napatayo, sumunod nalang din sya kahit hindi nya kilala kung sino ba iyong declan na sinasabi nito. "andito na ang boss!" excited na sabi ni rena. bigla naman syang kinabahan sa di malaman na dahilan. nakayuko lang sya hanggang sa narinig nyang bumati ng good morning ang front office manager na si ma'am mich. agad nyang tinaas ang paningin nya ng biglang tumahimik ang lahat. para naman syang nanlamig dahil sa nakita nya. "He's Mr. Luther Declan the owner of LD HOTELS AND RESORTS" para syang naestatwa lalo na ng magtama ang paningin nila. kitang kita nya ang malalim na pag titig nito at halata nya na mukhang mainit ang ulo nito.  wala sa sariling napaatras sya ngunit natapilok ang isang paa nya, muntikan na syang bumagsak ng biglang may pumalupot na kamay sa bewang nya. agad syang napatingin dito, yung lalaking katabi nya ang tumulong sakanya. "okay ka lang ba? mukhang kinakabahan ka" natatawang sambit nito pero bulong lang ang ginawa kay mas nilapit pa ng lalaki ang mukha nya sa tenga nya.  agad syang tumayo ng makaramdam na hindi komportable sa pag dikit ng lalaki sakanya. "a-ayos lang salamat" bulong nya dito, yumuko sya para hindi masalubong ang tingin na binibigay sakanya ni luther. para syang tanga na pinag lalaruan ang daliri dahil sa kaba at gulat na ang binata pala ang may-ari ng hotel na pag o-ojt-han nya. " they can start now " luther said in low baritone voice.  "takte napaka pogi naman ng boss natin, malalaglag ata ang panty ko sky" bulong sakanya ni rena. THEY assigned in different roles, sky and rena assigned to be a room attendant " sky, pumunta ka sa presedential suit number 1012 " utos sakanya ni mam mich. "vaccuum lang naman ang gagawin mo at change ng bed linen and pillow case.. kaya mo ba mag isa?" Tumango naman sya agad. "Yes po ma'am" " okay good. Marami kasi tayong guest ngayon " ngumiti sya at tumango. Dumeretso sya sa isang kwarto para kunin ang cart. Sumakay sya ng elevator at pinindot ang 10th floor. Nang tumunog iyon na hudyat na nasa 10th floor na sya hinanap nya agad ang room 1012. Huminga muna sya ng malalim para mawala ang kaba nya. Pinindot nya ang doorbell pero walang nagbubukas kaya napag desisyunan nya na buksan at pumasok nalang dahil inutos naman nalinisin at palinan ang bed linen ng kama ng guest. Bumungad sakanya ang malaking sala may kitchen pa iyon. Inumpisahan nya munang i vaccuum ang sala bago pumasok pa sa bedroom. mabilis lang syang natapos dahil hindi naman madumi ang sala parang  bagong linis lang din yun. Hmm. Bakit kaya pinalinis pa 'to.. Pumasok sya sa isang bedroom. Nagtaka sya dahil malinis at maayos naman ang kama. May konting gusot lang iyon dahil sa pag higa or pag upo ng guest pero malinis naman. "You're here..." napatigil sya sa pag va vaccuum ng marinig ang boses na yun. Pamilyar na pamilyar pati narin ang pabango na naaamoy nya. Dahan dahan syang lumingon para siguraduhin kung tama ba ang nasa isip nya.. "s-sir. luther" sambit nya pero mukhang hindi natuwa ang kaharap nya. "sir?" he smirked. napalunok sya ng humakbang papalapit sakanya ang binata, mas lalong nag init ang mukha nya ng pasadahan nya ito. naka robang itim lang ito at kita nya pa ang burdadong pangalan sa kaliwang bahagi ng roba. "ah papalitan ko na po ang bed sheet nyo.." nag salita sya kahit kinakabahan sya, mabilis syang lumakad papuntang cart para maiwasan ang binata. kinuha nya ang bed sheet na itim at pillowcase na itim. ngayon lang nya napansin na ang kwarto na ito ay iba sa kwarto na napasukan nya kanina. ito lang ang may dark color ang tema. "why did you leave me there?" hindi nya sinagot ang binata at patuloy sa pag papalit ng bed sheet nang natapos sya sinunod nya na ang unan.  napabitawan nya ang unan ng may humawak sa palapulsuhan nya at hinatak sya nito ng malakas kaya nauntog sya sa matigas na bagay... ang dibdib ng binata. "s-sir.. h-hindi pa po ako tapos mag palit ng pillow case" halos pabulong na ang boses nya. ramdam na ramdam nya ang kabog ng dibdib nya. lagi nalang sya ganito pag nakakaharap nya ang binata. "let's talk" dumapo ang kamay ni luther sa baba nya at inangat iyon pataas para masalubong ang titig nya. "baby.. look at me" he licked his lower lip. nakita nya pa ang pag galaw ng adams apple nito at pag igting ng panga kaya wala sa sariling napatingin sya sa mga nito na nakatingin din sakanya. naramdaman nya ang pag palupot ng isang kamay ni luther sa bewang nya at marahan na hinapit sya nito palapit sa katawan ng binata. "why did you leave? hindi mo man lang ako ginising kanina" napapikit sya ng marahan na hinaplos ng binata ang mukha nya. amoy na amoy nito ang mabangong hininga na amoy mint pa. hindi nya namalayan na napakapit na pala sya sa braso nitong matigas. nangangatog ang tuhod nya at parang bibigay kung bibitaw pa sya sa braso nito. hindi nya alam kung bakit ganito ang nararamdaman nya tuwing malapit ito. para bang gustong gusto ng katawan nya ang haplos na binibigay ng binata sakanya. "h-hindi naman kita kailangan gisingin.. p-pasensya na pala sa nagawa ko" sambit nya "hindi ako tumatanggap ng pasensya." naging seryoso ito at binitawan ang pagkakahawak sakanya napayuko naman sya at pinaglaruan ang daliri nya. " sorry... k-kalimutan mo nalang ang nangyari--" natigilan sya ng maiksi itong tumawa " kalimutan? oh fvck baby... i will not forget about every second of it." parang may nag wala sa loob nya. hindi nya alam kung bakit sya nakakaramdam ng tuwa sa sinabi nito na hindi nya makakalimutan ang nangyari sakanila "dare lang naman iyon.. siguro kung sa iba ko yun ginawa makakalimutan din nila yun" sambit nya at sinalubong ang tingin ng binata. mas lalong nag salubong ang kilay nito at humawak pa sa panga. 'bakit parang mas gumagwapo ito pag nakasalubong ang kilay?' " i would not let you do it with other men.. "  " hindi ko na din naman iyon gagawin.. pinagbigyan ko lang sila dahil ayaw ko maging kj sa laro namin " kumilos na ulit sya para ayusin ang ginagawa nya.  "who's that fvcking man?" agad nya nilingon ito ng natapos syang mag ayos ng kama. "huh?" "yung katabi mo kanina at hinawakan ka pa talaga sa bewang" napa 'o' shape naman ang bibig nya ng matandaan iyon "ah si jordan? tinulungan nya ako kanina dahil natapilok ako" "jordan huh?" tumango sya at lumapit sa cart. "aalis na po ako sir--" "drop the 'po' and sir." galit na sambit nito "pero ikaw ang boss namin dito.. hindi naman pwedeng luther lang ang tawag ko sayo" ngumuso naman sya. "damn.. " nanlaki ang mata nya ng biglang lumapit sakanya si luther at kinabig ang ulo nya. napabitaw ang kamay nya sa cart handle. "b-bakit... mo ako h-hinalikan?" wala sa sariling tanong nya ng nag hiwalay ang labi nila " i thought you want a kiss" ngumisi ito sa harapan nya. "next time dont pout pag nakita kita na nakanguso hahalikan kita kahit marami pang tao" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD