Chapter 31 Hindi na ako nakapasok. Pinabalik ni Alexis ang kotse sa bahay. Hindi na ako tumutol dahil kahit ako hindi ko din alam kung kakayanin ko pa bang pumasok sa school. Magang maga ang mga mata ko at pakiramdam ko pagod na pagod ako. Pagkabalik sa bahay dumiretso ako sa guest room. Gusto ko sanang matulog pero di ako makatulog. Nakahiga lang ako sa kama in a fetal position at nakatingin sa kawalan. Kahit hindi na ako umiiyak, ramdam na ramdam ko ang lungkot. Napakabigat ng dibdib ko at ng pakiramdam ko. Nasa ganun akong kalagayan nung bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Alexis. Hindi pa din ako gumalaw hanggang sa lumapit siya sa kama at naupo sa gilid. Minutes passed at walang nagsasalita sa aming dalawa. Nagpapakiramdaman lang kami. Ayaw ko din siyang tanungin kung baki

