CHAPTER 7

2451 Words
CIRLYN CONVENTION DAY AT HOTEL TREVINO Nasa bungad ako ng convention hall ng Hotel Trevino at kasama ko ang mga kasamahan ko. Nakaupo kami sa isang mahabang mesa na nagsisilbing registration area para sa mga kasali sa event na inorganisa ng company namin. Kasalukuyan naming isa-isang ina-assist ang mga ito sa kanilang attendance at registration para makapasok sila sa loob. We need to make sure na sila talaga ang naka-register. Kaya naman dino-double check din namin at hinahanapan ng ID for inspection and confirmation. Iniiwasan lang din kasi namin na may makakapasok at may makalusot na iba na hindi naman kasali. Mabuti na kasi ang sigurado.  Ngayon araw na kasi magaganap ang event at halos hindi na kami magkandaugaga sa pag-aasikaso. Halos sabay-sabay kasing nagsidatingan ang mga ito at bigla kaming dinagsa. Kaya naman medyo natagalan at nagkaroon pa ng pila bago makapasok sa loob. Aside pa do'n ay na-doble na din kasi ang bilang nga mga participants kaya dumami rin bigla ang bilang ng mga dapat i-accomodate. Nakakataranta pero masaya. Nakakatuwa dahil ito na ang pinakamalaking event na na-organize ng company namin. At hoping na maging successful ito para masundan pa uli.  Halos kakapasok lang ng huling kasali sa loob. Lahat ng nasa listahan ay dumating. Kaya ilang saglit na lang din ay magsisimula na rin ang programa sa loob. Napasandal ako bigla sa inuupuan ko. Nawindang ako sa pagdagsa kanina. Medyo napagod ako ng slight doon kaya napainat ako ng mga kamay ko nang biglang naramdaman kong may natamaan yata ako.  "Aray!" Dinig kong daing ng boses. Dahil do'n ay napalingon ako sa pinanggalingan niyon. At nakita ko nga si Mary Grace na hindi maipinta ang mukha. "Oops! Sorry, Girl? Masakit ba?" nag-alala kong tanong sa kanya.  "Malamang! Mag-a-aray ba ako kung hindi," tugon nito na nakasimangot pa rin habang sapo ang nasaktang pisngi.  "Sorry na nga. Hindi ko naman sinasadya," hinging paumanhin ko rito.  "Hindi sinasadya. Ang sabihin mo gumaganti ka pa rin talaga sa akin," ani Mary Grace.  "Gumaganti? Para saan?" Naguluhan ako bigla sa sinabi nito.  "Dahil do'n sa inasta ko sa food tasting noong nakaraan," sabi nito.  "Huh?" Natawa ako bigla. "Girl, ilang araw nang lumipas iyon. Nakalimutan ko na nga, eh. Hindi pa rin maka-move on, 'te?" "Ikaw? Makakalimot? Eh, sa talas ng memorya mo." "Oo, nga. Wala na rin namang akong magagawa pa ro'n saka tapos na rin naman iyon, no? Isa pa ay no choice rin ako kundi ang kaibiganin pa rin kita kahit makapal ang mukha mo." "Wow, ha? Hiyang-hiya naman ako sa 'yo. Mukhang napilitan ka pa yata sa lagay na 'yan." At tinaasan pa ako ng isang kilay nito.  "Wala, eh. Gano'n talaga siguro. Ako lang naman ang kayang magtiyaga diyan sa ugali mo. Kaya nga palagi rin tayong mag-partner 'di ba?" Sabay tapik ko ng mahina sa balikat nito.  "Ayos ka talaga," aniya at tinignan ako ng masama.  "Sorry, na nga 'di ba? 'Wag ka nang mag-inaso diyan. Hindi ka maganda." "Pareho lang tayo, no? Oo, na! Pero masakit talaga siya, Girl, eh," saad ni Mary Grace at kinuha ang compact mirror sa bag nito para i-check ang pisngi sa salamin.  "Wala naman, eh," sabi ko habang nakatingin sa pisngi nito.  "Oy! Shie, Gracy! Tara na sa loob. Magsa-start na raw ang event," biglang tawag ng kasamahan kong si Virgie. Kasama nito ang isa pa naming kasama na si Aiza. Sila ang mga katulong namin kanina sa registration.  "Ah, gano'n ba? Sige, una na kayo sa loob. Susunod kami. Ayusin lang namin ang mga gamit dito. Salamat sa tulong ninyo," sagot ko rito.  "Welcome," tugon ni Virgie at ngumiti. Saka sila pumasok sa loob ni Aiza.  Naiwan kaming dalawa ni Mary Grace na patuloy pa rin sa pagcheck sa salamin ng pisngi nitong nasaktan nang maagaw bigla ang atensyon ko nang matanaw ko ang dalawang lalaking paparating at nakasuot pa ng formal suit. Para silang mga boss dahil sa uniform nila. Bagay na bagay talaga sa mga ito ang suot. Namukhaan ko agad ang isa sa mga ito --- walang iba kundi si Evander na nakilala at nakasabay namin noong nakaraan sa elevator papuntang Century Grill at nagpresenta pang ihatid kami. Hindi ko kilala ang kasama nito pero sa porma at tindig din nito ay mukhang kasamahan rin nito iyon sa trabaho. May itsura rin ito katulad ni Evander. Tuluyang lumapit ang mga ito sa amin.  "Hello, there," nakangiting bati ni Evander sa amin.  "Hi!" tugon ko sa kanya at ngumiti ng simple. Nakita ko ring nakangiti ang kasama nitong lalaki.  "Hello, Mary Grace!" bati naman nito sa kaibigan kong busy pa rin.  Pagkadinig ni Mary Grace niyon ay agad itong napalingon para tignan ang bumabati sa kanya. Halos nataranta pa ito at mabilis na napatayo mula sa pagkakaupo nito nang makita si Evander. Nabitawan pa nito ang bag nito at bumagsak sa paanan ko. Napilitan akong pulutin iyon at ipinataong sa upuan nito.  "Hi, Evander!" Dinig ko pang bati ni Mary Grace.  Tiyak kong nanginginig na naman ang mga petchay nito sa kilig.  "Ba't andito kayo sa labas? Hindi pa ba nagsa-start ang event niyo?" tanong ni Evander.  "Magsa-start pa lang," pabebeng sagot ni Mary Grace. "I see." "May kailangan ka ba?" singit ko sa mga ito.  "Wala naman. Napadaan lang kami at nakita ko nga kayo," paliwanag nito.  "Gano'n ba? Akala ko ako na ang ipinunta mo rito," ani Mary Grace na hindi na naman nakapagpigil. Kahit kailan talaga ambisyosa ang frenny ko na 'to.  Nakita kong natawa si Evander sa sinabi ni Mary Grace. Maging ang kasama nito na hindi naman nagsasalita. Panay ngiti at nag-oobserba lang habang nakikinig. "Pwede naman," ani Evander na parang napilitan. "Hoy! Parang sira 'to. Ano ka ba?! Joke lang 'yon," malanding saad ni Mary Grace. "Ah, gano'n ba? Nagbibiro lang din naman ako, eh," saad rin ni Evander dito at tumawa pa.  Napansin kong biglang nag-iba ang hilatsa ng mukha ni Mary Grace dahil do'n. Hindi yata nito inaasahan iyon. Parang gusto kong matawa sa sinabi ni Evander. Mukhang maloko rin ang isang ito. Marunong ding makisabay at sakyan ang mga trip. Basag tuloy ang ilusyon ng kaibigan ko.  "Anyway, goodluck sa event ninyo. Hanggang mamayang hapon pa 'yan 'di ba?" "Yes!" Ako na ang sumagot dito dahil mukhang wala na sa mood si Mary Grace. Nakasimangot nga kasi ito.  "Okay! See you both around. Nice meeting you, again." "Okay," tugon ko.  At tuluyan na ngang tumalikod ang dalawang lalaki para umalis. Pagkalayo ng mga ito ay muli kong binalingan si Mary Grace na napaupo na lamang. Pahiya siya, eh.  "Ayos na sana, eh. Binawi mo pa," sabi ko sa kanya.  "Girl! Ang sakit-sakit. Parang hindi ko yata matanggap." At sinapo ang dibdib nito sabay umarte na masakit iyon.  "Alam mo, Girl. Tigilan mo na yan. Parang kang timang." Iniisa-isa ko nang pinagdadampot ang mga dapat bitbitin. "Kalimutan mo na 'yan. Tara na sa loob. Baka kailangan na tayo ro'n," sabi ko sa kanya at naghanda na para pumasok sa loob. Wala akong panahon sa pag-iinarte nito. At lalong hindi ako naawa sa kanya. Bahala siya sa kabaliwan nito.  "Girl!" tawag pa niya sa akin.  "Leche! Tumayo ka na diyan." At iniwanan ko na ito para pumasok sa loob.  LORKAN "Team! Let's do this!" Nasa kusina na ako kasama ang ilang piling tauhan ko na makakatulong ko para sa paghahanda at pagluluto ng mga pagkain na ise-serve mamaya para sa lunch at meryenda ng mga participants sa kasalukuyang ginaganap na convention sa hotel ng company nina Cirlyn. Magsisimula na kasi kaming magluto kaya naman bilang in-charge sa lahat  ay bini-briefing ko na muna sila sa mga gagawin. Isa-isa ko silang ina-assign kung anong magiging participation nila. I need to make sure na may ginagawa at productive ang lahat. We need to double time. Limited lang ang oras namin. Pero hindi dapat maco-compromise ang quality, ang lasa ng pagkain at maging ang presentation. Ayoko namang mag-serve ng pagkain na bara-bara lang ang pagluto.  Main goal pa rin namin na masarapan ang mga kakain kaya naman we need to do our best. Pangalan ko at pangalan ng resto ko ang nakataya dito. Kaya medyo pressured ako pero ayokong ipakita iyon sa mga tauhan ko. Dapat i-motivate ko pa rin sila para naman ganahan ang mga ito. Naka-ready naman na kasi ang lahat mula sa mga sangkap at maging sa mga gamit na kakailangan at gagamitin namin. Maaga rin kasi kaming pumasok kanina para sa naging preparations at paghihiwa ng mga kakailanganin naming mga ingredients.  Medyo marami-rami ang lulutuin namin ngayon dahil biglang dumoble pa ang bilang ng mga kasali. Tinawagan pa ako ni Cirlyn tungkol do'n at tinanong kung okay lang ba na magpadagdag sila. Siyempre dahil sa gusto ko nga ring magpasikat at magpa-impress sa kanya kaya pumayag pa rin ako. Kahit na nga medyo late na ito nagsabi. Nahihiya rin naman akong tanggihan pa ito dahil naka-oo na rin ako sa kanya. May kasunduan na rin kaming dalawa. Inaasahan niya rin ako. At saka inaalala ko rin na tiyak mahihirapan itong maghanap ng papalit sa akin for the last minute kapag inayawan ko. Ayoko namang mangyare iyon. Ayaw ko naman siyang iwanan sa ere at pabayaan. Kahit paano ay ayaw ko rin naman siyang biguin.  Confident naman akong kaya ko ito siyempre with the help of my staffs. Isa pa ay pinili ko talaga ang mga magagaling, mabibilis at kayang magmulti-tasking sa mga ito. And the rest naman ay siyang maiiwan para naman sa restaurant operation. Hindi naman ito bago sa akin --- ang magluto ng maramihan para sa maraming tao. Maraming beses ko na itong ginawa at nagawa kaya sanay na rin naman ako. At siyempre gusto rin naman itong gawin. I love cooking as well at dito talaga ako magaling. This is my passion. My calling. At masaya akong pasayahin at busugin ang mga tao sa pamamagitan ng mga luto ko.  "Yes, Chef!" sabay-sabay na sagot ng mga tauhan ko.  "Alam niyo na ang mga gagawin niyo. Kaya natin 'to!" sabi ko pa sa mga ito.  "Yes, Chef!" muling sagot ng mga ito.  "Let's go!" At nagkanya-kanya na kaming punta sa mga pwesto namin para simulan ang pagluluto. May ilang oras na lamang kami para matapos ang lahat. Kailangan bago mag-lunch break ang event ay dapat mai-serve na ang mga pagkain. For sure kasi gutom na ang lahat ng mga participants no'n.  LUMIPAS ang isa't kalahating oras.  Tagaktak na ang pawis ko sa noo dahil sa sobrang init habang naghahalo ng niluluto ko. Kanina pa kasi akong nagluluto at nakaharap sa apoy. Agad kong pinunasan iyon gamit ang towel ko bago pa pumatak at humalo iyon sa pagkain na nasa kawali at saka ko tinakpan. Baka maging dahilan pa kasi iyon na ma-food contamination ang pagkain at magkaproblema pa. Iyon ang iniiwasan kong mangyare.  Napatingin ako sa mga staff kung busy sa kanya-kanyang ginagawa. Maging ang na-assign para sa restaurant operation ay halos gano'n din dahil sa naging sunod-sunod na mga order na pumasok mula sa mga guest na nasa dining. Bigla kasing dumami ang mga customer sa labas. Maya-maya pa ay napalingon ako nang pumasok ng pinto ng kusina ang isa pa sa mga receptionist na si Ella at hinahanap ako.  "Chef, nasa labas na po ang magde-deliver ng mantika," imporma nito sa akin.  "Ah, gano'n ba? Ipa-receive mo na muna kay Paul," sabi ko rito. Si Paul ang isa sa Team Leader ng dining at isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan.  "Okay po, Chef," sagot ni Ella.  "Sabihin mo sa kanya na tignan mabuti at i-double check ang resibo at ang item bago niya tanggapin. Hindi pa kasi ako makaalis dito. Pakisuyo na lang kamo. Salamat," dagdag ko pa.  "Sige po, Chef. Sabihan ko po si Sir Paul." At saka ito lumabas papuntang dining.  Muli kong binalikan ang niluluto ko at binuksan iyon para tignan at tikman kung malambot na ba ang karne. Medyo matigas pa kaya tinakpan ko na muna ulit iyon. Napa-check ako ng oras sa cellphone ko. May natitira pa kaming isa't kalahating oras. Last batch na rin naman ang niluluto ko at packing na rin na lang din 'pag natapos iyon. Ibabalik ko na sana sa bulsa ng chef uniform ko ang cellphone ng sakto namang tumunog iyon. Agad kong tinignan iyon. Nakita kong numero ni Cirlyn ang naka-register sa screen. Natuwa ako na makitang tumatawag ito. Bago ko sagutin iyon ay tinawag ko na muna ang tauhan kong si Roland para tignan ang nakasalang na niluluto ko. Saka ako dumiritso sa may gilid malapit sa may pinto.  "Yes, Ms. Ramos?" bungad ko rito at pinasigla ang boses ko. "May problema ba?" "Wala naman, Chef. I'm just checking about sa food," sabi nito mula sa kabilang linya.  "We're almost done. Konti na lang and well start packing na rin." "Ah, okay. 'Yon lang naman," anito.  "Don't worry. Maayos naman ang lahat. Bago mag-lunch time ay ide-deliver na namin diyan," assurance ko rito. Siguro ay nag-aalala lang ito kaya napatawag ito at naiintindihan ko naman iyon.  "Sige, salamat. Pasensya na sa abala," hinging paumanhin nito.  "No worries. Alam ko naman na sinisiguro mo lang na okay ang lahat." "Thank you, uli." "Welcome. Tawagan kita kapag ready to serve na ang pagkain." "Okay. Bye," anito at pinutol na nito ang tawag.  Sumilay bigla sa mga labi ko ang isang ngiti pagkatapos nang pag-uusap namin. Hindi ko pa tinatanggal sa tenga ko ang cellphone ko kahit na wala na ito sa kabilang linya. Masaya lang ako na marinig muli ang boses nito. At excited na rin na makita ito muli mamaya.  Muntikan pa akong tamaan ng pinto nang bigla iyong bumukas at pumasok ang isang naka-civilian na lalaki at naka-sumbero na may bitbit na dalawang lata ng mantika sa magkabilang kamay. Ito na yata ang nagde-deliver na nasa labas. Napalakas kasi ang tulak nito. Mabuti na lang din at mabilis akong nakaiwas.  "Ay, sorry, Sir. Sorry po, Sir," hinging paumanhin ng lalaki sa akin. "Hindi ko po kayo nakita. Pasensya na po talaga," nakayuko pa nitong sabi na parang nahihiya. Hindi ito makatingin ng diritso.  "Ayos lang," saad ko. "Pero next time sana kumatok ka muna bago pumasok. Bawal kasi ang mga unauthorized person dito." "Pasensya na po, Sir."  "Sige na. Pakidiritso na lang do'n sa may dulo 'yang dala mo. Mag-excuse ka na lang diyan sa mga nagluluto." "Sige po, Sir," anito at muling binuhat ang dala saka naglakad papunta sa itinuro ko.  Hinayaan ko na ito. At muling binalingan si Roland.  "Roland, okay na 'yong niluluto ko?" tanong ko.  "Okay na, Chef. Tinanggal ko na po sa kalan." "Good. Sige, tuloy niyo na muna ang mga gagawin pa. Lalabas na muna ako." "Sige po, Chef," sagot pa nito. Tuluyan akong lumabas ng kusina. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD