Dice' Pov Gabi bago ang kaarawan ng aking anak ay naisipan ko ng umuwi sa amin sa Pilipinas. Ang totoo ay hindi ako ganoon kaclose sa anak ko, dahil na din siguro sa katotohanan na nabuntis ko lamang ang isang babaeng nakilala ko sa isang bar anim na taon na ang nakakaraan. That years cause me so much pain. Pero sa tagal na din ng panahon na lumipas, masasabi ko sa sarili ko na nakalimot na ako. Six years is enough to heal my broken hearted. Ang dami ko na ding nadate na babae sa Canada pero ni isa ay wala din akong sineryoso. Ganoon siguro talaga kapag natrauma ka na, takot ka ng sumugal ulit. Nasabi ko sa sarili ko na tama na ang isang beses na nasaktan ako. Ang puso ko ay nakalaan na lamang para mahalin ko ang sarli ko. Nangako din ako sa sarili ko na tuluyan ko ng kakalimutan ang

