PART 13

1638 Words

"ANO BA!” angil ni Alleah nang inilayo ang hinihigaan. Muntik kasi siyang matumba. Sa antok niya ay hindi siya nag-abala na magmulat ng mga mata, umayos lang siya. Puyat kasi siya. Hindi siya nakatulog kagabi kakaisip sa offer ni Charisse na maging yaya niya. "What a shameless girl!" sabi ng lalaking nasa kaniyang tabi. Narinig niya iyon pero hindi niya pinansin. Baka mga kapitbahay lang. "Sir, gisingin ko na ba?" sabi naman ng isa pang lalaki. Doon na siya narita. "Ano ba! Ang ingay-ingay niyo, ah! May natutulog dito, oy!" kaya naman sigaw niya. “Kaasar na mga nilalang! Mga walang respeto sa natutulog na tao, eh!” "Hoy!" Tinampal na ni Kael ang noo ng dalaga. Doon naalimpungatan nang tuluyan si Alleah. "Aba't--" hawak ang noo ay singhal niya ulit sana sa nang-iistorbo sa tulog niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD