Victoria's POV Katahimikan ang nangingibabaw habang magkakaharap kami sa hapag kainan, narito ang lahat pati si Lolo Mathias na muka ring masama ang timpla sa pagdating ng mga panauhing ito na ni isa walang may gustong naririto. Magkatabi kami ni Apollo, sa kanan ko naroon ang matanda sa punong upuan, sa kaliwa ko si Apollo at katabi niya ang mga pinsan niya. Kaharap ko ang Nanay niya, katabi nito si Margarita na katapat naman ni Apollo habang nakatingin sa aming dalawa, tila ba nanunuring mabuti. Napasinghal ako dahil para itong inspector kung makatingin na tila ba tinititigan kung nararapat o nababagay ba ako sa pamilya. Nang basagin na ni Lolo Mathias ang katahimikan. "I didn't know, you Lucrecia was really about to come into my house with this woman," bakas ang pagkadigusto sa ton

