The reason of his revenge
CHAPTER FIVE
.......................FLASHBACK 7 years ago
phone conversation
"I TRUST YOU KHAL, ILIGTAS MO ANG MAG INA KO PATI NA RIN ANG MGA MAGULANG KO. IM ON MY WAY, GIVE ME 1 HOUR. I DONT KNOW KUNG PAANO NYA NALAMAN ANG LAHAT. IT'S EITHER NATUNUGAN NIYA AKO OR MAY MOLE SA ATIN. PUTANG INA KHAL HINDI KO MAPAPATAWAD ANG SARILI KO KAPAG MAY NANGYARI SA PAMILYA KO... KAYA PLEASE HELP THEM... IKAW LANG ANG INAASAHAN KO."
" FORD, KAHIT HINDI MO SABIHIN YAN SA AKIN... GAGAWIN KO ANG LAHAT MAILIGTAS KO LANG SILA... MALAPIT NA KAMI SA BAHAY NIYO SA LUCENA... CALM DOWN AT BAKA KUNG MAPAANO KA... I THINK MAY MOLE SA ATING AGENCY... AND IM GOING TO FIND THAT BASTARD!!! MAG IINGAT KA ... "
" I WILL... I TRUST YOU KHAL..
CRAWFORD MOLINA IS MY BEST FRIEND SINCE ELEMENTARY GRADE, SANGGANG DIKIT KAMI NYAN, KAHIT ANONG MANGYARI HINDI KAMI NAGHIHIWALAY KAYA KAHIT NUNG COLLEGE SABAY KAMING NAGPUNTA SA AMERIKA PARA DOON TAPUSIN ANG PAGIGING SEAL NAMIN. FIELD AGENT SIYA DAHIL GUSTO NIYA YUNG TIPONG NAKIKIPAGHABULAN KAY KAMATAYAN... ADVENTUROUS EH.. NAGBAGO LANG SIYA NG MAGING ASAWA NIYA SI BRENDA ISANG AGENT DIN SA AGENCY NA ITINAYO KO DITO SA PILIPINAS. NAGKAGUSTUHAN SILA NUNG MAGSAMA SILA SA ISANG MISSION SA BATAAN.. HANGGANG SA NAGPAKASAL SILA.. LAST NA ASSIGNMENT NI FORD ANG MISSION NIYA KAY LACHLAN SEGOVIA PERO MUKHANG NATUNUGAN OR MAY NAGTIMBRE SA KANYA NA MINAMANMANAN NAMIN SIYA.
Tatlong sasakyan ang nakasunod sa akin, kapwa mga agents sila. Halos sabay sabay kaming bumaba ng sasakyan. Humarap ako sa kanila at nag utos.
" EAGLE ONE , SEARCH THE VICINITY... WALA KAYONG PALALAMPASIN LAHAT TINGNAN NIYO."
" ALPHA TWO, PALIGIRAN NIYO ANG BUONG BAHAY, MAG IINGAT KAYO KILALA SI SEGOVIA SA PAGGAWA NG BOMBA."
" MCKINLEY 4, MAG LAGAY KAYO NG CHECKPOINT SA KALSADA AT HARANGIN NIYO ANG LAHAT NG DADAAN NA SASAKYAN, MAHIRAP NA BAKA MAKATAKAS PA SILA.
" MOVE ALL OF YOU" malakas na sigaw ko sa kanila .
Nang maghiwa hiwalay na sila para gawin ang utos ko sa kanila. Humarap ako sa mga kasama ko na sina JIGS,BRAD,TEN,KYLE,GREG AND BENDICT.
" FOLLOW ME.. MAG IINGAT KAYO... MATINIK ANG SEGOVIA NA YON AT NAKASALALAY SA ATIN ANG BUHAY NG PAMILYA NI FORD.. NOW GUSTO KO TALASAN NIYO ANG MGA PAKIRAMDAM AT MATA NIYO, DAHIL IBANG KLASENG MAGLARO SI SEGOVIA."
Nang masiguro kong naintindihan nila ang mga inutos ko dahan dahan akong naglakad papasok sa loob ng kabahayan ng mga MOLINA. Masyadong tahimik, tumingin ako sa likod ko at sinenyasan ko sina JIGS AT TEN na ikutin ang buong sala. Samantalang pinasunod ko sa akin si GREG at BRAD, Naiwan sa porch sina KYLE AT BENEDICT. Dahan dahan kaming naglalakad paakyat sa second floor ng bahay nakalabas ang baril namin para kung sakaling may kalaban hindi nila kami mauunahan. Nakarinig ako ng ungol sa isang silid na malapit sa hagdanan.. doon ako unang pumunta, idinikit ko ang tainga ko doon sa pintuan para makinig doon kung may ibang tao sa loob bukod doon sa narining kong umungol. Nang matiyak kong walang tao bukod doon, sumenyas ako kay KYLE AT BENEDICT na sundan ako. Binuksan ko ang pintuan ng dahan dahan... at halos magulat ako ng tumambad sa akin ang loob ng kwarto. May tatlong upuan at nakaupo sina BRENDA at ang mga MAGULANG NI FORD doon. May tape ang mga bibig nila kaya hindi sila makapag salita. Nakatali rin ang mga kamay at paa nila kaya hindi rin sila makakilos at ang lalong nakapagpakaba sa akin ay ANG BOMBANG nakadikit sa TIYAN NI BRENDA kung saan halatang halata na ang tyan niya dahil buntis ito, 6 months na... Konektado silang lahat.. pero na kay BRENDA ANG MAIN SWITCH NG BOMB... Kinakabahan ako... I AM A BOMB EXPERT, SPECIALTY KO YUN at hindi ordinaryong BOMBA ANG GINAWA NI SEGOVIA... KOMPLIKADO ONE WRONG MOVE AT PWEDENG SUMABOG KAMING LAHAT DITO...
Huminga ako ng malalim, hindi ako pwedeng magpakita ng kaba dahil mas malalong matatakot sina BRENDA. Tinanggal ko ang pagkakatape ng bibig ni BRENDA. Ganun din ang ginawa nila KYLE at BENEDICT sa mga magulang ni FORD.
" KHAL... NA ACTIVATE ANG SWITCH NG BOMB ng pumasok kayo dito sa loob ng kwarto... PLEASE... NAGTITIWALA AKO SAYO... GUSTO KO PANG MABUHAY KASAMA ANG ANAK KO.... 60 seconds... yung lang ang TIME LIMIT.." umiiyak na sabi niya sa akin.
" DEEP BREATH.. IPIKIT MO LANG ANG MGA MATA MO... AKO ANG BAHALA.. " matatag na pagkakasabi ko sa kanya. Humarap ako kayna TITO AT TITA... kitang kita ko ang takot nila para sa buhay nila.. tumango ako sa kanila para mapanatag ang loob nila... I CAN DO THIS... I NEED TO DO THIS... KAYA KO ITO... MAILILIGTAS KO SILA...
Tiningnan ko ang bomba na nasa tyan ni BRENDA. 40 seconds remaining.. 6 f*****g wires... dalawa lang ang pwede kong putulin one wrong move at mamamatay kaming lahat dito... tumutulo na ang pawis ko...
lubdub....lubdub...lubdub...
" CLOSE YOUR EYES... ALL OF YOU..." sabi ko sa kanilang lahat.. Iniabot sa akin ni BENEDICT ang pamputol ng wire para sa bomba.. kitang kita ko sa kanila na kinakabahan sila... kahit ako... humihikbi na si TITA dahil sa takot na nararamdaman niya.
" 20 seconds remaining..."
tiktok...tiktok...tiktok..tiktok...
yellow...red...blue....orange...black...white...
Aral ko kung ano ang unang dapat putulin... hinawakan ko yung first wire... its... red...
"click" putol ko sa red wire..
Napahinga ako ng malalim at napatingin ako kay BRENDA... pati na rin dun sa oras..
"10 seconds"
What to do ? blue or black?.....ipinikit ko ang mga mata ko... ONE WRONG MOVE... AT MAMATAY KAMING LAHAT DITO... tumingin ako sa bomba na nasa tyan ni BRENDA..
tiktok...tiktok...tiktok...tiktok..
5
4
3
"click".... pinutol ko yung black wire.... one last choice..
Pinakiramdaman ko ang sarili ko at nagmulat ako ng mga mata... napatingin ako sa tyan ni BRENDA... tumigil ang oras... 2 f*****g seconds... halos manghina ako at mapaupo ako sa sahig sa sobrang relief na nararamdaman ko... Nagulat ako ng may mga brasong yumakap sa akin ng mahigpit... si TITA LILY... nakalag na pala ang pagkakatali nilang lahat ng makita ko sila..
" THANK YOU... FOR SAVING ALL OF US, HINDI KO ALAM KUNG PAANO KA NAMIN PASASALAMATAN KHAL... THANK YOU.." umiiyak na sabi sa akin ni TITA. Ng bumitaw siya sa akin hinalikan ako sa pisngi ni BRENDA... at kitang kita ko ang sobrang relief niya sa mga pangyayari.. " UTANG KO SAYO ANG BUHAY KO PATI ANG BUHAY NG ANAK KO.." mahinang pagkakasabi niya sa akin.
" NO YOU DONT OWE ME... I DID THAT DAHIL MAHAL NA MAHAL KO KAYONG LAHAT... WERE FAMILY.. " marahang sabi ko sa kanya.
Sobrang relief ang nararamdaman ko ngayon.. Pakiramdam ko tumakbo ako ng malayo dahil sa malakas ng pagkabog ng puso ko.. Muntikan na kami.. Hindi ko alam ang gagawin ko kung napahamak sila.. Inutusan ko sina KYLE AT BENEDICT na bumaba na sila at ihanda ang sasakyan dahil sa SAFEHOUSE namin itutuloy sina BRENDA, doon mas safe sila, ngayong alam na ni SEGOVIA ang lahat... tiyak na nasa panganib na sila ngayon..kung hindi kami mag iingat.
Nasa labas na kaming lahat pati yung ibang agent nakakalat sa loob ng bakuran ng mga MOLINA.
" BRENDA SA SAFEHOUSE ANG TULOY NIYO, DOON MUNA KAYO PANSAMANTALA PARA SA KALIGTASAN NIYONG LAHAT. AND DONT WORRY ABOUT FORD, OK LANG SIYA ON THE WAY NA SIYA.. KASAMA KO SIYANG SUSUNOD SA INYO, SINA KYLE AT BENEDICT ANG MAGHAHATID SA INYO AT SUSUNOD SA INYO ANG EAGLE ONE FOR SECURITY... DONT WORRY OK.. AKO NA ANG BAHALA SA LAHAT.." ngumiti at tumango lang siya sa akin bilang pagsang ayon.
Naunang sumakay sina TITO AT TITA ngumiti pa sila sa akin bago pumasok sa sasakyan ko. Sumunod si BRENDA, hinalikan ko pa siya sa noo bilang pamamaalam . Nasa loob na ng sasakyan sina BENEDICT. Si KYLE ang driver.. Nag start ang sasakyan... hindi ko alam kung anong nangyari ng tumalikod ako at makalayo ako ng ilang dipa dahil biglang......
booooooooooooooooooooommmmmmmmmmmmm
Halos tumalsik ako sa lakas ng impact ng pagsabog.... pagsabog... ng sasakyan ... kung saan nakasakay sina BRENDA...
Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng makita ko ang apoy ... at halos sirang sira ang sasakyan ko dahil sa pagsabog wala na ng pinakataas na bahagi ng sasakyan at... hindi na rin namin makikita ang lahat ng tao sa sasakyan... Tulala akong nakatingin doon habang ang ibang agent ko nagkakagulo dahil sa mga nangyari... Lumapit sa akin si JIGS AT BRAD.. may inabot sila sa akin.. puting towel... hindi ko iyon inabot... nagulat ako ng idampi nila iyon sa noo ko na may sugat at dumudugo ito...
SI BRENDA.....
YUNG BABY....
SI TITO....
SI TITA.....
Lahat sila namatay... nailigtas ko sila sa loob ng bahay pero dito... wala akong nagawa... sumabog ang sasakyan.... paano?....paano nangyari yun?....sino?.... sino ang may gawa noon?.... PUTANG INA LANG PAPATAYIN KO KUNG SINO ANG TRAYDOR SA LOOB NG AGENCY KO!!!! PAANO KO SASABIHIN KAY FORD ANG KATOTOHANAN NA NAMATAY SILA DAHIL..... SA PAGKAKAMALI AT DAHIL SA TRAYDOR NA YON!!! IPINAGKATIWALA NIYA SA AKIN ANG KALIGTASAN NG BUO NIYANG PAMILYA PERO.... BINIGO KO SIYA.... BINIGO KO....SIYA....
"SINO ANG HULING TAONG LUMAPIT SA SASAKYAN KO ? SAGUTIN NIYO AKO!!!! SINO!!!! IMPOSIBLENG NANDYAN YAN KANINA... MALAMANG NILAGAY NIYA YAN DYAN NUNG MAKAPASOK TAYO SA LOOB!!! SINO ANG HULING TAO?!!! " sigaw na ko sa kanilang lahat.
" FRANK....SI FRANK ANG NAKITA KONG KANINA DYAN... NA LUMABAS.." kunot noong sabi sa akin ni JIGS...
" HANAPIN NIYO SIYA.... AT DALHIN NIYO SA AKIN!!! PAPATAYIN KO SIYA DAHIL SA GINAWA NIYANG ITO!!! MAGBABAYAD SIYA SA AKIN!!!"
Hindi ko alam kung anong nangyari... pero may biglang humawak sa leeg ko ng mahigpit.. to the point na hindi ako makahinga... Pilit ko iyong tinatanggal pero malakas siya at matibay... Pilit siyang pinipigilan nila JIGS at BRAD pero para siyang bato na hindi matinag.. Tiningnan ko siya at... si FORD, galit na galit at walang tigil ang pagpatak ng luha niya..
" f**k YOU KHAL!!!! IPINAGKATIWALA KO SAYO ANG BUO KONG PAMILYA PERO .... HINDI MO SILA NAILIGTAS!!! PINAGKATIWALAAN KITA TAPOS ETO!!! PINATAY MO ANG ASAWA AT ANAK KO PATI ANG MGA MAGULANG KO!!! PINATAY MO!!! SIMPLENG PAKIUSAP LANG HINDI MO PA AKO NAPAG BIGYAN!!! ANG ASAWA AT ANAK KO... WALA NA.... WALA....NA SILA DAHIL SAYO!!!! PINATAY MO SILA!!! IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG ITO!!! IKAW LANG ANG DAPAT SISISIHIN!!!" malakas na sigaw niya. Pasalya niya akong binitawan. At halos habulin ko ang hininga ko dahil sa pagkakasakal niya sa akin.
" HIN....HIN...HINDI KO ALAM NA MAY BOMBA SA SASAKYAN KO FORD... HINDI KO ALAM... SI FRANK... SI FRANK ANG NAGLAGAY NOON AT SIYA NG MOLE SA AGENCY... HINDI KO GINUSTONG MANGYARI ITO FORD... HINDI KO ITO GINUSTO... KUNG ALAM MO LANG KUNG ANONG NARARAMDAMAN KO...NGAYON.... HINDING HINDI MO MASASABI YAN.."
Nagulat ako ng bunutin niya ang baril na nasa kabilang side ni JIGS at itinutok sa akin... sa ulo ko..
" KASALANAN MO PA RIN ANG LAHAT... SOP DAPAT NA I CHECK ANG LAHAT SA CRIME SCENE PERO NAGPABAYA KA!!! IKAW ANG DAPAT SISISIHIN KAYA WAG MONG ISISI ANG KAPALPAKAN MO!!! AKALA KO KAIBIGAN KITA.... HALOS MAGKAPATID NA ANG TURINGAN NATIN PERO... SINIRA MO ANG LAHAT .... SINIRA MO!!! WALA KANG KWENTA... MAKOKONSENSYA KA DAHIL SA BUHAY NA NAWALA SA AKIN!!! " galit na galit na sigaw niya sa akin habang nakatutok ang baril. Kinakabahan ang mga agent na nakapalibot sa amin. Pero walang pakialam si FORD.
Lumapit ako sa kanya... hanggang sa nakadikit na ang dulo ng baril niya sa noo ko.. " DO IT... SHOOT ME. PATAYIN MO AKO KUNG IYAN ANG IKALULUWAG NG DIBDIB MO!!!! IPUTOK MO AT HINDING HINDI KITA PIPIGILAN!!! IPUTOK MO KUNG ALAM MO SA SARILI MONG KASALANAN KO ANG LAHAT!! IPUTOK MO FORD!!!" ganting sigaw ko sa kanya.. Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata ni JIGS AT BRAD sa mga sinabi ko..
Nakatingin lang siya sa akin... itinaas niya ang baril sa ulunan niya at doon niya ipinutok.
bang....
bang....
bang....
tatlong beses.. pero sa itaas niya pinaputok.. and then tumingin siya sa akin... ng walang emosyon... yung tipong ang lamig lamig .... kahit tumutulo ang mga luha niya sa pisngi niya...
" HINDI MUNA KITA PAPATAYIN... IHUHULI KITA... TANDAAN MO ITO... BUHAY ANG NAWALA SA AKIN KAYA BUHAY DIN ANG KUKUNIN KO SAYO!!! NAMATAY ANG PAMILYA KO... SI BRENDA, ANG ANAK KO, SI MAMA AT SI PAPA... PWES... PAPATAYIN KO RIN ANG SAYO!!! PAPATAYIN KO SILA PARA PATAS TAYO!!! KAYA KUNG AKO SAYO, MAGSISIMULA NA AKONG MAGDASAL AT MAG INGAT... DAHIL IISA ISAHIN KO ANG BUONG PAMILYA MO!!! IKAW ANG IHUHULI KO PARA MARAMDAMAN KO GAANO KASAKIT ANG MAWALAN NG MAHAL SA BUHAY!!!... IHUHULI KITA KAYA HINDI MUNA KITA PAPATAYIN... MAGBABAYAD KA!!! KALIMUTAN MONG MAGKAKILALA TAYO!!! DAHIL... MAGIGING KALABAN MO AKO!!! I AM GOING TO BE YOUR WORST NIGHTMARE... FUENTABELLA..." puno ng galit na pagkakasabi niya sa akin... and then inihagis niya yung baril kay JIGS at nasalo naman nito iyon at tuluy tuloy siyang umalis gamit ang sasakyan niya... paalis sa buhay naming lahat...
thats the last time WE SAW HIM... CRAWFORD MOLINA...
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa banta na binitawan ni FORD.. akala ko dahil lang sa sobrang galit kaya niya nasabi iyon... pero maling mali ang AKALA KO... DAHIL... PINATAY NIYA RIN ANG BUONG PAMILYA KO... KASAMA NG PAGPATAY NIYA SA BUONG PAGKATAO KO...