Suna's POV: Nagring ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sinong tumatawag. Si Madam Barbie pala, agad ko naman itong sinagot. "Hello po Madam Barbie," bungad ko. "Hi be. Nakaalis na rin kami, pa-exit na. Ingat kayo ha, balitaan mo ako kapag nasa ospital ka na. Sunod ka agad sa address na ibinigay ko sa 'yo," paalala ni Madam Barbie. "Opo, magtetext din po ako agad. Salamat po ulit Madam Barbie," nakangiti kong sabi bago inintay na si Madam Barbie ang magbaba ng tawag. Ibinalik ko na ulit ang cellphone ko sa bag. Nakatanaw lamang ako sa labas ng bintana. Nakasakay na kami sa ambulansya paluwas ng Maynila. Public hospital kasi ang huling ospital pinanggalingan ni Manang Fe kaya pwede ang ganito na walang bayad. Kung may bayad din ay tiyak na malaki, hindi kakayanin ng bulsa namin. Ng

