1. Ang Simula

2775 Words
BABALA: Ang storyang ito, ay naglalaman ng maseselan na bagay na hindi angkop sa mga bata, Labing walang taon pataas lamang ang maaaring magbasa na may malawak na kaisipan. Meron itong mga kalibugan na hindi angkop sa malinis mong pagkatao. Lalaki sa babae at Lalaki sa lalaki. Kaya kung ako sayo mag next story ka nalang. Imahinasyon ko lamang ito, kaya utang utang na loob kung hindi mo trip ang tema at storya na ito ay wag mo nang ituloy ang pagbabasa. ------------- KABANATA 1 - - "Isaac, apo nandito na ang kaibigan mong si Eros, bilisan mo dyan at tatanghaliin na naman kayong magbubukas ng shop nyan" sigaw ni lola mula sa baba. Nandito ako ngayon sa taas at nagmamadali nang magbihis dahil sa totoo lang tatanghaliin na talaga ako. "Opo 'la mababa na rin ako" sigaw ko naman at sakto tapos nakong mag ayos tapos kinuha ko kaagad ang bag ko ang bumaba na rin ako "hoy nag almusal ka na ba?" tanong ko kaagad sa matalik kong kaibigan na si eros na kasalukuyan nakaupo sa sopa at iniintay ako. "Tapos napo akong kumain señiorito" pang iinis nyang sagot "oh ikaw baka kailangan mong kumain at pakibilisan dahil anong oras na oh" pagmamaktol nya. Natawa naman ako sa istura nya dahil aga aga nakabusangot ang kanyang mukha "haha wag kang mag alala wala akong balak kumain, nakakahiya naman sayo mainit na ulo mo haha may dalaw kaba?" pang aalaska ko sa kanya. "Huh? joke lang di mainit ulo ko ahh" sabay ngiti at hindi pinansin yung pang aasar ko sa kanya "sige kumain ka muna, alam mo naman ayaw kitang nalilipasan ng gutom ih" sabi pa nito "Di naman ako gutom, tara na" at nauna nakong lumabas ng bahay "lola aalis napo kami ni eros" "Ah sige apo mag iingat kayo, eros ingatan mo yan apo ko" sigaw ni lola na nasa loob ng kusina "Opo lola" pasigaw nya din habang palabas ng bahay "iingatan ko po itong dalaga nyo haha" pabulong nyang sa sabi na tanging ako lang nakarinig. Hinampas ko kaagad sa balikat "aray! eto naman asar agad haha ikaw ata yung may dalaw ih" sabi nya pa. "Hoy Eros magtitigil tigil ka baka may makarinig sayong kapit bahay" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami sa kahabaan ng kalsada. Patungo kami ngayon sa computer shop na ako mismo ang may ari at itong si Eros naman yung katulong ko don minsan kase sobrang dami ng naglalaro don hindi kakayanin ng isang bantay lang. Buti nalang nandito tong kaibigan ko at mapagkakatiwalaan ko naman. "don't worry pabulong lang naman yon" nakangiti nyang sabi sabay kindat sakin. "di mo ako madadaan sa pagpapacute mo Eros" sabay irap "Hedi inamin mo rin na cute ako sa paningin mo" natatawa nitong sabi habang panay ang pacute sakin. medyo may pagkamakulet din kase itong kaibigan ko na to kahit matanda sya sakin ng dalawang taon eh may pagkaisip bata minsan. 20 yrs old na sya at ako naman ay 18 na, Huminto muna ako sa pag-aaral dahil naisip ko munang tulungan si lola sa gastusin sa bahay. Pero next year ay magpapatuloy nako sa pag aaral. Habang si Eros ay ipagpapatuloy din ang pag aaral sa kursong criminology. "Nek nek mo haha" sabi ko sabay tawa. Pero sa totoo lang, di lang cute itong si eros kundi gwapo pa, habulin ng babae at bakla. Nakailang girlfriend na din ba to? di ko na mabilang pero halos di nagtatagal kasi hiniwalayan nya rin agad. Sa ngayon kakabreak lang nila ni liza at parang wala lang sa kanya yung nangyare. sabagay 3weeks lang naman sila non. Gwapo, matangkad nasa 5'8 ang taas samantalang ako ay 5"5 lang, moreno at samahan pa magandang pangangatawan dahil madalas tambay sa gym pag sarado ang shop ko. Madalas ko din naman kase makita ang hubad nitong katawan pag tumatambay sa bahay minsan, di raw nya hilig magdamit pag nasa loob ng bahay. At syempre ako masipleng sumusulyap sa malaadonis nyang katawan. Kumpara sa akin na medyo maliit lang ang katawan, hindi payat at hindi rin naman mataba. Maputi ang balat ko na minana ko daw sa aking yumaong ina. Matangos na ilong at may mapulang labi. Hindi naman sa nagbubihat ako ng sariling bangko pero alam kong cute ako at ganon din sinasabi sakin ng ibang tao. Di naman lingid sa kaalaman ng kaibigan ko isang akong bakla, pero hindi mo makikita sa kilos at salita ko. Mga bata palang kami nitong si Eros ay magkaibigan na kami kaya hindi ko na inilihim sa kanya yung totoo kong pagkatao. At sa ngayon wala pa akong balak na sabihin sa lola ko, saka nalang siguro pag may tamang oras na ko. Si lola nalang kase ang tanging pamilya ko, nanay sya ni papa na hindi ko alam kung saang lumalop ng mundo naroon. Matapos daw kasing ipanganak ako ni mama ay namatay ito, ilang araw matapos non ay bigla nalang daw naglaho si papa na parang bula. "bakit hindi ba? alam ko naman na takam takam ka sa katawan ko sus ayaw mo pang aminin" pabulong na sabi si eros sakin sabay tawa ng mahina "sabihin mo lang babe pagbibigyan naman kita ih sayong sayo itong katawan ko" sabay seryoso nyang sabi. Nagulat naman ako sa sinabi nya pero kahit alam kong naapektuhan ako di ko nalang ipinahalata "Sorry hindi kase kita type, mas type ko Wilmar kesa sayo" mabulong ko din sabi sabay tawa. si Wilmar yung kalaban nya sa basketball na taga kabilang kanto. Gwapo din kase ang isang yon matangkad at maputi. Pero syempre joke lang na type ko yon. Bigla nalang sumeryoso yung mukha ni eros sa sinabi ko "Si Wilmar? eh ilang beses kong nilampaso sa laro yon ahh?" sabi nito parang naiirita "wala ka na naman kataste taste" sabay ismid, bigla nalang nyang binilisan yung paglalakad at iniwan ako. "Hoy! eto naman tampo agad" sabi ko nang binilisan ko din ang maglalakad para mahabol ko sya, ganito kami ng kaibigan ko mag asaran araw-araw. Minsan ako mapipikon, minsam sya naman katulad ngayon. Lumipas ang maghapon na parang napapansin ko na di ako kinikibo ng kaibigan kong si Eros, dahil siguro sa pagbibiro ko na type ko yung wilmar kahit ang totoo ay hindi naman. "Uy! anong oras matatapos yang pagtatampo mo sakin? mukhang ang haba ih" magbibiro ko sa kanya nang paglapit nya sa counter ko para maglista. Pero hindi ako kinibo ng mokong at tuloy tuloy lang sa paglilista. "alam mo di bagay sayo magtampo ng ganyan" sabi ko sabay tawa pero di parin ako pinapansin "oh sige na nga" lumapit ako sa tenga nya "di ko naman talaga type si wilmar, joke lang yun" pabulong na sabi ko sa kanya kase baka may makarinig samin dito sa shop. "Sino type mo?" pabulong na sabi nya sakin na di man lang ako tinapunan ng tingin. "Ikaw!" sabi ko kaagad, medyo nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. hays ano ba yan Isaac anong pinagsasabi mo. "Talaga?" sabi nya sabay ngiti "sabi mo yan ahh" kumindat muna bago umalis sa harapan ko para magbantay ulet. "anong nangyare don?" sabi ko sa isip ko. Hays may pagkaisip bata talaga yung mokong na yon. LUMIPAS ang hapon nang maisipan kong bumili ng meryenda namin ni Eros sa kanto "Eros bibili lang ako ng marienda natin ahh, ikaw muna dun sa counter" paalam ko sa kaibigan ko. "Gusto mo isaac ako nalang bibili?" sabi nya "Hindi na, ako nalang. sige na labas nako nagugutom nako ih" sabi ko nang di ko na sya inantay magsalita. Balak kong bumili ng pizza namin ni Eros, kaso tatlong kanto ang layo non mula dito sa shop ko. Pero ayos na rin para naman makapaglalad lakad naman ako. Tumawid muna ako para makapunta sa kabilang kanto at naglakad ulet. Pabalik nako sa shop dala dala ang binili kong pizza at drinks nang may matanaw ako sa isang iskinita na isang matandang babae na parang hinang hina na, medyo madilim sa parte ng iskinita na yung kung nasan ang matanda at wala din masyadong dumaan na tao sa parte na yon. Nilapitan ko kaagad yung matanda baka sakaling kailangan ng tulong, naalala ko kase sa kanya si aking lola Amelita, halos magkasing edad lang sila nasa 70 yrs old na rin. "lola ayos lang po kayo?" sabi ko nang makalapit ako sa kanya. Nakaupo ang matanda sa isang sahig na may karton na medyo sira sira na at dahil nakatayo ako sa harapan nya, tumingala sya sakin at sabay ngiti "sa wakas natagpuan din kita" sabi pa nito "Ho? ahh anong ibig nyong sabihin lola? taga rito po ba kayo? kase parang ngayon ko lang kayo nakita?" sunod sunod na tanong ko sa matanda. "Ahh wala iho, nagugutom na kase ako kaya kung ano ano nalang lumalabas sa bibig ko" sabi nito parang nanghihina na nga dahil siguro sa gutom. "Ahh ganon po ba, sige lola sa inyo napo itong pizza na binili ko at pati itong drinks" sabi ko sabay abot sa kanya ng kahon ng pizza at supot na pinaglalagyan ng drinks. "eto ho lola kainin nyo na po" sabi ko at inabot naman sa matanda pero napansin kong di naman nya ginalaw yung pagkain na binigay ko. "Maraming salamat iho, napakabuti mo" sabi ni lola sabay na may kinuha sa kanyang supot na dala at may inilabas "para sayo iho kapalit ng kabutihan mo sakin" inabot nya sakin ang hugis bilog na metal na kulay ginto, pero sa tingin ko naman ay di totoong ginto ito. "Ay lola ano naman ang gagawin ko dito?" sabi ko habang pinagmamasdam ko yung bagay na inabot nya sakin. "Isang medalyon yan iho, alam kong malaki ang maitutulong nyan sayo maniwala ka sakin" nakangiting sabi sakin ng matanda. "Ahh ganon po ba, sige lola salamat po dito" sabi ko nang maalala ko si Eros na naghihintay sakin sa shop "ahh sige lola kainin nyo napo yang pagkain at aalis napo ako inaantay napo kase ako ng kaibigan ko" sabi ko sabay inilagay sa bulsa ko yung medalyong na binigay nya sakin. "basta iho ingatan mo ang bagay na yan at ingatan mo din yung sarili mo" sabi pa ni lola na napansin kong di parin ginagalaw yung pagkain na binigay ko. "Sige po lola kayo din po" sabay naglakad nako malabas ng iskinita, nilingon ko pa yung matanda pagkarating ko sa kanto, pero laking gulat ko nang makitang wala na sya don. Teka saan nagdaan yon? nagtataka man ako pero di ko nalang pinansin at bumalik nalang ako sa tindahan para bumili ulet ng pizza. Naglalakad na ko patungo sa bilihan ng pizza ng kunin ko ulet yung medalyon na binigay sakin ni lola sa bulsa ko, mukhang wala naman kakaiba sa bagay na to, parang simpleng bakal na bilog laman ito na kasing laki ng takip ng garapon. Pero napansin ko parang may nakaguhit sa medalyon na parang mga imahe na di ko mawari. dun ko lang napansin na parang nakahiwalay yung gintang bahagi ng medalyon. Sa tingin ko pwede syang pihitin, dahil base sa nakikita ko mabubuo ang mga imahe sa medalyon kung pipihitin ko pakanan yung bandang gilid at pakaliwa naman yung bandang gitna. Sinubukan ko naman syang pihitin at madali ko naman nagawa, dahil don mabilis ko nakita yung mga imahe na nasa medalyon. Pero bigla nalang akong may narinig na nagsisigawan, sobrang ingay. Pag tingin ko sa kaliwa ko nakita yung truck na tuloy tuloy ang mabilis pagtakbo papalapit sa side ko, bigla akong kinabahan. Nawalan ng preno yung truck. "Yung babae masasagasaan" dinig kong sigaw ng isang lalaki, at pagtingin sa kanan ko nakita yung babae papatawid papunta sa kabilang kanto, hindi nya naririnig ang ingay dahil nakaheadset ang ito, mas lalo akong kinabahan ng makita ko yung truck sa kaliwa ko na papalapit na at mukhang masasagasaan yung babae. Napansin ko na ako lang malapit sa babae na tumatawid sa kabilang kanto, bukod sa nakaheadset ay nakatingin ito bagay na hawak nya na di ko makita kung ano yon. Hindi nako ng dalawang isip at tinakbo ko yung babae pero nang lapitan ko na yung babae ay laking gulat ko malapit na samin yung truck. Sobrang bilis ng pangyayare, tinulak ko kaagad nang malakas yung babae papunta sa kabilang kanto pero nahuli nako dahil paglingon ko biglaang bumangga ang katawan ko sa unahan ng truck. Lord, ito na ba ang katapusan ko? pano na si lola ko? pano na yung kaibigan kong si Eros? sigurado akong labis silang malulungkot pag nawala ako. Nakakarinding ingay ang huling narinig ko bago ako lamunin ng kadiliman. MINULAT ko ang mga mata ko at puting kisame ang una kong nakita. Nasan ako? Naalala ko yung huling nangyare. May isang truck na nawalan ng preno, tinulak ko yung babae dahil masasagasaan sya kaya dahil don, ako yung nasagasaan. Patay na ba ako? langit na ba ito? pero bakit amoy alcohol? paglingon ko sa gilid ko ay may nakita akong lalaking natutulog sa sopa. Dun ko lang napasin na nasa isang hospital pala ako. Buhay ako? salamat sa panginoon at binigyan nya ako ng pangalawang buhay. Bumangon ako pero nakaramdam ako ng sakit sa bandang ulo ko, dun ko napansin na nakabenda pala ito. Pero teka bakit ulo lang masakit sakin? diba dapat pati ang katawan ko? pero bakit wala akong nararamdaman na masakit sa katawan ko? "Allyson, anak gisng kana?" nagulat ako sa narinig ko, yung lalaki sa sopa na natutulog kanina lang ang nagsalita "allyson kumusta kana? sandali lang tatawagin ko lang ang doctor" sabi nito na parang natataranta at mabilis itong lumabas. Teka! Sinong allyson yung tinutukoy nong lalaki na yon? baliw ba yun na nakikitulog lang dito. Sayang ang gwapo pa naman non kahit may edad na pero mukang nasa 40s lang sa kuya ahh infairness hot padin sya. Hayst ano ba tong iniisip ko. Teka nga ulet nasan kaya si lola? sigurado matutuwa yung pag nalaman nyang nagising na ako. Saka yung bestfriend kong si eros tiyak na nag aalala nadin yon. Ilang araw kaya akong tulog? 1week? 3weeks? 1month ba? o baka taon nadin. Kasalukayan akong nag iisip ng may mapansin ako sa likod ko, nang kinuha ko ito ay nalaman kong buhok ito, pero laking gulat ko na sarili ko palang buhok ito na humaba na hanggang likod ko. Teka isang taon mahigit ba akong tulog or sa madaling sabihin, nacoma ba ako? Nagulat ako ng bumukas yung pintuan at pumasok yung lalaking tumawag sakin ng 'Allyson', di sya nag iisa, kasunod nya din pumasok ang isang gwapong lalaki na halos kahawig nya lang pero mas bata itong tignan at may pumasok pang isa na kahawig din nila, at may pumasok pa ulet na isa pa na halos kaedaran lang namin ni Eros. Nag antay pa ulet ako na baka may pumasok pa kaso doctor na yung sumunod na pumasok kasama yung ilang nurse. Sinuri ako ng doctor at mga nurse habang nakatingin ako sa apat na lalaking naggwagwapuhan sa harap ko. Bakit ba kayo nakatingin sakin? maygad! matutunaw ako nyan ih. Ang hot nilang tignan, nakikita ko sa ayos at tidnig na mayayaman ang mga ito, ang ganda ng mga katawan nila na tingin ay batak na batak sa gym. Biglang lumapit sakin yung lalaking nakasalamin, yung pangalawang pumasok knina "kamusta na lagay mo Bunso? pinag alala mo kami" nag aalalang sabi sakin nito at niyakap ako, Sh*t! ang tigas ng katawan nya at ang init "salamat at gising kana" sabi nito pagkatapos akong yakapin. Dun nako nagsalita "T-teka nga sino ba kayo? at bakit nyo ako tinatawag na A-allyson at Bunso?" tanong ko at nagtinginan lang silang apat sabay tingin sa doctor. "Katulad nga ng inaasahan natin Mr. Alcantara, dahil sa pagkabagok ng ulo nya nagkaroon sya ng brain damage dahilan para magka amnesya ang inyong anak" sabi ng doctor na sumuri sakin. "Huh? amnesia? hahaha" natatawa kong tanong sa kanila, anong kalokohan ba to? Mga adik ba ang mga ' ito? Dun ko napansin yung malaking salamin na nakapatong sa side table ng kama ko. Agad ko itong kinuha para tignan ang sarili ko. Laking gulat ko nang makita ang sarili ko sa salamin, hindi ito ang mukha ko. Hindi ito!! Dahil ang mukha na nakikita ko ngayon ay ang mukha ng babaeng muntik nang masagasaan, ang mukha ng babae na dahilan kung bakit ako naaksidente. Halos di ako makapagsalita. Anong nagyayare? Nananaginip lang ba ako? Kung ganoon ay gusto kong magising sa bangungot nato. Meron akong napansin sa dibdib ko na parang may nakaumbok, kinapa ko ito gamit ang dalawang kamay ko.. bigla nalang akong napasigaw sa gulat. AAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!! to be continue....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD