Hinatid ako ni Blayz sa college, mabilis akong nagpaalam sa kanya, hinalikan siya sa labi at bumaba na. Patakbo akong pumasok at mabilis na naglakad ako sa hallway dahil ilang minutes na lang magsisimula na ang second class ko. Grabe naman kasi siya, ayaw pa rin niyang tumigil kahit sinasabi ko na male-late na talaga ako. I was relieved nang makarating ako on time at sakto rin na dumating na ang aming professor. Kahit na ba gusto kong hindi pumasok, hindi rin pwede dahil malapit na rin akong mag-graduate ng college. Konting tiis na lang talaga at matatapos na rin ako. Nagkita kami ni Emberlyn sa breaktime namin at tumambay kami sa college quad kung saan hindi naman gaanong mainit. Doon na rin kami kumain ng early lunch at gumawa ng ibang school work namin. Nakatambay rin roon ang ibang s

