"Paano kung hindi ako sasama sa iyo sa pagbalik mo sa Blood Skull Alliance na lugar na sinasabi mo? Magagawa ka pa ba kung iyon ang aking kagustuhan?" Saad ng batang si Li Xiaolong sa misteryosong nilalang na nakakubli sa itim na maskaranv suot-suot nito. "Oo at wala ka namang iba pang pagpipilian kung hindi ang sumama ng s*******n kung ayaw mong wasakin namin ang buong lugar na ito kasama ang iba pang kaharian lalong-lalo na ang Dou City hahahaha!" Inis na wika ng nakamaskarang itim na nilalang habang nakatingin sa direksyon ng batang si Li Xiaolong. "Talaga ba? Matagal ko na ring gustong subukan ang lakas ng apat na kaharian sa kasalukuyan ngunit mukhang malabo ang gusto mong mangyari. Sa pwersa pa lamang ng Dou City ay siguradong hindi na kayo magtatagumpay pa!" Kontrang saad naman n

