Pumunta ang dalaga sa 711 bumili ng beer na iinumin nya nag iinom na sya kahit 16 palang sya pero eto ay tuwing okasyon lang at moderately lang ngunit iba ngayon gusto nya makalimot kesa pumunta sa kaibigan minabuti nyang solohin ang nararamdaman sakit.
Jerome and Raven’s pov
Raven: bro wala ka ba napapansin kay yana parang kanina pa sya umiiwas iniisip ko lang baka may nagawa akong mali sa kanya kagabi
Jerome: nako may dalaw lang yon kaya ganon at saka ikaw may gagawin di ka na nga makatayo kagabi
Raven: hinala lang naman kasi wala nadin ako maalala baka nagalit yun kasi nabigatan sa pagbuhat ikaw naman kasi di mo man lang ako inakyat sa kwarto bago mo ihatid ang jowa mo .
Narinig nila bumukas ang pinto kaya natigil ang pag uusap ng dalawa. Habang si ariana naman ay inaantay lumalim ang gabi para umakyat ang dalawa 11pm na saka nya lang inumpisahan inumin ang 4 na pirasong beer at soju inuna nya muna inumin ang soju na maliit.
Ang hirap pala mag inom mag isa mukha akong tanga pero eto lang ang paraan ko para makatulog at itigil yung mga tumatakbo sa isip ko. Mauubos ko na ang soju kukunin ko na ang beer na nasa ref nakita ko si Raven nagulat ako
Raven: umiinom ka?
Tumango lang ako Tipid na sagot ko
Agad ako umalis dahil ayaw ko ng magtanong pa sya ulit
Paakyat na sya ulit dahil kumuha lang sya ng malamig na tubig kakatukin sana ni raven ang kaibigan si jerome pero naisip nya na wag ng istorbohin ang kaibigan at bukas nalang nya eto sasabihin
2am na hindi makatulog si Raven kakatapos lang nila ni Rina mag usap sa telepono agad syang bumaba para tignan ang dalaga nakita nya itong nakahiga na ang ulo sa mesa ng sofa agad nya itong pinuntahan.
Raven: okay ka lang ba yana?
Nakadilat pero hindi nasagot iniikot ikot ang beer sa mesa Muling nagsalita ang binata
Raven: iaakyat na kita
Nagulat ang binata sa inasal ni ariana ng hawakan ang tshirt neto at saka hinalikan hindi sya nakareact agad tila natulala sya sa ginawa ng dalaga sabay sabi na
Ariana: bayad yan sa ginawa mong pagnakaw ng halik sakin kagabi. (Hindi alam ng dalaga kung sa alak sya kumuha ng lakas ng loob) pero nasabi nya na at wala na syang magagawa dito
Raven: kung yun ang kinagagalit mo sorry kasi wala ako matandaan at hindi ko sadyang gawin sayo yun para nadin kitang bunsong kapatid .
Pagkarinig noon ay nagpantig ang tenga ni ariana.
Ariana: parang kapatid? Tang*** Raven ang tagal ko ng may lihim na gusto sayo mula ng gradeschool ako 4 na taon kong pinilit tanggalin sa isip ko dahil alam ko masaya ka na kay rina pero dahil sa isang halik kagabi nagbalik lahat nabigla ako sa mga sinabi ko kaya tinakpan ang mga bibig
Hindi na nya inantay ang reaksyon ng binata at mabilis na umakyat sa hagdan patungo ng kwarto
Nagulantang ang binata sa pagtatapat ni Ariana pero wala sya ibang naramdaman kundi malungkot para sa dalaga alam nyang di nya kaya suklian ang nararamdaman neto lalo na at mahal na mahal nya si Rina dahil sa iniwan salita ng dalaga hindi sya nakatulog ng ayos 4am na pero di padin sya makatulog kaya kinabukasan 9am palang ay ginigising na sya ni jerome
Jerome: pre mukang di ka nakatulog ng maayos ah hahaha siguro nag s*x on phone kayo ni Rina noh (pagbibiro neto sa binata)
Raven: loko di ko gawain yon pinapasa mo pa sakin gawain nyo ni maxene (ganting tudyo nya
Dito)
Jerome: saglit nga at puntahan ko si yana kalat kalat ang mga bote sa sofa di man lang nya iniligpit pagtapos nya uminom. Ni hindi nga nagpaalam na iinom pala
Pumunta si jerome sa kwarto ni ariana at pumasok nakitang kakagising lang ang kapatid at pinagsasampal ang sarili.
Jerome: oh ano nangyari sayo
Ariana: (gulat na sagot ni ariana) oh kuya bakit?
Jerome: ano pumasok sa utak mo at nag inom ka di mo man lang inayos ung sofa bago ka umakyat sa kwarto mo sana man lang nag aya ka (panunukso neto)
Ariana: ahm kuya may nakwento ba sayo si Raven? Hiyang tanong neto
Jerome: wala naman bakit may kailangan ba sya sabihin?
Ariana: ah wala naman kuya balak ko kasi mag punta kina rachel kagabi akala ko nagsumbong agad sya sayo (pagsisinungaling ng dalaga )
Jerome : dalian mo na jan kumain na tayo parehas pa kayong late nagising ..
Sa hapagkainan parehas kami naiilang sa isa’t isa
Raven: uuwi na muna siguro ako saamin pagtapos ng agahan tsaka hinahanap nako ni mama
Jerome: kelan ka pa hinanap ni tita? Alam naman non pag di ka don natulog malamang ay andito ka?
Raven: may lakad din kasi kami ni Rina e baka magalit kung malelate ako (pagsisinungaling ng binata)
Jerome: osige baka mamaya pag awayan nyo pa alam mo naman mga babae konting pagkakamali bigdeal agad sa kanila.
Wala akong imik habang kami 3 ay nakain.