Zyair Treyton's POV: "Noong pumunta kayo ni mom mo rito, ni Stella, bakit ka tumakbo paalis?" unang tanong ni dad kay Suna. Napalingon naman sa akin si Suna. Nginitian ko siya para sabihing ayos lamang ang lahat at pwede niyang sabihin iyon. Wala naman talagang masamang nangyari o ibang hindi maganda sa pagitan namin ni Hon Wol. Masyadong ilusyonada lamang ang babaeng iyon. Titulado masyado sa sarili. Masyadong bulag sa sariling kayabangan, idagdag pang baliw na yata iyon. "Dumating po ako noon dito at naabutan ko po si Zy at Hon Wol na magkasama sa opisina niya. Mayroon din pong hindi magandang mga sinabi si Hon Wol at masyado po akong nasaktan kaya nagawa ko pong tumakbo palayo. Hindi ko po nakayanan ang bibig niya, masyado pong masakit kaya pasensya na po. Nagulo rin po masyado ang i

