Tintin POV Bigla kong narealized ang aking katangahang ginawa dahil baka isipin niyang ang cheap ko naman. Yikes! Ang cheap naman talaga ng ginawa ko. Hindi rin ganito ang first kiss na pinapangarap ko. Matapos ko siyang itulak ay tumalikod agad ako at tumakbo papalayo sa kanya. Patakbo akong bumalik sa aking inuupuan ngunit bago pa man ako makita nina Mutya ay huminto ako at marahang naglakad upang hindi nila mahalata na nagmamadali ako, baka magduda pa ang mag-asawa. Katakot takot na kabog ang nararamdaman ko ngayon dahil sa halo halong emosyon. Naiparating ko nga kay Andrew ang nais kong sabihin ngunit nais ko namang kutusan ang aking sarili, dahil sa kahihiyan. Ngayon ako biglang nagsisi sa aking ginawa. Lalo tuloy ako nitong tagilid kay Andrew, baka kung ano pa ang iisipin nito

