"Hey, we've been introduced to each other, tapos hindi mo na ako kilala?"
Nilapit nito ang muka nya sa akin at don ko na nakilala si Dylan! Sya yung may kahalikan kanina!
Para akong tinamaan ng kidlat at nangamatis ang aking pisngi.
"I-I'm sorry Sir Dylan, hindi ko po kayo nakilala." Utal kong sambit ng marealize kong ang lalaking kanina ko pa hinahanap ay nasa harapan ko na pala at sinasayaw ako.
"Dont call me sir, at don't use 'po' I'm not that old, 25 years old lang ako." Pabiro nitong sambit.
"Yes s-si.. Dylan"
Nang matapos ang party lumapit ako kay Andrea nasa table sya non nila Dylan at nakikipagkwentuhan.
"Andrea, mauna nako," Sambit ko. Tumayo si Andrea at lumapit sa akin
"Ganun ba, kung gusto mo dito kana lang matulog, late narin eh.." Tugon nito.
"Hindi na, saka may interview ako bukas eh." Sagot ko rito.
"Ihahatid na kita," Baritonong sambit ng isang lalaki,si Dylan. I shifted my gaze at him.
"Naku, hindi na Sir.. magtataxi nalang ako. Beshy, una na ko ha? Happy birthday ulit." Niyakap ko sya at umalis na, naghihintay ako ng taxi sa labas ng may pumaradang kotse sa harapan ko, bumukas ang window ng passenger seat sa likod, at ang gwapong muka ni Dylan ang tumambad sa akin.
"Do you think na may taxi pa rito ng ganitong oras? Ihahatid na kita, let's go." he said with finality sabay bukas ng pinto at lumipat sya sa kabilang side, kahit nagaalangan ay sumakay na ako, kaysa naman mamuti ang mata ko kakahintay ng taxi, ayoko namang matulog sa bahay ni Andrea dahil may interview pa ako bukas ng umaga.
Nakasandal sa head rest si Dylan at nakapikit habang nasa byahe, ang bango ng loob ng kotse nya, tahimik naman akong nakikiramdam at patagong sinusulyapan sya.
Ang saya ko, hindi ko akalain na napakagentleman ni Dylan, hindi ko napigilang mapangiti. Pero napapawi yon kapag naaalala ko yung nakita ko.
"She's my ex girlfriend," Nagulat ako sa baritonong boses nito na biglang bumasag sa katahimikan.
"Ha?" Tugon ko. Habang nakatingin sa kanya.
"Di ko alam na nandon din pala sya, she's always like that whenever she see me."Dugtong nito.
Hindi ko alam kung anong susunod kong isasagot, dahil kung tutuusin hindi naman nya kailangang magpaliwanag sa akin dahil kung hindi ako pumunta doon ay hindi ko sila makikita.
"I heard you have an interview tomorrow." Binangon nya ang ulo nya at minulat ang mata.
"Ahm, oo malapit na kase yung sembreak, sayang naman kung wala akong gagawin." Tugon ko rito.
"Bakit? Aalis kana ba sa cafe?" Muli nitong tanong, ngunit walang anumang emosyon sa muka nito.
"Tapos na kasi yung kontrata ko sa cafe, kaya nagapply ako sa iba." Muli kong sambit.
"Lucky you, merong opening for secretary position sa company ko, kung gusto mo magsend ka ng resume mo thru email." Sambit nito habang nakatingin sa akin.
"Talaga? Sige, magssend ako kaagad ng resume pagkauwe ko." Abot hanggang tenga ang ngiti ko, gusto ko rin talaga maexperience ang corporate work, para mahasa ang knowledge ko.
Bumaba ako sa street malapit sa apartment ko,
"Thank you sir Dylan." Sambit ko bago kinuha ang bag ko at bumaba, ngunit bago pa man ako tuluyang makababa ay hinatak nya ang kamay ko, dahilan para makaupo akong muli.
Nagulat man ay hindi na ako nakapagsalita dahil dali dali nyang hinubad ang kanyang coat at sinukbit sa balikat ko,
"Are you ok? Ihahatid na kita sa tapat ng bahay mo, hindi ako komportableng maglakad ka sa ganyang kadilim na lugar." Sambit nito habang sinisilip ang labas ng sasakyan. Muling bumilis ang t***k ng puso ko na halos, sumabog na dahil sa kaba at kilig na nararamdaman ko.
Ngumiti ako ng bahagya,"Ok lang ako Sir Dylan, sanay nako dito. Saka wala namang masasamang tao dito sa lugar ko." Tugon ko,"magingat kayo pauwe, thank you ulit sa paghatid." Nakangiti kong dugtong, hindi na ito sumagot at sinundan nalang ako ng tingin, hanggang sa makababa ako.
Noon ay hindi nako lumingon pa, dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko at hiya narin, napaka thoughful ni Sir Dylan, at gentleman pa, lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya.
Nakangiti ako habang naglalakad, hanggang sa makarating ako sa apartment ko.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para sa interview ko sa isang restaurant. Nagayos ako at nagalmusal bago pa umalis, habang nagbibihis napatingin ako sa closet ko at nakita ang coat ni Sir Dylan, hindi ko mapigilang mapangiti, hinaplos ko iyon at niyakap pa amoy ko parin ang pabango nya, naisip ko kung pano ko maisasauli sa kanya to. Agad akong nagmadali ng makita kung anong oras na, malalate nako sa interview ko.
Maayos namang natapos ang interview ko, sinabihan nalang ako na tatawagan nalang kung sakaling nakapasa ako sa final interview. Hindi ko alam kung makakapasok ako sa restaurant, dahil 2 months lang naman ang sem break namin at baka umalis din ako kapag nagpasukan na. Habang naglalakad papunta sa sakayan ay naalala ko ang inalok sa akin ni Sir Dylan na secretarial slot sa company nya, umupo ako sa may waiting shed at hinanap ko ang business card na binigay nya sa akin kagabi, mabuti nalang at naalala ko pang nilagay ko pala sa wallet ko. Kinuha ko ang cellphone ko at sinend sa email ang resume ko. Sana makapasok man lang ako, kung ganon ay araw-araw ko ng makikita si Sir Dylan, muli nanamang bumilis ang t***k ng puso ko sa kilig.
Final exam namin ngayon, abala ang lahat sa paghanap ng room ng examination nila, nakita ako ni Andrea at Richard na naghahanap kung saang room ako mageexam lumapit sila sa akin at binati ako.
"Beshy!!!" Nakangiti nitong bungad sabay yakap sa akin na noon ay abala sa paghahanap ng pangalan ko sa listahan.
"Hi Irene." Bati naman ni Richard na noon ay nasa likuran ni Andrea.
"Hi kamusta,nahanap nyo na ba room nyo?" Tanong ko.
"Yeah, mamaya pa naman yung start ng exam. Where you go after exam?" Nakangiti nitong sambit.
"Ahm,wala sa bahay lang." Sagot ko. Wala naman akong pupuntahan, hindi pa kasi ako tinatawagan ng inapplyan ko.
"Pupunta kame ng mall, gusto mo bang sumama?" Pagaakay nito.
"Naku, kayo nalang, alam mo namang hindi ako mahilig magmalling diba?" Sambit ko habang naglalakad papunta sa room ko, nakasunod naman ang dalawa sa akin.
"Sige na Irene, sama kana samin." Muli nitong sambit habang nakakapit sa braso ko. Huminto ako sa tapat ng room ko at humarap dito.
"Oo na, sige na. Sasama nako, mauna nako kelangan ko pang magreview." Sambit ko bago pa man makapasok sa loob ng silid.
"Hintayin ka namin sa labas ah, goodluck beshy!"At tuluyan nang umalis. Pagkatapos ng exam ay lumabas na ako ng school sinalubong naman ako nila Andrea at Charles, "Lets go?"sambit ni Charles sabay lapit sa sasakyan nya.
Huminto ako ng mag-ring ang phone ko, "Hello?"sambit ko pagkasagot ko ng phone.
"Hello Ms. Irene Sandoval? This is Ms. Karen from Montenegro Enterprises, can you come to the office for the final interview?" Sambit ng malumanay na boses sa kabilang linya.
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa dalawa na noon ay pinapanuod ako. "Talaga po? Ok, pupunta ako. Thank you po!" Nakangiti kong sambit sabay baba ng phone.
"Bakit? Anong nangyare Irene?" Tanong ni Andrea na noon ay nakahawak sa braso ko.
"May final interview ako sa Monternegro Enterprises, sorry guys ha. Hindi muna ako makakasama, sige ha. Mauna na ko.." Nagmamadali kong sambit noon ay narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Andrea ngunit hindi ko na sila nilingon pa.
Ilang oras lang ay nakarating na ako sa company ni Dylan..
Nalula ko sa taas ng building at sandaling napako ang mga paa ko sa harapan ng building na iyon. Kinakabahan man ay nilakasan ko nalang ang loob ko, sa pagpasok sa loob ng building dumeretso ako sa reception area para magtanong.
"Hi, good afternoon. Ako po si Irene Sandoval, may interview ako dito." Sambit ko habang nakangiti sa babaeng naroon, marahan nya akong tiningnan na para bang sinusuri nya ang suot ko.
Oo nga pala, dahil dumeretso ako galing sa school ay di na ako nakapagpalit pa ng damit alam kong hindi yon akma para sa isang formal interview.
Kinuha nya ang telepono at may kinausap doon saka muling binaling ang tingin sa akin. "Please go to 25th floor, HR department.look for Ms. Karen." Sambit nito na wala man lang maski anong ekspresyon ang muka.
Nginitian ko nalang sya at tumuloy na sa elevator, nang makarating ako sa 25th floor ay may sumalubong sa akin si Ms.Karen. "Good afternoon Ms. Sandoval." Bati nito,medyo may edad na ito pero napakaganda nya.
"Good afternoon po, Ms.Karen, pasensya na po kayo hindi na ako nakapag palit ng damit kasi galing pa kasi akong school." Paliwanag ko dito, hinawakan nya naman ako sa likuran at naglakad.