Chapter 11
“Ahh..ehh.” Hindi ko magawang magsalita. Nakafocus ang buong senses ko sa kamay niya na dahan dahan na gumagapang sa legs ko. Nananayo ang balahibo ko.
“Nag oorder ka pala ng make up kay Lexie? At para kanino naman at nagpapaganda ka?” Nagtataka na sabi ni Missy. Kunsabagay nga naman, hindi nga ako nagme-make up.
“Ahmm…ahmmm.” Pinisil niya ang legs ko, pinigilan ko ang sarili ko na mapaungol. s**t! Bakit ginagawa niya sa akin to?
Hindi ko naman siya pwedeng sitahin kasi nasa cafeteria kami at isa pa… I kind of like what he’s doing. Kahit na nga ba, binubuhay ata ng haplos niya ang lahat ng himaymay ng pagkatao ko.
“Anong nangyayari sayo? Bakit ka namumula” Nagtatakang tanong ni Missy. Naramdaman ko naman ang pagbitaw ni Alexis sa legs ko. Doon lang naging normal ang paghinga ko pero infairness nanghinayang ako.
“Wa-wala. Kailangan bang may pinapagandahan ako? Hindi ba pwedeng gusto ko lang mag inarte?”
“Oh well…pwede naman. Ay teka, hoy mga bading, malelate na tayo.” Sabay tayo ni Missy at kuha ng bag niya. Nagsisunuran naman ang tatlo, tumayo at nagpaalam na sila sa akin. Si Alexis naman, parang walang ginawa na ibinilin pa sa akin ang mga pagkain. Ubusin ko daw. Tapos umalis na sila.
Pagkatalikod niya, gusto ko siyang batuhin ng microwavable container na may lamang Ratatouille.
Langya kang bading ka! Pagkatapos ng lahat iiwan mo ako? Pagkatapos mo akong…akong I arouse, lalayas ka?
Ang sarap mong hambalusin. Hambalusin ng halik.
Pero wala na akong nagawa kundi ang ilagay ang mga pagkain sa bag at umalis na din para pumasok sa subject ko.
Naging maayos naman ang araw ko despite nang nakakawindang na pangyayari kanina sa cafeteria. Tuwing maalala ko nga, nananayo pa din ang balahibo ko, pero so far, na survive ko naman hanggang sa matapos ang last period namin ni Missy.
“Ano Mandy, i-tetext ko si Louis? Doon tayo sa cafeteria. CR muna ako. Mauna ka na dun.” Sabi ni Missy sabay lakad ng mabilis papuntang CR. Ihing ihi na ata.
Hindi ko na nga nagawang magsalita kaya naman sinunod ko na lang siya. Naglalakad na ako papuntang cafeteria nung maramdaman kong parang may nagvibrate at nagriring. Hindi ko sana papansinin kasi hindi ko naman yun ringtone kung hindi ko lang nararamdaman ang vibration. Kaya naman nagtataka kong tiningnan ang bag ko at nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko ng cellphone na nagriring.
Kahit na nagtataka, kinuha ko ang phone at tiningnan ito. Number lang ang nakalagay kaya hindi ko sana sasagutin kung hindi lang sobrang familiar ng number. It’s my number. Bakit ako tinatawagan ng sariling number ko? Minumulto na ba ako? At kaninong phone ito?
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Sinagot ko ang phone na hindi naman sa akin.
“Hello.” Mahinang sabi ko. Ang creepy ng ganito. Tinatawagan ka ng sarili mong number.
“Kita tayo sa parking.” Sabi ng boses na sobrang familiar sa akin. At unti unting nabuo ang idea sa isip ko. Pinagpalit ni Alexis ang phone namin kasi wala kaming number ng isa’t isa. Ang dali dali lang magtanong hindi pa niya nagawa. Napaka demure ng baklang yun. Nakakainis.
“ At bakit?” Mataray na sabi ko.
“Basta kita tayo sa parking.” He hissed.
“At kung ayaw ko? Mamaya niyan bawiin mo pa ang phone sa akin. Ayoko nga. Sayo na yang android ko, sa akin na ang phone mo.” Nangingiting sabi ko.
“Amanda, just see me at the parking, okay?” Naiirita na ang boses niya. Pero lalo naman akong naaliw.
“Bakit nga!?”
“I don’t want you dating any guy.” Mariin na sabi niya. Napangiti ako ng wala sa oras.
“Pilitin mo muna ako.” I end up the call tapos tumawa ng mahina. Hindi ko alam pero masayang masaya ako. Tuwang tuwa ako sa mga pangyayari na gustong gusto ko nang tumawa na parang demonyita.
“Aayaw ayaw ka, tapos ngayon magseselos ka? Hmp! Manigas ka!” Tatawa tawa pa ding sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad papuntang cafeteria nung bigla na lang may humigit sa braso ko. Hindi ko nagawang tumili nung tingnan ko kung sino ang gumawa nun sa akin.
It was no other than Alexis.
Hawak hawak niya ang kamay ko habang mabilis na naglalakad. Sumunod na lang ako. Hindi na ako nagpumiglas kasi kinikilig ako sa ginagawa niya. Hindi kami dumaan sa cafeteria, dumaan kami sa kabilang building papuntang parking. Hindi siya nagsasalita habang hawak hawak ang braso ko hanggang sa makarating kami sa parking. Hindi din siya nagsalita nung pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at pinasakay ako. Ngingiti ngiti lang ako.
Now, he’s acting like a real man. Way to go Alexis.
“Napaka possessive mong bakla ka. Akala ko ba ayaw mo na?” Sabi ko nung di ko na matiis ang katahimikan. Pero hindi niya ako sinagot. Drive lang siya ng drive.
“Pwedeng mag drive thru muna? Nagugutom na ako.” Pagdedemand ko pa. Pero ang totoo, gusto ko pa siya makasama ng matagal. Baka kasi ihahatid niya ako kaagad. At kahit na nga ba pinaiyak niya ako, hindi ko pa din mapigilan ang sarili ko na matuwa tuwing kasama ko siya. I think I have this worst case of obsession over Alexis.
“Kainin mo ang dala kong pagkain. Ni hindi mo man lang tinikman kanina.” Sinulyapan pa niya ang lagayan ng food na hanggang ngayon bitbit ko pa. Bakit ko nga ba dala dala ang mga to?
“Tinitipid mo ako? Hinila hila mo ako, tapos gugutumin mo lang? Kung si Louis ang kasama ko ngayon, baka sa five star hotel niya ako pakakainin. Tapos ikaw drive thru lang di mo pa maibigay? Pinagdadamot mo pa? I don’t deserve this!” I nagged at him. Kulang na lang magdabog ako sa loob ng kotse niya. Pero walang epekto. Hindi siya nagsalita. Drive lang siya ng drive hanggang sa pumasok kami sa entrance ng isang five star hotel. Nalula ako at kinabahan at naexcite at napalunok. What the!
“Teka! Teka! Anong gagawin natin dito?” Tanong ko nung tumigil siya sa harap ng lobby at may lumapit na valet.
“Kakain and more.” Simpleng sabi niya, tapos lumabas na ng kotse at ibinigay sa valet ang susi ng kotse. Tapos baliwalang naglakad papasok sa hotel. Ano pa ba ang magagawa ko? Bumaba na din ako ng kotse na nabuksan na ng valet ang pinto sa side ko.
Hinintay niya akong makababa at makalapit sa kanya.
“More? Seryoso ka?” Woah! Woah! Totoo talaga yung sinabi niyang he won’t do it in our house. Sa hotel talaga ang gusto niya? Grabe tong bading na to.
“Akala ko ba gusto mong kumain sa five star hotel?” Tanong niya sa akin habang papasok kami sa napakagarang lobby ng hotel . Mas lalo akong nalula. Hindi ko akalain na dito kami makakarating. Samantalang siya, parang balewala lang sa kanya. Dire-diretso lang ang lakad niya papuntang elevator.
Ako naman, sumusunod lang sa kanya.
“Hindi ko sinabing gusto ko. Ang sinabi ko, kung si Louis ang kasama ko…” Pumasok na ako sa elevator at nagkatinginan kami. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
“Pasensiya ka na hindi si Louis ang kasama mo ngayon. But if you really want to be with him, bumalik ka na lang. Baka naghihintay pa siya sa’yo.” Pabalang na sagot niya sa akin.
“Okay ka lang? Pababalikin mo akong mag isa? At isa pa, how would I know kung andun pa sila at hinihintay ako kung nasa’yo ang cellphone ko!” Ngayon ko lang naalala. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, di ko man lang natatandaan na pinagpalit niya ang phone namin.
“Give me my phone.” Sabi niya at kinuha din sa bulsa niya ang phone ko. Akala ko, ibabalik lang niya ang phone pero hindi. Binuksan niya ang dalawang phone at pinagpalit ang mga sim. Yun ang ginagawa niya hanggang sa lumabas kami ng elevator.
Nung nasa harap na kami ng isang pinto, he encoded the code at humarap sa parang sensor and then I heard a click. Bongga! Ang galing!
Hindi pa ako tapos ma amaze nung binuksan niya ang pinto at tumambad sa akin ang isang napakagarang living room. Akala ko ba nasa hotel kami? Bakit parang mansiyon itong napasukan namin?
Nung nasa loob na kami umupo siya sa sofa at inayos ulit ang mga sim ng phone. Umupo din ako siyempre.
“Akala ko ba gusto mo lang akong pakainin sa isang 5-star hotel? Bakit andito tayo?”
“Kakain and more.” Simpleng sabi niya na sobrang nagpakilig sa akin. Gago kang bading ka. Kunti na lang sasabunutan na kita dahil sa kilig na pinaparamdam mo sa akin.
Iniabot niya sa akin ang phone niya with my own sim at atubiling kinuha ko ang phone sa kanya kahit na hindi naman phone ko ang iniabot niya.
“Hindi yan ang phone ko.”
“Di ba gusto mo ang phone ko?” Seriously? Ibibigay niya ang phone niya sa akin? Bakit phone lang? Bakit hindi pati puso?
“Magbibigay ka na nga lang, di pa bago.” Pabirong sabi ko but he take it seriously.
“Napakademanding mo.” Ngumuso ako sa sinabi niya.
“Sinasabi ko lang ang nasa isip ko.”
“Sometimes it wouldn’t hurt to be discreet.” Orily?
“Sometimes too many secrets could break a man. It could also ruin a nation and could ignite a war amongst other nation. Being too discreet could result in uncertainty and distrust among people hence planting a seed of doubt in their hearts that could result into animosity.” I want to applaud myself for that speech. Nakita ko siyang nangiti ng unti. Ay proud ang lolo niyo sa akin. Gusto kung magsasayaw na parang baliw.
“At isa pa,” I added. “Mas mabuti na yung sinasabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin kasi natuto na ako. Dati may manliligaw akong pangit na ayaw akong tigilan kahit ilang beses ko nang binasted. Pero nung sinabi kong ayaw ko sa kanya kasi ang pangit niya, ayun tumigil. Si Charles, ang first boyfriend ko…” pero hindi ko na natapos ang litanya ko kasi bigla siyang nagsalita na parang galit na naman at inis. Ang lakas maka mood swing ng lalaking to. Parang bading. Ay bading nga pala siya.
“Pwede ba Amanda! Stop mentioning any guy’s name when you’re in front of me!” Naiinis na sabi niya. Tumaas ang kilay ko.
“At bakit hindi? Ano naman ngayon sa’yo kung sasabihin ko ang mga pangalan ng lahat ng ex ko na sina Piolo, Sam, John Lloyd, Tom, Richard, Bayani at mmmpp…” Hindi ko na natapos ang litanya ko ng mga pangalan ng mga artista dahil bigla na lang niya akong hinapit palapit sa kanya. Before I could even think of another name, his lips fully captured mine. Automatic na napapikit ako at maya maya pa, mas lalo pa niya akong hinapit palapit sa kanya.
Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya to kiss him deeper and that earned a moan from him. A small smile of triumph formed in my lips. Iisang bagay lang ang naglalaro sa isip ko habang ninanamnam ko ang halik niya.
I won.