Napatahimik bigla si Li San ngunit napangisi na lamang ito at mabilis na nagwikang muli. "Talaga ba? Hindi ko aakalaing ang lakas ng loob mong sumbatan ako. In terms of power ay alam mong ako lamang ang may kakayahang mamahala ng Green Martial Valley Union. Ako ang gumawa ng lahat at wag kayong maniwala sa babaeng ito dahil ako ang may hawak ng lahat-lahat dito!" Confident na sambit ni Ginoong Li San habang sinasabi ang mga katagang ito Kay Li Wenren at Li Qide. "Oo, talagang-talaga. Nagawa mo ng linlangin at paikutin ang Li Clan noon, ngayon pa bang pinagsama na ang karatig na mga angkan? Saan ka kumuha ng pondo huh? Sabihin mo nga?" Nakangising tanong ni Li Qide. Hindi niya hahayaang manaig pa ang kasinungalingan laban sa katotohanan. Pagod na siya sa kakaintindi sa huwad na panlabas n

