Tintin POV Kunot noo akong nakatingin sa cellphone. Sino naman kaya itong prankster nato? “Kristina!” malakas na sigaw ang pumukaw sa pag-iisip ko. Si nurse Maricel. “Sabay na tayo.” anito. “San ka nagpunta kahapon, bigla ka na lang nawala? Usually tumatambay ka pa pagka-out mo na.” tanong nito habang naglalakad kami papasok ng hospital. “Nainip ako kaya umuwi na agad ako.” “Ngayon ka pa nainip kung kelan sabay na ang shift nyo ni dok Andrew.” “Eh ano naman kung sabay kami? Balewala kong sagot. “Wow ha, kunyari ka pang hindi excited kay hashtag boyfriend mo…. Teka, bagong kulay ba yang buhok mo?” anito at sinipat sipat ang buhok kong nakapusod. Nakatali palagi ang buhok ko sa trabaho kaya wala namang makakapansin ng pagbabago. “Oo nagpagupit din ako, sobrang haba na eh.” Nasa ta

