Chapter 2 Pangako

1946 Words
Lyra * * " " Mommy kakain na po." Mahinhin na aya ni Lyra sa kanyang Ina " Diyos ko ano na naman kaya ang pinag-gagawa ko kagabi? Dahil sa pagod kaya hindi ko sinasadya na mainum ang Red wine na pinapalamig ni Mommy akala ko Juice lang. Sana natulog lang ako. " Mommy Daddy, Mga kuya's Bakit namamaga ang mga eye bags nyo? " nag-aalala na tanong ko " Wala ito bunso okay lang kami. Pakiusap huwag lang magkakamali uminum ng Alak. Pakiusap maawa ka naman saamin." Mahinahon na pakiusap ni Daddy " Pagod po ako kagabi tapos uhaw na uhaw ako Pagdating ko galing Trabaho Binuksan ko ang Ref tapos ayun wala na akong maaalala." Nahihiya na Paliwanag ko " Kalimutan mo na! Kasalanan yan ni Mommy.." Wika ni Kuya Lowel " Kailangan siguro mahanap na tayo ng mapapangasawa ni Lyra. " Wika ni Mommy " Oops! Huwag nyo gagawin yan! Hindi pa nagigising ang kakambal ko. Pangako sisiguradohin ko na Paggising niya may babalikan siyang magandang Buhay. Gusto ko maramdaman niya na hindi siya natulog hindi nawala ang pinaghirapan niya. Sabi ng doctor malapit na siya magising." Seryoso na wika ko " Anak! Tatlong taon nang natutulog ang kakambal mo tanggapin nalang natin." Seryoso na wika ni Mommy " Noooooo! Tandaan nyo! Kailangan niya mabuhay Sabay namin tutuparin ang mga pangarap at sabay mag-asawa, Sabay magkakaroon ng Anak. Sabay mamatay." naiiyak na tugon ko Hindi ko talaga kayang tanggapin kung mawawala saakin ang kakambal ko. Siya ang dapat nandito Hindi naman Talaga ako dapat nandito. Nakikihati lang ako sa pagmamahal nila mommy. Dapat lahat ng meron ako kay Layda ito. " Pero anak Hindi naman tama na tumigil ang buhay mo dahil sa kakambal mo. Magkaiba kayo may sariling lang Buhay, Kailangan mo matuto mamuhay para sa sarili mo. " Mahinahon na pangaral ni Mommy " Mommy! Huminga pa ang kakambal ko. Natutulog lang siya magigising siya. Pangako pag nagising siya aayusin ko ang sarili ko. Babalik ako sa Trabaho at mamumuhay bilang ako, bibigyan ko muna kayo ng Small Business tapos maghahanap ako ng mapapangasawa ko. " Mahinahon na tugon ko " Oh sya mag Almusal kana may pasok kapa sa Opisina." Pag-iiba ni Daddy sa Usapan Kumain kami ng Almusal pagkatapos mag Almusal naligo ako at nagbihis ng uniform sa Office. Habang nasa byahe ako tumawag saakin ang classmates ko ng college. Pinapaimbisgahan ang Pagkatao ng sariling magulang. " Nakalimutan ba ni Gia na Chef ako at hindi Agent? Dibali nagpapanggap naman ako bilang si Layda kaya ibibigay ko nalang sa kasamahan ni Layda." Piping sambit ko " Good morning Layda." Nakangiti na bati ng mga office mate ni Layda Hindi naman talaga Office ang lugar naito. Mga Secret agent ang mga tao dito " Good morning Guy's! Gumalaw ang Daliri ng kakambal ko kanina. " Masaya na Balita ko " WOW! Magigising na rin siya." Halos magkakasabay na wika nila " Sana nga! Nahihirapan ako magpanggap bilang siya. Sya nga pala si Boss nan d'yan ba?" Wika ko " Yup pasok ka nalang." Tugon ni Ezra Tumango ako naglakad ako papunta sa Opisina ni Boss " Boss another Job! Gianna Shoun Asawa ni Skyler Shoun. Pinapa Imbistigahan ang sarili niya kasama ang naging buhay ng kanyang mga Magulang. Walang sinabi na prisyo pero Million sigurado ang Bayad niyan." Wika ko " Okay! Ito nalang ang ayusin mo mga Papales lang yan pag-aralan mo kami na ang bahala mag Imbistiga nito. Transfer mo nalang sa account ko ang 70% ng kabayaran nito." Tugon ng boss ni Layda " Yes Sir." Tugon ko Dinampot ko ang folder nakasimangot ako ayaw ko talaga ng Trabaho ni Layda. " Storm Shoun? Sabi Gia gwapo daw ito? Takot nga ako sa HIV bakit ako papatol sa Angkan ng Shoun? Hindi Lingid sa kaalaman ko na Angkan sila ng Mafia. Normal lang sakanila ang pumatay ng tao. Diyos ko may nga sakit na sigurado Angkan nila ng HIV babaero ang Angkan nila. " Piping sambit ko Umiling ako Hindi ko alam kung bakit sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Gia. Biniro ko siya na Aakitin ko sa mahinhin na paraan. Sa totoo lang wala talagang ako interes sa lalaki never ako na nabigyani sa Kagwapohan ng lalaki. Never ako nakaramdam ng kilig hindi ko nga alam kung Babae na talaga ako o Tomboy? Iwan Dami ko na kasi nakitang Gwapo kaya normal lang saakin ang mga yan. Normal din saakin makakita ng b***t at mga nagtatalik. Kaya wala akong interest sa mga lalaki gagamitin kalang nila at pagsasawaan. Gusto ko magtrabaho mag-ipon at mag business No Man allowed. Hinilot ko ang sintido ko sumasakit ulo ko sa documents ng isang company na pinasusuri ni Boss daming Ghost delivery at ghost project. 11 Pm na ng gabi nasa Opisina pa ako " Hoy Layda Umuwi kana pwede mo dalhin sa bahay nyo yan. Tapos pasok ka nalang pag naayos mo na yan. 11 Pm na naghaponan kanaba?" Wika ni Boss " Ayy palakang may lawit!" Gulat na sigaw ko " Hahaha." Natawanan ng kasamahan ko " Arayyyy." Daing ko binatukan ako ni Boss " Sorry! Okay na to! napag-aralan ko na iisang tao lang ang may hawak ng Ghost project Sa iisang Bodega din ang Delivery. Papunta dito sa taong To ang lahat." Paliwanag ko Pinaliwanag ko kay Boss ang Corruption sa isang Company " Pahinga ka muna ng isang linggo alagaan mo muna ang kakambal mo. Mahintayin mo ang Resulta ng Imbistigasyon kay Mrs Shoun." mahinahon na wika ni Boss " Salamat Boss. Parang sasabog na ulo ko sa Trabaho dito. Namimiss ko na ang Amoy ng Dagat at amoy ng sibuyas at bawang." Nakasimangot na tugon ko " O Sya hintayin mo sa Bahay nyo ang Resulta ng Imbistigasyon. " Wika ni Boss Nakangiti na iniligpit ko ang mga gamit ko. Masaya ako na naglakad palabas Habang naglalakad ako palabas sunod-sunod na tawag mula kay kuya ang natanggap ko " Yes Kuya?" Bungad na tanong ko " Nasaan kana? 11pm na nag-aalala ako sayo. Nandito ako sa tapat ng Building ng office nyo." Nag-aalala na tugon ni Kuya Pinatay ko ang Tawag nakangiti na lumapit ako sa Kotse ng kapatid ko " Naku! Bunso naman 11 pm na hindi kapa ng dinner." paninirmon ni Kuya " Sorry kuya tinapos ko ang trabaho ko. One week akong walang pasok! Nakatanggap kasi ako ng big client kaya maghihintay nalang ako ng resulta. 30% din saakin don." nakangiti na Paliwanag ko Pumasok ako sa Kotse naupo ako sa tabi ni Kuya nagmaniho si kuya pauwi habang nakikipag kwentohan saakin " Alam mo sa 2 years bilang Agent ni Layda pinaka malaking income nya 500 thousand. Hindi pa umaabot ng isang million pero ikaw two years mong pagpapanggap bilang sya umabot na ng sampong million ang income mo. Malaking tulong yon para sa pagpapagamot kay Layda." Mahinahon na wika ni Kuya " Malaki ang Income sa pagiging Agent pero mapanganib ito! Ayaw ko isugal ang buhay ko dahil lang sa pera at ayaw kong pumatay ng tao kahit gaano pa ito kasama. Tao lang ako wala akong karapatan manghusga ng kapwa ko. Kontento ako sa Kakarampot na kita ko bilang seafarer. Kahit paano Malaki sahod ko kumpara sa Chef dito sa pinas." Paliwanag ko " Bunso! 25 kana kilan ka tatanggap ng manliligaw?" pag-iiba ni kuya ng usapan " What? No no no ako d'yan kuya! NBSB ako. Nandidiri ako sa mga lalaki iisipin ko palang makikipag halikan ako Eww! Yuck! Mahal ko sarili ko kuya Ayaw ko madumihan ang mahal kong katawan. Wala nang malinis na lalaki ngayon. Isipin mo Kuya hahalikan ko ang isang lalaki tapos kung kani-kaninong p**e ang kinakain eww Kuya No No No." Nandidiri na tugon ko Napanganga si Kuya sa Tugon ko " Normal lang yan sa pagtatalik kasama ang Oral S3X at isa sa pinaka masarap gawin yan! haha pero never ko ginawa yan! Gagawin ko lang yan sa Future Wife ko." naiiling na Paliwanag ni Kuya " Pero Kuya pareho lang naman tayo. Hanggang ngayon wala ka pang Girlfriend. Wala pang lalaking magpapabilis ng t***k ng puso ko. Wala akong balak mag-asawa ayaw ko sa babaero at Ayaw ko maging kawawa Pagdating ng oras. Mag-iipon ako tapos magbubukas ng Sariling Restaurant." Nakangiti na tugon ko " Hoy may Kasintahan ako! Pag nagising si Layda mag propose na ako sa Long time Girlfriend ko." Nakangiti na wika ni Kuya Dumaan kami sa Fast-food nag takeout kami ng Food's " Mom, Ako na ang magbabantay kay Layda. One week akong walang pasok. May Dala kaming Food ni Kuya kain tayo." nakangiti na wika ko Inilapag ko sa table table ang dala namin pagkain " Mabuti naman! Matitikman ko ulit ang Masarap na luto mo." Nakangiti na wika ni Mommy " Anak kailangan mo na mag-asawa Ano ba ang hanap mo sa lalaki? May mga anak na Ang classmates ko noong College baka may pasok sa hinahanap mo." wika ni Daddy " Gwapo, Mayaman, Daks at ano pa ba kalmado at kaya akong pagtiisan ang Ugali ko. Sempre kailangan matanggkad at May 8 pack Abs." Nakangiti na tugon ko Biro lang naman sinabi ko " Good! Maghahanap ako ng katulad ng sinabi mo. Pirmahan mo to Marriage Contact kung sakaling mahanap ko ang lalaking pinapahanap mo at least wala ka nang palag." Nakangiti na wika ni Daddy Baliwala na pinirmahan ko ang Marriage contact natawa pa ako dahil nakahanda na ang Marriage contact wala pa nga akong kasintahan. Si Daddy talaga abnormal Kumain muna kami bago ako pumasok sa sarili kong kwarto nagbihis at naligo saka ko pinuntahan sa kabilang kwarto ang Kapatid ko " Nurse Jean kumusta ang Kapatid ko?" Tanong ko sa Private nurse ng Kapatid ko " Okay naman siya, Sa tingin ko malapit na siya magising araw-araw na gumagalaw ang Daliri niya." Nakangiti na Paliwanag ni Nurse Jean " Pahinga kana Day off ka muna ng one week ako na muna ang mag-aalaga sakanya. " Nakangiti na tugon ko " Talaga? salamat ma'am Lyra." Nakangiti na tugon nito Naupo ako sa gilid ng kama ng kakambal ko hinalikan ko siya sa pisngi " Kambal gising na! Nahihirapan ako sa pagpapanggap bilang ikaw. Hinihintay ka ng mga kaibigan at katrabaho mo. Tinutulungan nila ako sa tuwing may pumapasok na trabaho, Sila ang gumagawa tapos 30% napupunta saakin. Alam mo mahigit sampong million na kinita mo sa loob ng tatlong taon. Kaya gising kana! Si Daddy pala pinamirma ako ng Marriage contact nakakatawa Wala naman akong kasintahan. Abnormal talaga si Dad." Nakangiti na kwento ko Nahiga ako sa tabi ng kakambal ko Yumakap ako dito " Gising na! Pag namatay ka susunod ako sayo. Kaya mabuhay ka para saakin kakambal ko. Pangako pag nagising ka tatanggap na ako ng manliligaw." malungkot na bulong ko Niyakap ko si Layda umiiyak ako " Layda gising kana! Pangako lalayo ako hindi ko na aagawin ang atensyon at pagmamahal ng pamilya mo. Alam ko naman na hindi ako anak ni Mommy. Kaya nga hawig lang tayo maputi ako maitim ka. Pero morena sina mommy at Daddy. Alam ko naman noon pang maliliit pa tayo na anak ako ni Daddy sa ibang babae. Hindi naman talaga tayo kamabal. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para makaganti sa kabutihan loob ng Mommy mo. Kaya gumising kana Layda. Ang lahat ng pagmamahal nila dapat sainyo lang ni Kuya. Pangako mabuhay ka lang lalayo na ako sa pamilya nyo." Umiiyak na bulong ako Biglang gumalaw ang Daliri ni Layda " Pangako lalayo ako basta gumising ka lang. Mahal na Mahal kita Half sister." Seryoso na bulong ko Muling gumalaw ang Daliri niya napangiti ako hinalikan ko siya sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD