Pagdating ko sa bahay umakyat agad ako ng kwarto at narinig ko ang pagkatok sa akin pinto dali dali ko itong binuksan at nakita ko si kuya Jerome
Jerome : Ariana busy ka ba ? May ipapakisuyo lang sana kami sayo ?
Ariana: hindi naman kuya bakit ? At sinong KAMI ? at ano yun ?
Jerome : gusto kasi ni Raven humingi ng pabor sayo dahil nahihiya sya magsabi kaya ako ang nandito para kausapin ka bukas lang naman ito para sa event natin bukas yung Earth Day event sa school gusto ka nya sana makapareha?
Ariana: ha ? Bakit ako ? Bakit hindi nya ayain si Rina? Mag aaral ako bukas kuya at hindi rin ako naghanda ng damit na susuotin para bukas kaya wala ako gagamitin
Jerome : ang totoo nyan inaya nya na si Rina kanina pero tinanggihan sya neto .
Ariana: pwede naman pumunta duon kahit wala kang kapareha kuya kaya walang problema kung pupunta sya doon mag isa.
Jerome : balak kasi nyang pagselosin si Rina nararamdaman naman nyang gusto sya ni Rina kaya di nya alam kung ano yung humahadlang para iwasan si Raven ng ganto
Ariana: kuya ! hindi na naten problema yon kung ayaw ni Rina kay Raven kung mas priority Ni Rina ang mag-aral at isa pa bakit ako iba nalang . Alam mong hindi ako mahilig sa party na mga ganyan
Jerome : ayaw nya kasi sa iba alam mo naman din marami nagkakagusto sa kanya ayaw nya magpaasa ng babae at alam nyang hindi ka magtatake advantage sa gagawin nyong pagkukunwari ..ayaw nya rin magpaliwanag sa iba kaya nga ako ang nagpapaliwanag neto sayo , kami nadin bahala sa susuotin mo at make over mo ayaw mo ba ? Isang gabi lang naman to pagtapos neto bilang kabayaran dadagdagan daw nya yung allowance mo this month
Ariana : mahal na mahal mo si Raven ah mas kapatid mo pa ata sya kesa sakin inuuto mo pako sige na kuya payag nako kahit wala na kapalit ..yung damit sabi nyo kayo ng bahala ah wala nako time mamili ngayon marami pako babasahin at gagawin assignment e
Jerome : sige sige katukin nlng ulit kita pag nandito na sya
Sinarado na ni kuya ang pinto sabay nag iisip sa mga sinabi ni kuya !! hindi ba nila alam na ayaw nila magpaasa ng ibang babae pero ako naman ang papaasahin nya hayst Raven ! Ginugulo mo mundo kong tahimik
6pm na nagising ako na nakaupo sa study table nakatulog pala ako habang nag aaral naririnig ko si kuya at si raven na nag uusap inaayos ko na ang mga libro at bababa na para kumain nakita ko ang 2 dress na binili ni Tita ( mama ni Raven ) para sa event at nakikita ko ang pagtatalo nila kasi hindi sila magkasundo sa ipapasuot saakin
Ariana: Wow ! Ang ganda naman ng mga to mahal siguro to buti may pera kayo ?
Jerome : si tita madel ang pumili nyan para sayo dinagdagan nya na para daw sa susunod kung meron ulit Party meron kanang gagamitin
Ariana: hala nakakahiya kay tita madel ang mahal neto wala ako pambayad dito ah !
Raven : regalo daw yan sau ni mama hindi ka non pagbabayarin ..
Natulala ako dahil tahimik na lalaki si Raven hindi sya madalas makipag usap kung hindi si kuya
Marahil dahil nahihiya din sya sakin sa gagawin namin akto bukas
Jerome : sukatin mo na kaya para malaman na naten kung ano ang gagamitin mo bukas ?
Ariana : kuya kakain muna ako nagutom nako e
Jerome: dahan dahan sa pagkain ah baka mamaya hindi walang kumasya sayong damit sinabi ko kay tita madel na mataba ka pinipilit nya na alam nya ang size ng bewang mo (sabay tawa ang 2 )
Ariana : grabe ka kuya hindi ako ganon kataba sa inaakala mo
Jerome : oo na sabi mo e
Napagdesisyunan namin na yung dress na pink ang gagamitin ko bukas kaya ready nako para sa event tinawagan din nila yung kaibigan ni tita madel na baklang mag aayos saakin
Pinag uusapan na namin ang gagawin akto para bukas wala naman masyadong pagkukunwari tanging magkasabay lang kami papasok sa event at aakto ng sweet sa isa't isa
Ariana : kaya ko bang gawin to?
Raven : maging Ariana ka lng kung ano ka talaga . ako na bahala sa ibang akto kaya nga ikaw yung naisip ko para hindi tayo maging awkward sa isa't isa atleast panatag tayo wala malisya
Ariana : okay ayun lang ba? pwede na ba ako umakyat sa kwarto dami pa kasi akong tatapusin e
Jerome : ok na sige na umakyat ka na
Papasok nako sa kwarto at kinakabahan para bukas wala silang kaideideya na may gusto ako kay raven sobrang kaba ng dibdib ko hindi ko alam kung masasayahan ba ako or malulungkot sa mga plano nilang ganito masaya dahil hahawakan ako ni Raven at makakasayaw ko sya bukas sa event pero nakakalungkot dahil ang lahat ng ito ay panandalian lang at plinano para pagselosin si Rina ..