"Sorscha! 'Yong kanin masusunog! Wala ka talagang kwentang bata ka!"
Hindi ko pa naayos ang damit ko at dali-dali na akong lumabas sa kwarto papuntang kusina para kunin ang sinaing ko.
"Aw! Aw!" I screamed as I touched the hot handler.
Kumuha ako ng damit at ginamit ito para makuha ko ang kaldero sa kalan, tapos inilagay ko sa misa at kumuha ng isang kalaha para makapagprito ng itlog at tinapa. Habang pinapainit ko pa ang mantika ay inayos ko na ang polo shirt ko saka ang pants. Naiinis ako kasi hindi ako makapagskirt ngayon! Nilabhan ko pa naman noong nakaraan tapos uulan lang pala, hindi ko namalayan na napapasok ang tubig ng ulan sa cabinet namin dahil nakaposisyon ito sa gilid ng bintana.
Kaya ayon, basa at wala akong choice kundi magpants! Kairita, hindi ako makakahanap ng gwapo rito. Hay, outfit na outfit pa naman ako.
Nagsimula na akong magluto ng agahan namin at pagkatapos ay inilagay ko sa misa saka tinakpan. Naghugas na rin ako ng kamay at bumalik na sa kwarto ko. Tinignan ko ang phone ko at wala na silang reply pagkatapos ng chat namin. Ngayon, minamadali ko na ang paghanda ko sa sarili ko kasi baka mahuli ako at manlibre sa kanila ni Vina at Ely! Takte, wala akong pera, dapat sila ang manlibre sa akin!
"Nay! Nakahanda na po lahat, kain na po kayo! Alis na ako!" Sigaw ko at binuksan ang pintoan namin.
"Sige! Layas!" Sigaw pabalik ni nanay at saka siniradohan ko na ang pinto.
Kahit ganyan lang si nanay ay mahal ko 'yan. Naging lasinggera lang naman kasi siya simula noong iniwan kami ng tatay ko. Bata pa ako noon nang maalala ko kung gaano magmakaawa si inay kay itay na huwag iwan at piliin kaming pamilya niya. Maliit pa lang si Terah noon, ang bunsong kong kapatid at ako ay anim na taong gulang pa lamang. Kaya grabe na lang masaktan si inay na mas pinili jo itay ang kabit niya kaysa sa amin. Magmula non ay itinagoyod niya kaming dalawa hanggang sa naging sampong taon gulang ako. Napagod siya siguro sa amin magkakapatid kasi siya lang mag-isang tumatagoyod, kaya noong nagka-isip isip na ako ay bigla siyang nagbago at itinatrabaho niya ako sa amo niya.
Mulat na ako sa reyalidad. Bata pa lang ako naghuhugas na ako ng plato at naglalaba ng kahit sinong labahan para lamang makakain kami sa pang-araw araw. Habang si nanay naman ay minsan na lang nagta-trabaho, at kung nagta-trabaho man ay ang perang nakukuha niya ay pinang-iinom niya at ipinangsusugal.
Pero kahit gano'n si inay, hindi ko pa rin magawa magalit sa kaniya. Oo, may mga panahon na pagod na pagod na ako noon at gusto ko lang talaga maglaro kasi bata pa ako, dapat naglalaro ako at hindi nagta-trabaho. Pero naisip ko, kung nahihirapan ako ay wala 'yon sa hirap na dinanas ng inay ko sa loob ng limang taon pagtataguyod niya sa amin na ultimong bra at panty ay hindi niya na magawang bilhin sarili niya dahil inuna niya kami. Dumating lang talaga ang oras na napagod na siya o baka naaalala niya si itay kaya nag rebelde.
Galit ako sa tatay ko. Sa kaniya ako galit dahil kung hindi niya kami iniwan, hindi kami maghihirap nang ganito. Mahirap pero hindi ganoon kahirap na dinanas namin dahil may katuwang si inay. Kaya kung sino man ang dapat sisihin ay 'yon 'yong itay ko. Tatay ko na sumama sa ibang babae.
"Magandang araw, Sorscha! Saan mamaya?" Tawag ng isang tambay sa kanto namin.
Itinaas ko kamay ko at pinakyuhan siya. "Gago! Mag face mask ka sobrang pangit mo!" Gigil kong sigaw at tumawa ang ilang mga bata rito sa iskwater.
Huminto ako sa tyangge kasi high way na dito at dito na dumadaan ang jeep.
"Sorscha!" Napalingon ako sa loob ng tindahan. Nakita ko si Aling Marites na nakatingin sa akin habang may tinapay sa kaniyang kamay.
"Po?" Sabat ko.
"Pakisabi sa nanay mo ang utang niyang tocino! Kelan siya magbabayad?" Inis na sabi ni Aling Marites.
Napakamot na lang ako ng ulo. Kaya pala ang sarap ng ulam namin kahapon, inutang na naman ni inay.
"Magkano po ba?"
"Dalawang daan!"
"Po?! Ang mahal naman ata no'n! Tatlong tocino lang laman no'n 'e, 'yong isa puro fats pa tapos ang dalawa ang ninipis pa! Pinaghatian pa nga namin 'yon 'e," kaagad na sabi ko kasi hindi ako makapaniwala na 200 'yon! Grabe naman! Scam ata 'to!
"May isa pa siyang utang! Alak niya! Sigarilyo at isang sardinas! 200 nga lang siningil ko 'e baka kung malaman mo gaano kahaba utang ng sugalera mong nanay e malulula ka!"
Ang basa ng bibig nito ah!
Inis kong kinuha ang wallet ko at nakita ang isang libo lamang ang laman. Nakuha ko pa 'to sa tip ng customer sa akin noong isang linggo.
Alinlangan pa akong kunin 'to dahil ito na lang pera ko at allowance sa buong buwan, pero kinuha ko pa rin at padabog na inilagay sa loob ng tindahan niya.
"Ayon ho ah! Sa susunod huwag na huwag mong pagsalitaan si inay ng ganyan, o baka gusto mo mawala ang respeto ko sa'yo ng tuluyan!" Sigaw ko at umalis.
Pasalamat talaga siya at kinikimkim ko lang 'tong inis ko. Baka kasi mapagsalitaan ko siya nang hindi maganda ay madedepress siya buong taon.
Tang inang buhay 'to.
Hindi na ako sumakay at pinili ko na lang maglakad pagkatapos makita na ilang barya na lang natira sa akin.
Saan na naman ako kukuha ng diskarte nito 'e sa sabado at linggo pa trabaho ko silent bar, at sa kataposan pa sahod ko doon. Buti sana kung may magbigay sa akin ulit ng tip 'e.
Huling sweldo at tip ko kasi ay binayad namin sa upa at mga ilang utang ni nanay, saka ang ilan naman ay napunta lang sa pangkain namin. Buti na lang talaga na high school pa lang si Terah, wala pa siyang bayad sa pag-aaral dahil Public school lang siya. Ako naman ay swerte akong nakapasa sa scholarship kaya wala talaga ako problema sa bayarin.
'Yon lang, ang pang-araw-araw lang talaga na gastos. Hay buhay.
Inayos ko ang tshirt ko at ni-one way shoulder bag ko lang ang backpack ko. Hindi na ako nagpolo kasi mukha akong mag mimisa sa sobrang pormal ko. Tshirt lang na inipit ko sa pants ko. Okay na 'tong simple at least alam ko na maganda ako. Madadala ko na lang sa mukha 'to.
Inis na inis talaga akong naglalakad sa ilalim ng kainitan. Argh!
Ang aga-aga!
"Pst! Hi, miss beautiful! Free ka mamaya?"
"Pakyo!" Kaagad na sita ko sa nagcat-called kaya gulat siyang natahimik. Gulat na gulat naman siya sa inakto ko. "Huwag kana huminga, masyado ng polluted ang mundo dagdagan mo pa ng baho mo!" Dagdag ko pa at mas minadali ang paglalakad.
Bwesit. Ampangit-pangit na nga nakuha pang mang-bwesit. Naiistress ako sa mga pangit na tao, lalo na 'yong mga bastos.
Lumiko ako at tatawid na sana kasi bigla akong napatalon sa gulat nang may bumisina sa akin nang napakalakas.
Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa muntikan na akong mabangga. Jusko naman! Kasalanan 'to ni Aling Marites 'e! Kung hindi niya sana ako binwesit, edi sana maganda pa ang mood ko ngayon at hindi ako lost!
Tinignan ko ang kotse at nagbigay daan saka nagbow.
"Pasensya na—-"
"Can you please watch your way? Gosh! Mas malala ka pa sa bulag!"
Napatingin ako sa babaeng nagsalita no'n. She was wearing black sunglasses and her hair was as wavy as the wave. Sobrang puti at kinis din ng balat nito na kung huhusgahan ko ay mula ito sa may kayang pamilya.
"You don't have to be mean, Stella. You almost hit her."
Tila biglang tinalo ng giraffe ang leeg ko dahil sa pag-angat ko nito. Omg, may gwapong boses na nagsalita! Where is he?
"Stop it, Blake. It's her fault."
"Are you okay there, miss? Are you hurt?" Tanong ng gwapong boses kaya medyo lumapit na ako para makita siya.
Nanlaki mga mata ko at halos hindi ko na masara bibig ko dahil sa nakita ko. Holy shet mani popcorn!
Siya! Siya 'yong lalaking initidan ko ng wine at hinampasan ng tray kasi akala ko manyak siya ang humawak ng pwet ko, pero hindi pala sabi ni Japoy bakla! Napapakit na lang ako nang maalala ko ang gabing 'yon.
"Miss, can I have a ball balvenie 30 year old single malt scotch whisky?" He asked with his deep voice.
I desperately nodded my head after then went back to the bar counter. Bago pa ako umorder ay tinignan ko muna siya.
Kakarating niya lang at basang-basa pa ulo nito na nagmumukhang fresh siya rito sa lagay na 'yan, habang naka black unbuttoned polo siya na kita ang matikas niyang katawan. Hindi rin nagpakabog ang mamahalin niyang relo saka belt sa short niyang leather. Tinignan ko rin ang mapupula niyang labi na kung iisipin mo ay masarap itong pagdikitan ng labi... ay bwesit mali!
I shook my head.
I am getting worse. This has to stop. Tinignan ko si Japoy na bartender at maraming babaeng umaaligid sa kaniya dahil nga medyo kagwapohan siya at may pa laro-laro pa siyang nalalaman sa bote niya. Natatawa na lang ako kung paano niya sinasakayan ang mga babae, e alam ko naman na diring-diri na siya deep inside. Vaklang 'to.
Nang natapos na siya ay tumungo naman siya sa akin at ipinakita ang usual niyang expression na nandidiri.
"Parang bet na bet ah?" Asar ko.
"Gaga ka! Tinitiis ko na lang 'to!" Tumawa kaming dalawa.
"O siya! Isang ball balvenie raw sa pogi!" Bulong ko na naninisay pa sa kilig.
"Saan?" Natawa ako kasi interesado rin ang baklang 'to.
Itinuro ko sa kaniya at patago kaming nagtilian. Pagkatapos ay binigyan niya na ako kaya naman ay inihatid ko na kay pogi.
"Here's your drink sir," malandi kong wika na nakangiti pero kinuha lang niya ang glass wine nang hindi man lang ako pinansin. Napangiwi ako at napatingin kay Japoy.
Mukhang disappointed din siya kaya nagsimula na akong maglakad palayo sa kaniya. Pero bago pa ako nakakalayo ay may biglang humampas sa pwet ko. At dahil nga medyo magugulatin ako ay naihampas ko rin sa kaniya pabalik ang tray.
Nanlalaki mga mata namin ni Japoy dahil sa ginawa ko. Habang siya naman ay napahawak lang sa ulo niya at dahan-dahan tumingin sa akin nang masama.
"The f**k?!" He groaned.
"What the f**k, too!" I responded. Tangina niya ah! Pogi sana siya kasi napakabastos!
"What did you do?!" Now, he stood up. Aba nag maang-maangan pa ang hinayupak!
Magsasalita sana ulit ako kaso naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Japoy, gusto ko man siya sana tabigin ay binulongan niya ako kaagad.
"Gaga, hindi siya ang humawak sa pwet mo, kakahiya ka!" Nanlaki mga mata kong tumingin sa pogi.
Kung kanina ay inis na inis ako sa kaniya ay ngayon naman ay parang gusto ko nang lamunin ng lupa dahil sa kakahiyan na ginawa ko. Oh my gad, sabi na nga pogi talaga siya 'e at hindi bastos!
"Ah, eh. May langaw. Sorry, sorry po!" Ani ko saka tumakbo palabas.
Buti na lang talaga mabilis si Japoy na pagsabihan ako kung hindi ay nakagawa na ako ng eksena at nagsagutan na kami. Mukhang mayaman pa naman siya kaya ayaw ko talaga ng gulo baka ipakulong niya ako.
"Hello, miss! Are you hurt? Gosh! You looked not! Geez. You are wasting our time, let's go kuyang driver! Baka mascam pa tayo nitong poor cheap woman. Modus yata pagpapabangga niya 'e para bigyan siyang pera!"
Biglang nagvibrate tenga ko sa sinabi niya.
"Excuse me?! For your information, hindi ako scammer! Check mo 'yang bunganga mo ah, kung ano pinagsasabi baka masupalpal kita!" Sigaw ko dahil sa inis.
Mukhang gulat at takot siya sa akin kasi umiwas siya at kinalabit ang lalaki. Nadako ang tingin ko sa lalaking pamilyar sa akin. Pero ngayon ay nakataas na ang sunglasses nito at kunot na kunot na ang noong nakatingin sa akin.
"Wait, you looked familiar," sabi nito.
Napatigil ako.
Shocks.
Baka maalala niya atraso ko sa kaniya.
Ngumiti ako ng peke sa kaniya at bago niya pa ako tuluyan makilala ay tumakbo na ako nang napakabilis!
Hindi pa ako nakalayo ay sumigaw siya na siyang ikinatakot ng buong sistema ko.
"The girl from the bar!!!!!"