Finley's Pov *** Isang linggo na ang nakalipas simula nong pumunta sa bahay si Zion at mula ng araw na iyon hindi ko parin siya nakikita. Hindi ko maipagkakaila na namimiss ko siya, as in sobrang miss ko siya. Gabi gabi nalang akong umiiyak dahil naaalala ko siya. Ang parents ko naman ay nandoon parin sila sa ibang bansa para sa business trip kaya ako parin at ang mga katulong namin ang nasa bahay. Sila Sandra at Sharma naman ay doing fine padin. Happy go lucky padin habang ako ito -- namimiss ang taong ako mismo ang nagtulak palayo. Isang linggo ko narin siyang hindi nakikita kahit dito man lang sa school. Hindi naman ako nagtangkang magtanong kay Sandra. Baka lalo lang lumala.Tungkol naman sa The Wolves. Okay naman kami nina Ayden. Lagi silang pumapasok pero hindi kasama si Zion, hin

