THIRD PERSON'S POV Natigilan sa paguusap sina Victoria at Hades nang may biglang tumikhim mula sa likuran nila at paglingon nila nakita nila si Margarita na kapapasok lang ng kusina at naabutan silang naguusap. "Did I interrupt something?" She walked straight towards them while her arms crossed kaya kaagad namang dumistansya si Victoria mula kay Hades na napatingin sa kanya sa ginawa niyang pag-layo. "Wala naman, nag-uusap lang kami," si Hades ang sumagot pero ang tingin ni Margarita na kay Victoria. "Hitting two birds with one stone, Tori?" pasaring nitong insulto sa kanya na ikinatiim bagang niya. Hindi niya ito kinakausap sa mga nakalipas na araw na nandidito ito, tahimik lang siya kahit nakakasabay nilang kumain, madalas na nakakasalubong sa pathway pero muka atang hindi niya mapi

