4

2075 Words
Lucy's POV: Pumasok na kami sa loob at bumungad sa amin ang matandang lalake na nakaupo sa may desk niya na may nakalagay na HeadMaster Kyle. Naupo na kami sa may sofa malapit sa desk. Isa-isa niya kaming tinignan at ngumiti siya, nakita ko naman ngumiti sila Stacy. "Its my pleasure to meet these beautiful ladies. I'm the Headmaster of this school, Kyle Logan is the name, ladies." Pakilala nito. His name sounds too young. Hindi tugma sa itsura nito. I felt something in him, he's maybe using sime sort of a magic spell to hide his true form. "Pleasure to meet you too HM. I'm Stacy Halmington." "Im Trixie Ryker. HM nice to makilala you." "Jordyn smith here po! Nice to meet you too po, HM!" Sabay-sabay nilang pagpapakilala. Nilipat ng HM ang tingin niya sa akin na parang inaabangan na magpakilala ako. Tsk! "Lucy Macarov." Walang gana kong sagot. Nabobored na ako. Nakita ko naman na medyo nagulat si Terrence. Hindi siguro expected na cold ako mag-salita. "Cold as always, huh?" Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Always? How did he know? I've never seen him before. "Always po?/Huh?/How did you alam?" Sabay-sabay na tanong nilang tatlo. "Nevermind. Anyway, nice to meet the four of you. I'm going to give your dorm number, keys, uniform, and the map of this school. Lastly, your allowance for the whole month." He said while smiling. "You have the same dorm with Mr. Hilton. Walong kwarto ang nasa loob ng dorm na 'yon. 4 boys and 4 girls, which is the four of you." Wait—what? Boys? In the same dorm,m? What the hell! How am I going to wear my comfy outfit? Tsk! Now I'm required to wear pajamas everyday. "You may go now. It's really my pleasure to meet you all, especially the mysterious and special among the four of you." Hindi ko na narinig ang huli nitong sinabi dahil nauna akong lumabas sa office. Pinauna ko si Terrence sa paglalakad dahil hindi ko pa naman alam kung saan ang eksaktong dorm namin. After a while ay nasa harap na kami ng isang gintong pinto. I simply glance at the other doors and noticed that this gold door is the only the only door that looks odd. Binuksan na ni Terrence ang pinto kaya pumasok na kami. Nilibot ko ang paningin ko at napansing malaki ito. It looks like a condo unit for me. There's a stairs in the right corner, doon siguro ang mga kwarto. Napansin kong may tao rin sa loob ng dorm. Tatlong lalaki na komportableng nakaupo sa couch habang nanunuod ng movies. "Guys! Eto 'yung ka-dorm mates natin." Rinig kong sabi ni Terrence sa mga kasamahan niya. "Woooaahh! Nice to meet a gorgeous ladies like you. I'm Lucas Melton!" He has a brown hair and green eyes, maputi, matangkad. Sinisigaw ng presensya nito ang pagiging playful. "Charlie Summerall! Nice to meet you, ladies!" Masayang sabi nya at nag waived pa. Red hair, blue eyes, maputi, at matangkad rin kung sa amin ikukumpara pero kung sa mga kasamahan niya ay siya ang pinaka-maliit. "He is Warren Forrester. Masungit 'yan at hindi nakikipag usap sa iba maliban sa amin." Bulong ni Terrence sabay turo sa lalakeng naiwan na nakaupo sa couch. Tumayo kasi at lumapit sa pwesto namin sila Charlie at Lucas. He has a jett black hair. Maputi rin at siya ang may kalakihan ang katawan kumpara sa tatlo. Malaki ang muscle and biceps. Si Terrence naman ay white with yellow linings ang buhok at yellow ang eyes, maputi, at matangkad. "Well, I'm Stacy Halmington. Nice to meet you too. Sanay na kami sa masusungit dahil ganyan rin ang isa sa'min." Nginuso pa ako nito kaya inirapan ko siya. Nanatili lang akong nakasandal sa gilid ng pinto habang naka-crossed arms. "I'm Trixie Ryker. It's nice na makilala the three of you!" Ngumiti ito ng sibrang tamis habang inilalagay sa likod ng tenga ang mga takas na buhok. "My name is Jordyn Smith po. Nice to meet you din po!" Malambing na pagpapakilala niya. As always, our one and only baby. Tumingin silang lahat sa akin maliban sa Warren na nakaupo habang nakasandal ang ulo sa couch at nakapikit. "Lucy." Maikli kong sabi with a bored tonez Agad akong umakyat sa second floor at pinili ang kwartong malapit sa hadgan. The girls has this white door while the boys have black. Narinig kong tinawag pa ako nila Trixie pero hindi ko na ito pinansin. Masyado akong pagod para makipagdaldalan.  *** Warren's POV: Narinig kong bumukas ang pinto at boses agad ni Terrence ang bumungad. Pinagmasdan ko ito na may kasamang mga babae at napansin rin ang babaeng nakasandal sa gilid ng pinto. She looks weak and innocent. I closed my eyes and didn't mind them. "Lucy." Napadilat ako sa sinabi niya. Her voice sent shiver through my spine. She has this cold and bored tone same as her eyes when I glance at her awhile ago.  Pumikit nalang ulit ako at hinayaan silang mag-ingay. "Hoy, Lucy, bumalik ka dito!" Sigaw ng isang kaibigan niya nang bigla na lang ito umakyat. "Hay, nako! Tinopak na naman si ate Lucy." "Sorry. She's always ganyan and ayaw niya ng ibang people. But you will get to kilala her soon if nasanay na siya to all of you." Conyo na sabi ng isa pa sa kanila. Ang sakit sa tenga. "She looks weak and innocent." Bulalas ni Lucas said and he's right with that. "Judgemental, huh?! Don't underestimate her." Depensa agad ng babaeng nag ngangalang Stacy. "Hey, I'm just stating a fact here!" Sagot naman ni Lucas. "Oh, well. To see is to believe and just wait 'till you see what she's capable of." Puno ng confidence at pagmamalaki boses nito. "Pfft. Whatever you say, Stacy." Sukong sagot ni Lucas. "We'll go upstairs na para mag-arrange, and maybe baka mag-ramble pa the two of you." "Yep! She doesn't like hearing a bad complement or saying bad words about her friends lalo na po if wala naman katotohanan. She'll surely break every part of your body." Dugtong naman ng pinaka-bata yata sa kanila. Siya kasi ang pinakamaliit sa kanilang magkakaibigan. "Magpahinga na kayo." Utos ni Terrence at naupo sa tabi ko. Rinig ko ang mga yabag paakyat sa pangalawang palapag kaya malamang ay sila na 'yon. Mukhang matatapang sila maliban sa isa. "Dude, ang ganda nila! Mapormahan nga 'yung Stacy kahit may pagka amazona." Lucas said. Napangisi na lang ako sa sinabi nito. "Oo nga, eh! Lalo na yung Lucy, she may look innocent pero iba ang nararamdaman ko sa ka niya. Hindi ko rin lubos na maramdaman 'yung presensya niya." Parang kinikilabutan na saad ni Terrence. Tsk. Gay. "Aba't! Ako din! Nung lumapit ako sa kaniya para lang nga siyang hangin doon e. Hindi ko maramdaman ni katiting na presensya niya." Segunda naman ni Charlie. "Pa'no kaya kung nagkita sila ni Maya. 'Yung OH-SO-CALLED QUEEN BEE. Tsk! Tagal na nung hindi siya nag-aral dito pero narinig ko dito na ulit sya mag aaral. Ano kaya ginawa niya sa Mortal World?" Tanong ni Lucas. That Maya. It's been a long time since I saw her. She's trying to flirt with me before but I don't give a damn thing about her. - Next Day Lucy's POV: Nagising ako dahil sa lakas ng alarm clock. Inaantok pa ako. Masyado akong napagod sa pag-aayos ng gamit ko kagabi. I looked at my phone and it's already 6am. 8am pa naman ang start ng klase kaya kahit bagalan ko ang kilos ay okay lang. Pumasok na ako sa banyo at nag-umpisa nang maligo. After taking a bath, sinuot ko ang uniform na binigay sa'kin kahapon. Napasimangot ako nang makita kung gaano kaiksi ang palda. Nakakainis! Kulay black ang coat nito na may white linings. May logo din ng school sa left chest na kulay ginto. I faced the mirror and noticed that my hair came back to its original color. I really have a golden hair but I chose to color it with black. Masyadong pansinin kapag hinayaan ko lang ito dahil hindi lang siya basta ginto, para itong kumikinang at kumikislap pag pinagmasdan. Same as my eyes. I only wear contact lense to hide my golden eyes. It's disrturbing as I said earlier. Kusang lumabas na ang tunay na kulay ng buhok at mata ko. It screams 'home'. Napa-buntong hininga ako. Andito na ako sa Magical World kung saan nararapat ang isang katulad ko. Padabog akong umupo sa kama at isinuot ang black shoes ko. Naiirita parin ako sa iksi ng palda. Kinuha ko na 'yung phone ko at inilagay sa may pocket ng coat. Kinuha ko na din ang string bag ko, nakalagay na rin dito ang isang notebook and ballpen, wallet, perfume, lipgloss and powder ko. Nilagay ko sa bulsa ko ang susi ng kwarto ko at bumaba na. As expected, ako na lang yata hinihintay dahil nasa baba na silang lahat. I look at my wrist watch. 7:15 na. Masyado pa din maaga dahil hindi rin naman kalayuan ang mga room sa dorms namin. Nang makita ako nila Stacy ay nanlaki ang mata nila. Expected ko na dahil ngayon lang nila nakita ang totoong kulay ng buhok at mata ko. Napansin ko din na natigilan at napatulala ang mga lalake. "L-lucy? I-ikaw ba y-yan?!" Pinagmasdan ko si Stacy at napansin na nagbago din ang kulay ng buhok at mata nito. Light blue ang kulay ng buhok at mata niya. "Hala, Lucy! It's a miracle ata that you wear maikling skirt in public place!" Nalipat naman ang paningin ko kay Trixie na kulay green ang buhok at mata. "Teka, baka nasaniban po ng magandang espiritu at nagsuot ng ganyan or baka may sakit!" Si Jordyn naman ay ocean blue ang kulay ng buhok at mata. Napasipol ang mga lalake maliban doon sa Warren na nakatingin lang sa'kin.. "Are you just going to stand there? Or kakaladkarin ko kayo palabas?" Inis kong tanong at tinitigan sila isa-isa. Bigla naman sila naging aligaga at nabalik sa katinuan. Muntik pa akong matawa dahil mukha silang tanga. Nabaling ang tingin ko kay Warren at nakita itong ngumisi sa'kin. Nauna na akong lumabas ng dorm. Naramdam ko naman na sumunod na sila. Binagalan ko ang lakad ko para mauna silang pito. Masyadong maingay at malilikot, naiirita ako. Nanatili lang ako sa likod nila habang nakahalukipkip ang mga braso. As usual, eto na naman tayo sa gossip everywhere. Calm your ass, Lucy. 'Kyaaaahhh! Ang royal blood! Kasama nila! Omygosh! So lucky!" 'Ayun na naman yung weak! Nasa likod nila, siguro hindi siya pinapansin.' 'Weak kasi kaya ganyan!' 'I heard the Queen Bee is back!' 'The bitches are back! May mabubully na naman sila!' 'Speaking of Queen she's walking behind the weak!' 'Magandang scene 'to! Omygosh!' I felt an aura walking right behind me. I secretly smirked when I felt she's near. Bago pa nito mahawakan ang balikat ko ay hinarap ko na siya na ikinabigla niya. Maya the oh-so-called Queen bee sa mortal world at dito din. Eto na lang ba palagi ang role niya sa buhay? Walang sense. Nagulat siya nang makita ako. She didn't expect me. Tinulak ko siya ng mahina sa balikat gamit ang hintuturo ko dahil sobrang lapit niya. Naramdaman ko rin na napatigil sila Stacy. "What the hell are you doing here?! You, b***h!" Napairap na lang ako dahil sa mga bulok na linya niya. Wala na ba siyang bagong baon na linya? "What the! Maya?!" Trixie exclaimed behind me. "Is that how you welcome a new student, here in academy? The oh-so-called Queen bee." Pang-asar kong tanong. "What a coincidence, Lucy? I didn't expect na you're not an ordinary girl like me, but I guess you're weak like hell!" Tumawa pa ito na animong may nakakatawa. Nagmumukha siyang abnormal. "Hindi ka naman talaga ordinaryong babae kasi hayop ka. In english animal ka kaya hindi mo talaga aasahan na parehas tayo." Walang gana kong sagot dito. Namula siya sa inis dahil sa bago kong linya. "Maya, stop!" 'Did they know each other?!' 'I guess so' "I won't, Terrence! I'm not done with her!" Nagpapadyak pa ito na akala mo inagawan ng candy. Tsk! "Well, I'm done with your childishness." Sagot ko naman dito at humalukipkip ulit. "You, b***h! Stay away from my Warren or else I will fvcking kill you." Banta niya na ikinataas ng kilay ko. "I'm so scared to death, Maya. By the way, I'm not informed about your oh-so-called MY Warren, and why would I fvcking stay away from him when we're not even close." Nakataas kilay kong sagot dito. Ang layo nga ng pagitan namin ni Warren. Kumuha pa siya ng ruler at sukatin pa niya. Maka-stay away kala mo yakap-yakap ko 'yung mahal niya. Abnormal. "Maya, if you don't stop then I'll be the one to make you shut your mouth." Biglang nagsalita si Warren na mas lalong ikinataas ng kilay ko. Halata sa boses nito ang gigil at inis. "But, I just warned her. Your mine Warren. Only Mine." Oh. I smell something desperate. "I'm not yours and it will never be." Matigas na sagot ni Warren dito. Bakit ba siya sumisingit? Hindi naman siya kasali sa usapan, binanggit lang ang pangalan niya ay sumabat na. Saling kitkit. Tsk! "You're threatening me, Maya, correction lang. Kung sayo si Warren, edi sayo na. Wala namang umaagaw, sungalngal ko pa sa lalamunan mo, kung gusto mo." Sabat ko sa kanila. "We're not yet done, Lucy! You're surelly gonna pay for what you've said! And be thankful because you're with the Royal Blood. Next time, I'm surely gonna win that moment." "All i can say is I. DON'T. GIVE. A. DAMN." Pagkasagot ko dito ay tinalikuran ko na siya bago pa niya ako maunahan talikuran siya.  Pagkaharap ko kaila Stacy ay nakangisi ito habang ang tatlong lalake at nakatulala sa'kin. "What?" "Unexpected, huh?" Sabi ko at nauna na maglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD