Finley's Pov *** Dalawang linggo na ang nakalipas simula nong nangyari sa acquaintance party at kung tatanungin niyo ko kung masaya ba ako, ang sagot ko ay oo. Lagi siyang dumadalaw sa bahay at kilala na siya ng parents ko. Sabi ni daddy mabuti daw at nagpaalam ito sa kanila na ligawan daw ako. Tanda daw rin iyon ng pagrespeto at mas lalo siyang naging sweet ngayon at lagi niya akong binibigyan ng kung ano-ano. Mostly ay mga pagkain. (Flashback) "Baby!" tawag sa akin ni Zion kaya nilingon ko siya. Napakunot naman ang noo ko ng makitang may dala ito. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "I'm visiting my baby" nakangiti niyang saad tsaka ako nilapitan at hinalikan ako sa pisngi. "What did you brought this time?" tanong ko. "I have some pizza here" sabi niya at pinakita ang tinago niy

