Hindi ako na nagkamali si Xian yon may kasamang babae at mukhang hinatid nya lang dito sa airport.Maganda yong babae simple lang at mukhang mas bata pa sa kanya.Agad akong nakasakay ng taxi baka makita pa niya ako.Hindi ko naiwasang umiyak sa loob ng sasakyan."maam ok lang po kayo?"A,o..opo kuya."Naku ang hirap talaga malayo sa asawa maam,saan po punta nya?Wala po akong asawa manong,yong bestfriends ko po hinatid ko babalik na sa Maynila."Ah,saan kayo sa Maynila maam?"Sa Makati po sila,relatives ko sa Pasay."Magkababayan pala tayo maam,pasay din ako sa Malibay."Ganun po ba?"
Kinakausap ko nalang si Manong para hindi ako mabored at tagalog naman pero ang kulay ng buhok talo pa mga foreigner."Maam matagal na kayo dito?"Opo manong nurse ang mom ko dito sa toronto at ako naman kakatapos lang din mag aral."Buti pa kayo maam,ako 1 year palang dito sa kompanya ng mga taxi pero ok naman sahod,teacher ako sa atin nagsa sideline minsan.Di nabalitaan nyo yong news noong karaang buwan maam?mga 6 months na ata,na pinoy ninakawan ang kapwa pinoy ng 50M?"Hindi po e internship kasi ako noon sa hospital."Ah,nurse din kayo maam?"Doctor po."Wow,galing naman ang bata nyo pang doktora."Salamat po,manong bakit daw po ninakawan ang pinoy na yon?"Ang alam ko maam parang uuwe na ata ng Pilipinas yong nagnakaw e nag invest daw sa hotel doon sa atin,tapos itong boss ino obserbahan na daw niya ito noon pa.Matagal niya na daw manager ito e,kaso masugal daw kaya lagi natatalo din."Kakalungkot naman kung ganun,mabuti hindi siya pinakulong ng boss."Mabait naman yong boss kasi Pilipino,si..sino nga ba yon?"Basta may anak anakan siyang Zyreds e."Po?"Opo,sa California din sila nakatira pati yong nagnakaw,Oo tama don Ariel Fortalejo ang boss na ninakawan.Kagagaling nga lang daw ito sa amnesia e dahil sa aksidente dati na barking nalunod.Mabuti nakaligtas ito at nahanap na yata ang matagal nya ng hinahanap na pamilya."Manong totoo po ba yang sinasabi nyo?"Si maam naman ano akala mo sa akin gumagawa ng kwento?wait lang parang may dyaryo pa ako na naitabi e.Ito maam basahin nyo nandyan din yong pangalan ng nagnakaw.Kawawa nga ang anak na doktor kasi siya nag nagbabayad ng utang ng ama.
Agad kong kunuha ang dyaryo kay manong at binasa ito si daddy nga abg ninakawan at ama ni Xian ang nagnakaw.Kaya siguro hindi na ito nagpaparamdam sa akin,pero hindi pa naman niya alam na ako ang anak ah.O dahil busy at namumroblema siya.Hindi kaya..pamilya niya yong kausap niya kanina at umuwe na sila sa pilipinas?"Kilala mo sila maam?"Opo manong ang anak ng nagnakaw ay..ay instructor ko noong 1st year college ako."Small world talaga ano?"Ang masaklap ay ama ko pa ang ninakawan ng ama niya."Bakit ka umiiyak maam,naku ama mo pala si Don Ariel,ang bait niya at hindi niya pinakulong ang ama ng instructor mo."Bo..boyfriend ko din po itong doctor na ito ngayon na naging instructor ko."Naku,problema yan maam..Alam ba niya na anak ka ng ninakawan ng ama niya?"Hindi pa nga po kami nag uusap e,hindi pa kami nag kikita siguro mga 4 years na din."Magboyfriend tapos hindi nagkikita ibaig sabihin estudyante ka palang boyfriend mo na siya?"Doctor na siya noon ako estudyante na dito sa canada."Pag usapan nyo yan maam habang maaga pa,hirap pa naman pagmahal na mahal mo yang tao."Thank you manong,dito na po ako."Sige maam,nice to meet you po.
Mabait naman yong driver na yon kahit sobrang daldal.Agad kong tinawagan si Zyreds at tinanong tungkol dito.Pero nakauwe na din pala ito sa Pilipinas.Doon nalang daw kami mag uusap,saktong dumating si daddy at sinalubong ko ito ng yakap.Ngayon ko na realize na kaawa awa ang ama ko namatay ang lola at lolo ko ng hindi niya alam dahil sa nagyari sa kanya at iniwan sa kanya lahat ng ari arian nilang iniwan."Yes iha?"Dad sorry sa mga inasal ko noong nakaraang araw."Its okay iha,naintindihan ko kahit ako man sa kalagayan mo.Saan si mommy mo?"Nasa taas po nag aayos ng mga gamit,uuwe kami ng Pilipinas dad.Kayo hindi ba kayo sasama?"I have something to do here,alam ma ni Zyreds yon,kaya kayo nalang.Puntahan ko muna nag mommy mo dahil may mahalaga akong ibabalita sa kanya."Ok dad akyatin nyo nalang po sa taas.
"Ah dad,may itatanong sana ako."About what?"Ahm,sige next time nalang po."
Gusto ko itanong sa kanya ang lahat na nagyari sa kanya at sa ama ni Xian,sana maayos ang lahat ng ito at hindi magkaproblema.
----
"Lito ang pinapagawa ko sainyo,pakiman manan si Ariel Fortalejo at iyang Irish Fortalejo gusto kong alamin kung nagkikita pa ba ang dalawang iyan without my permission."Ok po maam Claudia."Gusto konding alamin mo kung saan magtatrabho iyang anak nilang si Andriana Fortalejo dahil hindi ako makakapayag na babalik sa kanila ang asawa ko."Ah maam,kasal na ba kayo ni don Ariel?"Hindi pa pero malapit na."Ah ok po maam,asawa na pala ang tawag kahit hindi pa kasal."May sinasabi ka?"Ah wala ho baka iba po pagkaintindi ninyo."Kumilos na kayo!ibibigay ko ang bayad nyo bukas na bukas.Siguraduhin mong walang makakaalam sa mga pinagawa ko sainyo ha.Lalo na kay Zyreds."Opo maam,masusunod po.
------
"Irish,naayos ko na ang lahat na lilipatan ninyo ni Andriana,nakabili na ako ng bahay sa Los Angeles.Gusto ko doon na muna kayo."Pero Ariel mapalayo tayo anak natin,sa California ang unang trabaho nya."She can apply there,madaming hospital din doon."Ikaw na ang kakausap sa kanya regarding this matter Irish alam kong sinusunod ka ka agad bg anak ko.Hindi siya mahirapan maghanap ng trabaho dahil magaling ang anak natin."Dad bakit?"Iha kanina kapa ba diyan?"Yes mom ang i heard everything."Gusto ko muna kayong ilayo kay Claudia nalaman kong may binabalak siya."But dad this is our home,pinaghirapan ito ni mommy."I know,pero hindi natin kilala pareho si Claudia,alam kong mabait siya pero may itinatago din itong kakaiba.Gusto ko lang kayong protektahan."Then lets face it dad,handa naman akong harapin siya kung ano ang balak niya.
Naging matapang na ako sa kung ano ang pinagdaanan namin ni mommy,at nagulat naman si daddy sa mga sagot ko.Madami pa kaming pag usapan sa mga nagyayari sa buhay niya.Walang anu-ano ay may tao sa labas at boses ni Xian yon..Pinuntahan niya ako?Makikita niya si daddy.Mangyayari na ang dapat mangyayari...