“Do you mean, he has OCD at ang obsession nya ay ako? Teka, pano nangyari yon? I mean may ganun ba? Na nauuwi sa pagiging bayolente?” Sambit ko. “I told you, I already knew Dylan bago pa kayo kinasal, matagal ka na nyang kilala. Simula pa nang mamatay ang magulang mo,kilala ka na nya at matagal ka na nyang sinusundan.” Tugon nito, Naging blangko ang isip ko, para akong tinamaan ng kidlat sa narinig ko, kilala ako ni Dylan? At matagal na? Totoo ba to? Tumawa ako ng bahagya sabay kagat sa labi dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Troy. “Really? Pinaglalaruan mo ba ako Troy? Joke time ba to? Pano nangyari yon? Unang beses ko syang nakita sa café, kaya pano mangyayari na kilala nya na ako noon pa? Imposible yang sinasabi mo. Wala naman akong nakikitang kakaiba kay Dylan.” Sambit ko

