Tintin POV “Gapangin mo na lang saka mo kunin yung brief nya, tutal patay na patay naman yun sayo ngayon. Siguradong isang sabi mo lang, maghuhubad na agad yun sa harapan mo.” “Ayoko nga, aalisin ko nga ang spell eh. Paano kung magalaw niya ako tapos next day di na nya ako gusto. Eh di kawawa naman ako, nganga.” Bigla akong nakaisip ng maganda idea. “Maganda sana kung ngayon, tutal narito na tayong lahat.” suhestyon ko. Napapaisip si Mutya. “Sige na nga, sige mamaya gawan natin ng paraan.” “Diba babalik mamaya dito ang driver nyo? Pwede bang padaanin mo sa tinutuluyan ko. Madali namang makita yun, nasa loob ng bag na pula, nakapatong malapit sa TV sa salas.” “Hindi ba pwedeng pag-uwi mo na lang gawin ang orasyon. Basta mamayang gabi kukunin natin ang brief.” “Ang bilin kasi ng al

