Third Person: Lahat ng studyante ay pumunta na sa kanya-kanyang mga klase. Sila Stacy, Trixie at Jordyn ay pumunta na sa Potion Class nila at ang Royal Blood naman ay nasa Training Room upang magsanay. Merong mga estudyante sa field kahit papaano dahil hindi naman pare-parehas ang mga oras ng klase nila. Nang may biglang nakapasok na Monsters o Demonyo kung ano man ang tawag niyo dito dahil sa hindi maipaliwanag na itsurang meron ito. Nag simulang mag sigawan ang mga estudyanteng na naroon dahil nagwawala ang Demonyo at sinasaktan ang ibang estudyante. Mabilis na tumakbo ang isa sa studyante at hinanap ang Royal Blood na nahanap din naman agad kaya pumasok sya sa Training Room para humingi ng tulong. "Tu-tulungan n-nyo yung i-iba sa l-labas m-m-may d-demonyo" hinihingal na sambit ni

