CHAPTER EIGHT

1551 Words
Victoria's POV Sinadya kong sumama sa kanya sandali para sarilinan siyang makausap habang lihim ako nagngingitngit. "Bakit ginagamit mo pa ang pamilya ko? Inosente sila pagdating sa mga bagay na ibinigay mo kaya natural matutukso sila!!" buska ko at hindi na ako nahiya pa na sabihin ang sinasaloob ko. Nakahawak lang siya sa manibela habang ang tingin nasa harap. Nandito kami sa gilid ng highway makalabas ng kanto namin. "Hindi sila tulad ko..." Napatiim bagang ako. "Masiyado silang mababait kaya talagang tao ka nila tatanggapin ayaw man nila sa iyo." Tiningnan niya ako. "Masiyado naman atang mababaw ang tingin mo sa kanila?" Natigilan ako nangunot ang noo kong tiningnan din siya. "Anong mababaw, hindi ganoon ang sinasabi ko—" "Hindi mo ba narinig ang sinabi ng Nanay mo kanina? Hindi siya babase sa bigay ko, kundi sa totoong intensyon ko." "Pero ang intensyon mo, suhulan sila!" "Noong una." Natawa pa siya. "Pasensya ka na, yaman lang ang meron ako sa ngayon at medyo malabo pa ang kagwapuhan ko pero malapit-lapit mo nang makita." Napaawang ang bibig ko sa taglay niyang kumpyansa. Pinagmasdan ko ang mukha niya, may istura naman siya pero ayaw ko talaga sa lalaking mabubuhok para silang hindi naliligo. "At aaminin ko, your family is quite impressive, hindi sila sipsip o ano pa man... and they let you decide and they respect me too as a human who enter your small house." "So bakit nga eh?! Bakit pati pamilya ko??" Napaluha na ako. "Ayoko ng ganito, ayoko na sinasamantala ang pagiging mahirap namin para makuha mo ang gusto mo—" "Speaking of what I like," he cut me off and he grinned. "Bakit ako nagpakilala sa kanila? Simple lang para hindi na sila magulat kapag kinuha na kita at dumating ang araw na akin ka na." Natigilan ako at nanlamig sa kinauupuan ko lalo na nang unti-unti siyang lumapit habang ang mata niya ang patuloy na nangungusap para sa kanya. Dinala niya ang kamay niya sa pisngi ko at hinawakan ang mukha ko, pinalis niya ang luhang naglalandas dito. "Why are you crying when we're talking about your family, hmm?" Iginala niya ang mata niya sa mukha ko. "You're really treasuring them?" Para atang may nahimigan akong selos doon, o ako lang itong nagiisip ng maling akala. "If they really are... then I want you to make me part of it," seryoso niyang sinabi na ikinakurap ko, nagmuka siyang nanlimos bigla. Pero agad ko ring tinabig ang kamay niya at itinulak siya palayo sa akin buti't nagpatulak naman siya at galit ko siyang tiningnan. "Tigilan niyo na ako Mr. Apollo! Hindi ko ho kayo gusto! Mas lalong ayoko sa mukang hindi naliligo at mukang madungis!!" Matapos ko iyong sabihin binuksan ko na ang pinto ng sasakyan niya at bumaba na ako, himala ngang hindi naka-lock, malapit na lang naman ang bahay kaya lakarin, mula club nga nilalakad ko lang. Hindi na siya nagtangka pang habulin ako kaya natigilan ako at nilingon ang sasakyan niyang nandoon pa rin... Nakaramdam naman ako bigla ng konsensya sa sinabi ko... pero hindi niya naman p'wede ipilit ang gusto niya sa akin. Pero hanggang makauwi ng bahay guilty pa rin ako sa nasabi ko lalo na nang maabutan ko pa sa loob ng bahay ang mga dinala niya at halos walang mapaglagyan... nagmukang mini groceries store ang bahay naming maliit lang. Lumamlam ang mga mata ko... at nang dumako ako sa salas sakto nakatingin sa akin sina Nanay at Kairo. "Nakauwi na siya?" tanong ni Nanay. "Grabe ka Ate, ang yaman ng manliligaw mo!" si Kairo na bakas pa rin ang sabik sa mga ito. Tumango lang ako kay Nanay at hindi na nagsalita pumasok na lang ako na walang imik sa kwarto ko at isinara ang pinto saka ako pasalmapak na nahiga sa kama. Inilagay ko ang braso ko sa noo ko at tumingin sa itaas ng plywood naming kisame. Pumikit ako at kinausap ang sarili. "Sinabi mo lang ang totoo Victoria... sinabi mo lang." Pilit ko kinumbunsi ang sarili ko na walang mali sa sinabi ko kahit alam kong meron... Nagpapadyak na lang ako at tumayo na, naglinis ako ng katawan at nagpalit ng pantulog at nahiga na sa kama. Pero magdamag akong hindi nakatulog, kinabukasan maaga akong kumilos dahil dadaanan ako ni Manang Sonia isasabay niya ako sa pagpunta sa mansion. Medyo kinakabahan ako sa bago kong magiging trabaho lalo na at gusto raw ako personal na makilala ng may-ari ng bahay. "Tori." Narinig ko nang tawag sa akin ni Manang Sonia mula sa labas kaya dali-dali ko nang kinuha ang bag back ko at lumabas na kwarto. "Andiyan na ho! Sandali lang," sagot ko pabalik at nagpaalam muna ako kay Nanay. "Nay, ang pagkain niyo nasa lamesa, tanghalian at meryenda mamayang gabi nandito naman na si Kairo siya na munang bahala sa inyo, tuwing linggo lang ang uwi ko pero uuwi-uwi rin ako rito kapag may pagkakataon." Humalik na ako sa noo niya at yumakap dito siya namang bulong nito. "Mag-iingat, anak. H'wag mo kami intindihin dito." "Kaya nga ho ako magtatrabaho para sa inyo anong h'wag intindihin." Natawa na lang ako at nagpaalam na at naghihintay ang ginang sa labas. "Magandang umaga Aling Sonia!" galak kong bati na may ngiti at ngumiti rin naman ito sa akin. "Tayo na, Tori at maaga ang dating ni Sir baka kay bago-bago mo mapagalitan tayo," yakag na nito kaya lumakad na kami. Stay in rin si Manang doon, tuwing linggo rin ang pahinga niya, lunes ngayon kaya nasa bahay siya kahapon at nadaanan niya 'ko ngayon. Malayo raw ang mansion kaya kailangan naming sumakay ng jeep, bumaba kami sa isang yayamanin subdivision pero halos wala pang mga bahay. Kakailanganin may sasakyan ka papasok dahil sa lawak at laki. May mga guards na nakabantay naman sa b****a, at tumawag si Manang ng trysikel dahil dulo pa raw ang mansion, kaya naman daw lakarin pero malayo rin at baka ma-late kami. "Mama, sa Elle Marino's Residence ho tayo," saad ni Manang sa driver na pumasok na ng subdivision. Elle Marino's Residence... parang pamilyar. Itinigil kami sa isang napaka-laking bahay... ang laki! Kaya pala mansion. Napaawang ang bibig ko pagbaba namin, sinagot na ni Manang ang pamasahe ko. "Halika na sa loob, naghihintay na iyan si Sir." Tumango ako at sumunod kay Manang, may mga lalaking armado sa loob, waring bantay at automatiko nila pinagbinuksan si Manang. "Magandang umaga, Manang," magiliw na bati nila sa ginang at tumuon sa akin. "Siya na ho ba iyung bago? Maganda ho ah." Ngumisi sila sa akin pero hindi ako nagbigay reaksyon man lang, malamig lang ang tingin ko sa kanila. "Magandang umaga rin naman. Kayo'y magsi-tigil baka kayo matakot sa inyo," saway ni Manang Sonia. Lihim naman akong napasinghal. Pumasok na nga kami sa loob, dire-diretso ng lakad habang nakasunod pa rin sila ng tingin sa 'kin. Akala ko sa club lang, hanggang dito rin pala. "Pasok, Ineng." Nauna pumasok si Manang, sa loob sa front door kami dumaan at lalo ako namangha sa nakita kong loob, napaka-ganda at ang linis... makabago ang interior pero ang mga gamit, may mga puting tela na nakatabon para lang h'wag maalikabukan. Parang ghost modern house. Ano lang ginagawa ni Manang dito? Dinala niya ako sa salas, may isang set ng sofa roon na walang taklob, doon pinaupo niya ako. "Sandali, maupo ka muna tawagin ko lang si Sir sa taas." Iniwan niya akong mag-isa sa napaka-laking salas na ito. Kung sino man may-ari nitong bahay ay nahuhulaan kong napaka-yaman ng taong ito. Tikom lang ang mga hita kong naghihintay habang ang dalawang kamay ko nakalapat dito at tinatapik ang daliri ang tuhod, kagat ang ibaba kong labi at lilinga-linga nang marinig ko si Manang. "Ito ho iyung sinasabi ko sa inyong dalagang may binubuhay na ina at kapatid," saad niya sa may-ari habang papasok sila ng salas. "Tori, nandito na si Sir," imporma niya naman sa akin kaya agad akong tumayo pagkasabi ni Manang. Humarap ako na magkahawak kamay at agad nag-bow kaya paa niyang nakasuot ng kinis na itim na sapatos ang una ko nakita at nagpakilala bago ako unti-unting nag-angat ng mukha dito. "Magandang umaga, Sir ako ho si Victoria Dominguez—" Kaagad naman ako natigilan nang sumalubong sa akin ang pamilyar na pares ng mga mata nito... Nawindang ako sa gulat kasabay ng panlalaki ng mata ko at napaawang ang bibig. Hindi ko siya halos nakilala dahil ahit wala na siyang mahabang balbas, kung 'di ko kilala ang mga matang iyon hindi ko siya mamunukhaan... Hindi ako nakapagsalita kaya si Manang sinenyasan akong umayos at pinanlakihan ako ng mata tinanong ng tingin kung ano ba nangyayari sa akin. Narinig naming tumawa ang may-ari ng bahay kaya napalunok ako sa kaba lalo na ng humakbang siya papalapit sa akin at tumigil din sa tamang distansya lang. "What makes you look surprised, hmm?" he asked and chuckled tuwang-tuwa sa nakikita niyang pagkagulat ko. Ibang-iba ang mukha niya sa may balbas at sa wala. Ayoko man aminin pero hindi ko naman maitatangging a-ang gwapo niya... pala. Umiling ako. "W-Wala ho, Sir." Dahil ba nasaktan siya sa sinabi ko kagabi kaya ngayon, nag-ahit na siya at nag-ayos na sa sarili? Imposibleng hindi niya alam na ako ang magiging bago niyang kasambahay dahil kahit saan ako magpunta, nandoon din siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD