Lyra
*
*
" Halos mamatay na ako sa Trabaho na binigay mo Boss. Hindi muna ako tatanggap ng mission aalagaan ko muna kakambal ko nagising na siya kaya nga binalik namin sa hospital Sabi ng doctor magigising na daw ulit ang kakambal ko ano mang oras." Mahabang sabi ko
" Sige Huwag kana pumasok! Last day mo na to Alagaan mo nalang kakambal mo para After recovery nya ano mang oras pwede na siya Bumalik sa Trabaho." Nakangiti na wika ni Boss
Nag-Paalam ako na aalis na pero bago ako Umalis inayos ko ang Gamit ng kakambal ko sa kanilang Opisina siniguro ko na may babalikan siyang Trabaho
Habang sakay ng Taxi papunta sa hospital iniisip ko kung ano ang magiging reaction ng kambal ko pag nalaman niyang nagpanggap ako bilang siya para lang Masiguro na may babalikan siyang Trabaho
Pagdating ko sa hospital naabutan ko si Mommy at Daddy kausap si Layda
" Layda! kambal gising kana." Masaya na wika ko
Napatingin si Layda sa braso ko na may Benda
" Napano ka?" Tanong nito bakas ang pag-aalala
" Kidnapping kasi ang naging Trabaho ko kaya ayan muntikan na ako mamatay. Mabuti naman gising kana nakakabalik na ako sa Barko." nakangiti na wika ko
" Bakit?" Tanong ng kambal ko
Naupo ako sa upuan na malapit sa kama niya inilapag ko sa Table ang dala kong pagkain at Bulaklak
" Bakit? Anong bakit?" tanong ko
" Bakit nagpanggap ka bilang Ako?" Tanong ni Layda
" Tika nagagalit kaba? " Balik na tanong ko
" Oo! Bakit inagaw mo ang trabaho ko? Bakit? Pati ang boyfriend ko pinakasalan mo?" Galit na tanong ni Layda
" What? Hindi ko inagaw ang trabaho mo Pangalan mo ang gamit ko! Lahat ng pera na kinita ko bilang ikaw binigay ko kay Mommy, At isa pa kay Storm ako kinasal hindi sa crush mo. at isa pa may Asawa na ang boyfriend mo kinasal siya ilang araw pagkatapos mo ma hospital." Paliwanag ko
" Anak! Kagigising mo lang Bakit inaaway mo kakambal mo? Kung hindi sakanya baka matagal ka nang patay. Sinisiguro niya na Paggising mo may babalikan kang Trabaho. " Mahinahon na wika ni Mommy
" Mommy! Two weeks na akong gising ngayon lang siya pumunta. " Galit na Wika ni Layda
Hindi ko alam kung bakit parang sinaksak ng libo-libong patalim ang dibdib ko hindi ako makahinga nasasaktan ako sa pinapakita ng Layda
" Mommy simula ng bata pa kami lahat nalang siya ang magaling! Kambal kami pero bakit siya ang mas Paborito ng lahat? Nakapangasawa siya ng Billionaire tapos ako muntikan nang mamatay." Umiiyak na Sumbat ni Layda
" Gusto mo ang Asawa ko? Pero Asawa ko si Storm kasal kami at hindi ko ginusto na makasal sakanya. Napikot lang ako At kahit ano ang naging dahilan bakit kami naging mag-asawa hindi-hindi ako papayag na agawin mo ang pag-aari ko. Sya nga pala masaya ako na buhay ka, Yon lang sapat na saakin wala akong ibang pinangarap kundi sabay tayo sa lahat ng bagay. Pero parang mali ako! Simula ngayon mamumuhay ako para sa sarili ko. Simula ngayon wala ka nang kaagaw sa pagmamahal ng mga magulang at Kapatid natin. Lalayo ako para sa ikabubuti mo.." Umiiyak na wika ko
Natigilan si Layda Luhaan na tumalikod ako
" Anak! Nabigla lang ang kakambal mo." Nag-aalala na wika ni Daddy
" Daddy Okay lang ako! Kaya ko ang sarili ko simula pa noon ayaw na niya saakin, Kahit kambal kami pakiramdam niya inaagaw ko sakanya ang lahat ng bagay. Pero magkaiba ang pananaw namin sa buhay. Uuwi na ako Dad Huwag nyo na ako alalahanin. Ang payment sa last job ko bilang Layda na transfer ko na sa account ni Mommy." Umiiyak na sambit ko
Papalabas ako ng silid
" Lyra! Sorry na! Hindi ko sinasadya." wika ni Layda
" Pinatawad na kita! Ngayon ligtas kana mamuhay ka ng masaya alisin mo ang lahat ng galit at inggit sa puso mo. Yan ang nakakatakot na kalaban, Million ang pera mo samantalang ako 10k nalang ang natira sa ipon ko. Hayaan nyo muna ako gusto ko ayusin ng sarili ko. Gusto ko mamuhay para sa sarili ko Hindi bilang anino mo." Nakangiti ngunit umiiyak na tugon ko
Tuloyan na ako naglakad umiiyak parin ako hanggang sa malabas ako ng Hospital sumakay ako ng Taxi
" Bakit Kahit anong gawin ko Hindi mo ako kayang tingnan bilang Kapatid mo? Puno ng galit at inggit ang puso mo. Mahinhin ka mabait tingnan pero kabaliktaran ang ugali mo. makasarili ka at malandi kung sino-sinong lalaki ang nakatikim sayo, Kabaliktaran ng Ugali ko mas mahalaga saakin ang pamilya kaysa sariling ko. Simula ngayon susubukan ko ayusin ang buhay ko."
Apat na taon ako nagpanggap bilang si Layda nahirapan ako pero nagtiis ako para masiguro na mabubuhay siya may sapat na pera pang pangpagamot sakanya at para masiguro na may babalikan siya Paggising niya. Akala ko matutuwa siya nagkamali ako galit siya saakin.
Habang nasa loob ako ng Taxi patuloy ang pag-iyak ko. Tatlong buwan ako naghanap sa batang kinidnap tatlong buwan na din simula ng magising ako na may Asawa
Sa isang iglap hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Walang Trabaho 10k nalang Pera ko
Pagdating sa Bahay nagkulong ako sa kwarto nilock ko ang pinto at naupo sa sahig hawak ko ang isang bote ng Red wine
Dahil low tolerance ako Pagdating sa alak hindi ko alam kung paano ako nakatulog nagising ako sa loob ng banyo nakahiga sa loob ng bathtub Hubot-hubad
Tumayo ako naglakad palabas ng banyo hawak ko nag Ulo ko na naghanap ako ng damit pagkatapos ko magbihis hinanap ko ang mga hinubad ko na damit.
" Kailangan sa loob ng isang taon masanay ako sa alak. Yon ang kahinaan ko. May pagkain naman dito hindi ako magugutom kaya magpapanggap nalang ako na Abala para hindi nakakahiya kay Storm. Maghahanap din ako ng Trabaho pansamantala. Hindi pa ako pwede sumampa sa barko dahil kasal pa ako kay Storm kailangan ko manatili bilang House wife nya in two years. Pagkatapos nito sasampa ako ng barko at pag nakaipon baka maghanap nalang ako ng magandang lugar na pwede magbukas ng maliit na negosyo at mamuhay namalayo sa pamilya ko. Hanggat maaari lalayo ako sa pamilya ko para walang kaagaw sa atensyon ang si Layda ." Kausapin ko sa sarili ko habang naglilinis sa loob ng Kwarto
Nakarinig ako ng katok sa pinto agad ako naglakad para buksan ang pinto
" Naku mabuti naman nagising kana! Umiiyak ka kagabi gusto ka namin pasukin kaso naka double lock ang pinto mo." Nag-aalala na wika ni Manang
" Naku Manang minda lasing lang po ako. Sa susunod po pag nakarinig kayo ng ingay sa kwarto ko huwag nyo nalang pansinin. Sya nga pala may gamot ba kayo sa sakit ng Ulo?" Mahinahon na tugon ko
" Naku! Low tolerance ka ba sa alak?" tanong ni Manang
Naglakad kami pababa ng hagdan
" Opo kaunting inum lang nalalasing ako ang masama pa Hindi ko alam ang ginagawa ko. Para akong nagiging Ibang tao pag nakainum." Seryoso na tugon ko
" Subukan mo kumain muna bago uminum Siguradohin mong busog ka at light drink's lang inumin mo." Mahinahon na wika ni Manang
" Sige po susubukan ko." Tugon ko
Pagdating sa kusina naupo ako nagtimpla si Manang Minda ng Black coffee
" Ito ang gamot at kumain ka muna bago uminum ng gamot. Ano ba ang gusto mong Almusal?" tanong ni Manang
" Ano po niluto nyo? Kahit ano okay lang saakin, Nasay ako sa pagkain ng mahirap dahil mahirap lang pamilya namin." Tugon ko
" Baked Macaroni ang niluto ko kanina. Sandali lang ipaghahanda kita." Tugon ni Manang
" Bunso! " Tawag ng pamilyar na boses
" Ma'am Lyra nandito po Kapatid mo papasukin ko po ba?" Tanong ng Kasambahay na si Belen
Tumango ako bilang tugon
" Manang timpla ka kape with cream." Utos ko kay manang
Habang kumakain ako may biglang Yumakap saakin
" Nag-aalala ako sayo! Nalaman ko kay Daddy kanina ang nangyari kahapon sa hospital. " Nag-aalala na wika ni Kuya Lowel
" Okay na ako Kuya! Magkaiba kami ng ugali ni Layda mahinhin at mabait siya kung Pagmamasdan pero kabaliktaran ang kanyang Ugali. Makasarili siya at puno ng inggit Ayaw niya ng may kaagaw sa atensyon ninyo.. Kaya nga ako nagpasya sumampa ng barko after Graduation dahil gusto ko malayo sainyo sa ganon paraan Hindi siya nagseselos saakin. Mag-iipon ako at bibili ng bahay sa malayo mamumuhay ako ng malayo sainyo para walang gulo. Huwag mo ako alalahanin Kuya pagtuunan mo ng pansin ang kakambal ko. Ayaw kong mawalan ng kakambal. Mahal ko siya Kaya lahat gagawin ko para sakanya. " Malungkot na Paliwanag ko
" Hindi mo kailangan lumayo kahit iisang bahay tayo nakatira palagi kang lumalayo saamin. Tuwing lalapit kami umaalis ka Akala ko sadyang introvert ka lang. Hindi pala ngayon alam ko na ang totoo sisikapin ko baguhin ang Ugali ng kakambal mo. Pangako Buburahin ko ang pagiging makasarili niya. Kapatid kita mahalaga ka saakin mahalaga kayo saakin ayaw ko isa sainyo lumayo dahil lang sa pagiging makasarili." Seryoso na wika ni Kuya
" It's okay kuya! May Asawa na ako maayos na ang Buhay ko kaya huwag mo na ako Alalahanin. Mabuti pa samahan mo ako mag Almusal tapos ipagluluto kita ng Lunch." malambing na tugon ko
Sabay kami nag-almusal ni Kuya pagkatapos mag almusal pinagluto ko siya ng lunch
" Manang! Pakibigay naman to sa driver Pakisabi dalhin sa Work place ni Storm." Mahinahon na utos ko
" Sige ipatong mo lang diyan." Mahinahon na tugon ni Manang
" Bunso sumahod ako kahapon ito sampong libo lang yan Dagdagan ko nalang sa sunod na sahod ko. Alam ko hindi ka tatanggap ng pera galing sa Asawa mo. Kilala kita mas gugustuhin mong magutom kaysa manamantala sa iba." Mahinahon na wika ni Kuya sabay lagay ng Pera sa kamay ko
" Salamat Kuya! Plano ko mag apply Chef sa mga Kilalang restaurant habang inaayos ko ang papeles ko. Balak ko next year Babalik ako sa Barko." Nakangiti na tugon ko
Hinalikan ako ni Kuya sa Ulo Ginulo ang buhok ko
" Nabinta ko ang bahay ko ng maaksidenti si Layda kaya nakikitira ako kala Mommy. Balak ko Kumuha ulit ng bahay total tapos ko na bayaran ang Kotse. Kukuha ako ng bahay para may Uuwian ka. Sa ngayon gusto ko Unahin mo naman ang sarili mo. Kung talagang hindi kayo magkasundo ni Storm makipag hiwalay ka US Citizens si Storm kaya pwede kayo mag divorce. Maghanap ka ng Lalaking Aalagaan ka pipiliin ka palagi. " Malambing na wika ni Kuya
Binuksan ko ang pinto ng kotse ni Kuya
" Sige Kuya! Susundin ko ang lahat ng sinabi mo. Pakiusap alagaan mo ang kakambal ko makasarili siya at pasaway pero kakambal ko siya at mahal ko siya. Saka lang ako Uuwi pag tuloyan na siya nagbago." Mahinahon na tugon ko
Niyakap ako ni Kuya bago pumasok sa kotse
Habang papalayo ang kotse ng Kapatid ko biglang tumulo ang luha ko
" Nakapa swerte ko dahil may kuya ako na palaging nag-aalala saakin. Pangako Kuya magiging maganda ang buhay ko." Umiiyak na sambit ko
Pinunasan ko ang pisngi ko na basa ng Luha nagpasya ako pumasok
" Saan kaya ako maghahanap ng Trabaho?" Tanong ko
" Tangna na yan! Galit at poot ang sukli sa lahat ng paghihirap ko." Inis na wika ko