Victoria's POV Habang binabayaran na hindi na nawala ang ngiti ni Apollo pati ng sales personnel habang ibinabalot na nila ang pinamili namin. "Salamat po, Sir, Ma'am! Balik po kayo sa susunod maraming new arrival style po ang darating, Sir! Sigurado magugustuhan niyo," may halong birong paalam ng nag-assist kanina sa amin. Natawa lang si Apollo hindi naman ako nagsalita sa hiya hanggang makalabas na kami ng undergarments section bitbit ng iba niyang tauhan ang pinamili namin at dinala na ulit sa sasakyan. "Saan na tayo? Let's go to the dress shop." Parang sa aming dalawa siya ang nag-e-enjoy mag-sho-shopping kaya sinamaan ko siya ng tingin nang kaming dalawa na lang. "Sa susunod paki-lugar mo iyang pagiging mahilig mo, Mister!" pabulong kong sigaw. "Gagawa ka pa ng scandal sa loob."

