Tintin POV Kinabukasan…. Apat kaming nurse na naatasang dumalo sa case discussion na pamumunuan ni Dra. Natalia na gaganapin dito sa conference room. May tatlong pang OBGYN doctors na naroroon din ngayon. May mga doktor mula sa iba't ibang espesyalisasyon, Chief Nursing Officer at hospital administrator. Ang diskusyon ay para sa kaso ng isang pasyente na kelan lang ang nakakaranas ng seryosong complication pagkatapos ng panganganak. Si Dra. Natalia, ang nagpapaliwanag ng kaso ng pasyente. Kaming mga nurse naman ay tahimik na nakikinig. Ang pasyenteng pinag-uusapan ay nakakaranas ng postpartum infection na may mataas na lagnat at abnormal results sa mga test, kaya't kinakailangan ang isang comprehensive review ng case nito upang matukoy ang pinaka-angkop na procedure para sa paggamot. A

