Pagkatapos ng Jamming ay umuwe na ako.Nag enjoy naman kaming apat.Hinatid ako ni Zydres dito sa apartment.Bukas pupunta dito si kuya Art upang tutulungan ako sa ibang gamit ko dalhin sa bahay nila.Handa na din ang mga papers ko papuntang Canada.
"Andrea ano ba!ang tagal mo naman buksan ang pinto hindi mo pa sinasagot phone mo."Sorry kuya napasarap sa tulog."Maayos na ba yang mga gamit mo?"Oo wala naman akong gaanong gamit e,saka sa laptop naman ako nanonood kaya kahit tv wala ako."Sakay na sa kotse ako na bahala magbuhat."
Lulan ng kotse ni kuya Art ay kampante akong pumikit ng bigla itong magsalita."Andrea 'wag ka makalimot kung andun kana sa Canada ha."Baka mamaya hindi mo na kami maalala."Oo naman kuya noh.Kumusta pala trabaho mo?"Ok naman at masaya kahit paano nakatulong na kina daddy."Happy for you Kuya.Galing naman may trabaho na may lovelife pa."Ah,pagdating sa lovelife malas yata ako."Huh?paano malas e ang ganda ganda ng girlfriend mo."Break na kami ni Aiza.."Bakit,ano nangyari?"Wala e,nalaman ko dalawa pala kaming boyfriend niya,pero ok na din yon kahit paano maaga kong nalaman."Don't worry kuya Art,madami pa naman d'yan malay mo hindi pa talaga panahon na mag asawa ka.Saka 26 ka palang, madami magaganda dyan sa paligid.Sa trabaho mo o saang sulok dito sa Maynila."Ikaw talaga nag umpisa na naman yang kadaldalan mo.S'ya andito na tayo sa bahay nakaready na yong kwarto mo."Salamat,sila tito at tita?"Andyan si mommy sa loob,si daddy nasa office na.
"Andrea nandito kana pala,hali ka dito iha,ready na ang lunch."Thank you po."Art sumunod ka nalang anak kakain na tayo."Alam mo iha ang galing mo makakapunta kana ng Canada at doon ka pa mag aaral.Kaso sayang ang galing mo sa school diba deans list ka palagi?"ok lang yon tita,saka gusto din ni mom na may kasama siya sa bahay doon."Mabuti at nakabili agad ng bahay ang mommy mo doon."Opo para daw pagdating ko doon may bahay na kami."Swerte naman kasi ng mommy mo sayo,gastosnlabg niya pabg allowance mo lang walang binabayaran sa school."Swerte din naman kayo kay kuya Art tita,may regular job na sya ngayon at nakakatulong na."Mukhang busy kayo ah,kain na tayo."Art,ang tanda tanda mo na kailangan pang i remind e ano!"Opo maghugas na po ng kamay.Si mommy talaga oh!
Natawa nalang ako sa mag ina.Mabuti nalang ay mabait na ang asawa ng tito ko."Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa kwarto ko dito sa bahay ng tito ko."Andrea iha maistorbo kita saglit."Yes po tita?"Iha may 10,000 ka ba dyan baka pwede mahiram muna pandagdag lang sa babayaran ko."Ah opo wait lang."Mabuti nalang kakapadala ni mommy ng pang allowance ko na 20,000 a month ay may ibigay ako dito.Hindi parin pala nagbago mukhang pera parin."Ito po tita,saan nyo po gagamitin?"Na short ako sa bigay ni tito mo eh,ibabayad ko lang sa kumare ko nahiraman ko kahapon.Ibabalik ko din ito pag nakasahod na si Art."Ok lang tita sayo na 'yan."Naku salamat iha ang bait mo talaga.
Humiga na ako ng busy ang gc may mga pinagtsismisan nanaman ata ang mga kaibigan ko.Nagback read ako ang dami na pala.
"ALAM NYO BA NAKITA KO SI AIZA,HINDI NAMAN ANG PINSAN NI ANDREA ANG KASAMA ANG SWEET PA NG DALAWA SA MALL."
"AKO DIN MAY BALITA AR GUESS WHAT!"
ANO?
"KITANG KITA KO NA PUMUNTA DITO SI PROF XIAN KANINA...ANG GWAPO GWAPO N'YA......
Si prof?bumalik?
Nagreply ako agad ng nabasa ko ito.Pero sa messenger na ni Irene,kaklase ko siya sa medisina at naging close ko din naman.
"Irene totoo ba na pumunta dyan si prof?"Oo kaso umalis din agad e mukha ngang malungkot.Ah,bakit pala wala ka may meeting tayo diba?"Naasikaso ko na kasi ang transfer credentials ko d'yan si dean nalang mag follow up ng kulang sa schoolarship ko mailipat sa Toronto University sa Canada."Wow!galing naman.Sige Andrea ha,magmemeting na kaming mga Schoolar,ingat ka doon."Salamat!
Bakit kaya bumalik si prof.baka may inaayos lang."4 years na pala na hindi kami nagkikita kumusta na kaya s'ya?
Xian Pov
Maaga akong umalis ng condo para puntahan sa apartment niya si Andrea pero wala na daw siya doon sabi ng land lady niya.Hindi ko naman alam ang bahay ng tito niya sa Pasay.Pinuntahan ko siya sa school baka sakali nandoon pa siya kahit bakasyon na.At nabalitaan ko sa Dean na lilipat na daw ito ng Canada sa pasukan baka nga daw nakaalis na dahil aayusin pa ang paglipat niya doon sa Toronto University.Nakakalungkot lang dahil tuwang tuwa ako ng papunta dito sa Pilipinas dahil makikita ko na s'ya.Talagang pinaglayo na kami ng tadhana.Bumalik ako ng Condo at inayos ang mga gamit ko dahil 1 week lang naman ang bakasyon ko sa hospital na pinag trabahuan ko sa California."Naisip kong puntahan nalang siya sa Canada pag makapag leave ulit sa trabaho.
Andrea Pov
Palapit ng palapit ang araw ng pag alis ko,3 days nalang ay nasa Canada na ako.Nakakamiss naman ang mga kaibigan ko dito sana magkita kami ni prof bagonako umalis.Tinawagan ko si Rain magpapasama ako sa mall para mamili ng dalhin sa Canada.Mabuti at pumayag din dahil bored na din daw siya sa bahay nila.Sa mall nalang daw kami magkita dahil malapit lang ako sa moa at siya sa makati pa galing.
"Andrea anu may nabili kana?"Oo tagal mo ha."Trapik kasi saka si Alex ayon oh,sumama talaga."May body guard ka parin."Oy rinig ko yon."Alam ko Alex kaya nilakasan ko para marinig mo.Nagtawanan nalang ang magjowa."Kailan ba kasal nyong dalawa ha,tagal nyo na bakit hindi pa kayo magpakasal total tapis na si Rain at ikaw Alex maybtrabaho na."Bata pa kami Andrea saka wala pa sa isip namin yan."Bahala kayo basta pag ikasal kayo wag nyo akong kalimutan."Oo naman noh,saka hindinpwede wala ka sa kasal namin."Mabuti naman kung ganon,lets go kain tayo treat ko."Ayan talaga hinihintay ko Ands e ang kakain."Takaw mo parin Alex ha.
Habang sa Restaurant ay ang saya naming nagkwentuhang tatlo,nang may nakita akong tao na kilalang kilala ko at hindi ako nagkamali siya talaga yon....