Suna's POV: Lutang ako sa confession na ginawa kanina ni Zy. Hindi ako makapaniwala. Talaga bang may gusto rin siya sa akin? Hindi lang gusto, mahal na niya ako. Hindi ako nanghuhusga pero sa itsura ni Zy na kahit gwapo at talagang makalaglag panty, marami na rin siyang napaikot na babae. Madali lamang niyang naikwento ang mga ex-girlfriend niya na hinid niya raw sineryoso. Ilan na kaya ang naikama niya? Grabe naman akong mag-isip, hindi ito maganda. Hindi dapat ako manghusga. Gusto kong magustuhan niya ako, masaya naman ako eh. Pero parang kailangan ko ng kasiguraduhan. Nanliliit kasi ako sa sarili ko, pakiramdam ko napakadali kong paltan. Kilala niya ako bilang mahirap at mababa ang estado, paano na lang kapag nakakita siya ng kalevel niya at mas maganda pa? Lalo na kapag nalaman niya

