Third Person: Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ay naghahanda ang lahat para sa okasyon na magaganap sa Pixie Kingdom. Hindi naman magkandaugaga ang magkakaibigan na sila Leah, Stacy, Trixie at Jordyn dahil sa pag-aayos kay Lean para sa kasal nito mamaya. "Oy! Leah ikaw sa buhok!" sigaw ni Stacy. "Oo teka! may lakad?!" sigaw pabalik ni Leah na ngayon ay nasa kusina at kumakain. "Haha hayaan mo na muna yun, makeup muna" natatawang sabi ni Lean kay Stacy. "Puro kasi kain!" bulong ni Stacy na narinig naman ni Leah dahil gamit niya ang hearing ability niya. "Hey! I heard that stacy!" sigaw na sabi ni Leah. Nag-balikan pa sila ng sigaw habang sina Jordyn, Trixie at Lean ay nakikinig lang sa kanila na magbangayan. Pagkatapos ni Leah kumain ay umakyat na siya dahil nagaalburoto na si

