Ngumiti sa akin si Louise nang makita nya ako, nginitian ko rin sya saka muling binaling ang tingin kay Dylan na noon ay nakatingin na sa akin. “Hi, what a coincidence, nandito rin pala kayo.” Sambit nito. “What are you doing here?” Baritonong sambit nito, napaawang pa ang labi ko nang marinig ang malambing na tono nito, “Katatapos lang ng meeting ko dito, can I join you?” Tugon nito. Napatingin ako kay Dylan na noon ay nakatingin na sa dalaga. “Sure.” Baritonong sambit nito. Napaawang ang labi ko, seriously Dylan? Akala ko ba date ‘to? Umupo sya sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Dylan, tumaas ang kilay ko nang biglang humawak ito sa braso niya. Sa harap ko pa talaga ha? Tinungga ko ang natitirang wine sa baso ko. “Um, Irene kamusta ka? Hindi na tayo nakapagkwentuhan nung nagkita

