Mabilis na lumipas ang mga araw at masaya pa rin naman kaming magkakasama nila Rusty at Aerielle kapag may pagkakataon at hindi busy ang aking kasintahan. Ngunit nitong mga nagdaang mga araw, napapansin kong medyo aburido si Rusty. Madalas parang nawawala ito sa kaniyang sarili at parang may malalim na iniisip palagi. Hinahatid at sinusundo pa rin naman niya ako halos araw-araw. Lumalabas pa rin naman kami kasama si Aerielle, pero tila may kakaiba sa kaniya ngayon. “Love, okay ka lang ba? Saka, where’s Arielle?” tanong ko sa kaniya nang sunduin niya ako ngayon sa amin. Wala kasi ang bata sa loob ng sasakyan niya na very unusual. “Huh? O-oo naman love, okay lang ako.” Tila nagising ko pa siya sa malalim na pagkakatulog niya nang sagutin niya ako. “Are you sure?” paniniguro ko sa kaniya

