Mabilis itong lumipat ng pwesto at lumitaw ito sa harap ng batang si Li Xiaolong habang hinarang nito ang dalawang kamay nito upang harangan ang nasabing batang paslit. "At bakit ko naman lilisanin ang lugar na ito? Isa akong special guests ng Green Martial Valley Union kaya hinding-hindi mo ako mapapaalis rito. Ang lakas din ng loob mong pagbantaan ako!" Mabilis na wika ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang nakatingin ng matalin sa kinaroroonan ng kalaban niyang kakabangon lamang mula sa malakas na pagkakabagsak nito. Bakas sa boses niton na hindi ito magpapatalo sa kahit na sinuman. "Hindi mo ba ako naririnig magandang binibini? Inuutusan kitang lisanin ang lugar na ito ngayon din kung ayaw mong magkagulo tayo rito. Alam kong malakas ka ngunit isa ka lamang special guests ng lug
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


