TITIRIK-TIRIK ANG MGA MATA ni Alleah habang sinisimangutan si Kael. Lumalaki-laki ang ilong niya sa sinabi nito na hindi raw siya nito magiging GF ever. “Impaktong, to! Kahit naman ako, hindi ko kailanman siya gusto na maging boyfriend! Kahit sa panagip pa! Tse!” himutok niya sa isip-isip niya. “AYAW KONG MAGKA-JOWA NG IMPAKTO, OVER MY DEAD BUT SEXY, BEAUTIFUL, PRETTY, LOVELY, ADORABLE, MAGNIFICENT AND GORGEOUS BODY!” dagdag pa niya. All adjectives na at all capital letters para intense na intense. Bwisit siya, eh. Tumayo si Kael. Wala itong kamalay-malay sa kaniyang inis. "Sa’n ka punta?" hindi niya napigilang iusisa nang humakbang ito. Baka biglang umalis. Wala silang sasakyan at wala siyang dalang pera pampamasahe. Malapit pa naman nang matapos ang klase ni Charisse. PE na lang mam

