Victoria's POV Napag-alaman kong may apat na anak pala si Don Mathias at puro lalaki, ang pangalawa sa panganay ang Tatay nina Apollo at Hades. Anak naman ng panganay sina Hector, Ermes at Eros, anak naman ng pangatlo sina Atlas at Alejandro at anak ng pang-apat ang pinaka bata sa kanilang magpipinsan, si Elios na nag-so-solong anak ng bunso ni Don Mathias na hindi nalalayo sa edad ko. Ito ang ayoko sa lahat, family three, ang dami rin nila at lahat puro pa lalaki kaya ganoon na lang ang paka-ilang ko rito sa bahay dahil ako lang ang babae rito bukod sa mga kasambahay, wala na. Lahat sila tagapag-dala ng apelyido. Wala ang mga magulang nila dahil mga nasa bakasyon. Sa sobrang kuryosidad nila sa babaeng ipakikilala ni Apollo nagpunta talaga sila. "Pagpasensyahan mo na ang apo kong iyo

