THIRD PERSON'S POV Iniwang tulog ni Apollo si Victoria buhat ng matinding pagod, lumabas siya ng kwarto at bumaba nagtungo siya sa likod bahay para puntahan ang mga pinsang naghihintay sa kanyang bumaba kinagabihan. Habang nagkakasiyahan ang mga ito hawak ang tig-iisang baso na may lamang matapang na alak hindi pa siya namamataang papalapit agad niya nang nilapitan si Alejandro biglang dinagukan na naghatid gulat sa kanila lalo na sa pinsang napadaing! "Aray ko! Sinong—" Sapo nito ang ulong napatingala at natigilan nang makita ang galit na mukha ni Apollo kaya nanlaki ang mata nito at napatayo kaya mga natigilan sila. "You assh*le." He gritted his teeth in madness at babanatan pa sana niya ng isa nang tumayo na ang mga pinsan niya para awatin siya at si Hector hinila siya papalayo. "T

