Nyla’s POV
Papunta kami ngayon nina lila, kiera at mable sa garden are ng school, ng may humarang na apat na babae samin
"Well well yung mga ahas at mga malalandi pa pala na ito ang mga makakasalamuha natin dito." Sabi nung babaeng kulot at makapal ang kolorete sa mukha kay kiera. Ngunit tinignan lang siya ni kiera na nagtataka
"Ahm kame ba yung kinakausap mo?" Nalilitong tanong ni kiera.
"May nakikita pa ba kayong ibang ahas at malandi dito maliban sa inyo?" Tanong nung babae na naka ponytail ang buhok na kaparehas din nang naunang babae ay makapal din ang make up nito kay lila.
"AHAD? MALANDI? Ano bang pinagsasabi niyo huh?" Nalilitong tanong rin ni lila dito
"Nag mamaang-maangan pa kayo. KAYO MGA MALALANDI KAYO!!" Galit na sabi nung babae na naka tirintas ang buhok at sing kapal ng libro ang make up nito habang naka tingin sa akin. Ako atah ang sinabihan ng babae na ito.
"Aba't nakaka sobra na kayo huh! Sino ba ang nilalandi namin huh?" Galit rin na tanong ko sakanya
"Sino pa ba edi sina ace! nilalandi niyo." Galit na sabi nung babae na mukhang nilagyan ng floor wax ang pisngi sa sobrang kapal nito kay mable.
"ABA! sa pagkakaalam ko hinde naman namin nilalandi sina ace ah, kusang sila ang lumalapit samin. Bakit ano niyo ba sila huh? Kung maka pag asta kayo." Galit rin na sabi ni mable dito.
"Kami lang naman ang future girlfriends nila. Ano may angal kayo?" Sabi nung babaeng naka curl ang buhok samin
"Aba't kung makapag asta kayo parang girlfriend na nila kayo. Hindi pa pala uh." Galit na sabi ni kiera dito
HALA! patay iba pa naman itong magalit, nagkatinginan kame nina lila at mabes dahil alam din nila kung paano magalit si kiers
"Tara na kiers! alis na tayo, wag na tayong mag sayang ng oras sa mga desperadang to." Sabi ni lila atsaka hihilain niya na sana si kiera ng bigla may humila sa buhok ni lila na dahilan ng pagtili niya.
Yung babaeng naka ponytail pala ang sumabunot sa kanya. Hihilain ko na rin sana yung babaeng humila ng buhok niya ng may humila rin ng buhok ko yung babaeng naka tirintas ang buhok. Ganon din ang nangyari kina mabes at kiers sinabunutan rin sila ng dalawang kasamahan ng sumabunot sa amin.
"Malalandi talaga kayo AHH!" Galit na sabi ng humila ng buhok ko
"Anong sabi mo? ITONG SAYO!" sabi ko at nilakasan ang pagsabunot sa buhok niya na dahila nang pagtili nito.
Narinig ko rin yung sinabi ng babae na naka curl ang buhok kay kiera
"Akin lang si damien. MALANDI KA!" Galit sabi nito habang patuloy ang pagsabunot ng buhok ni kiers.
"Edi sayo na! saksak mo sa baga mo! DESPERADA!" Galit din na sabi ni kiera dito habang nilalakasan niya ang pagsabunot ng buhok ng babae na yun
Dahil sa pagsigawan namin ay may mga nakarinig na din na istudyante na dumadaan dito
“Tawagin niyo si Ms. Z!” Sigaw ng isang studyanteng nakakita sa nangyari. Ilang minuto lang ay dingig na namin ang galit na sigaw ni Ms.Z na siyang ngayon lang namin nadingig dahil sa mabait nitong aura
“WHATS HAPPENING?!” malakas na sigaw nito dahilan nag pagtigil naming walo.
"All of you! Follow me." Galit na sigaw ni Ms.Z kaya’t sumunod kami rito.
————-
Lila’s POV
"Ms. Mane, hindi dahil sa kakilala ko ang daddy mo ay gagawa na kayo nag gulo dito! Bago pa lang kayo rito." Tukoy samin ni Ms. Z narinig pa naming tumawa yung apat na sobrang kakapal ng kolorete sa mukha.
Narinig naman sila ni Ms. Z kaya’t tinignan niya ito ng masama
"At kayo naman!" Sabi ni Ms. Z Sabay turo sa kanila na siyang nag payuko sa apat "Napa karami na ng mga records ninyo dito. Di na ba kayo nahihiya huh?” Galit na sabi ni Ms. Z dito na siyang nagpahiya sa apat.
Napatawa naman kami ng mahina nina kiera, nyls at mabes buti hindi narinig ni Ms.Z
"Bilang sa kagagawan niyo may kapalit itong kaparusahan." Sabi ni Ms. Z kaya’t lahat kami na nasa kwartong ito ay napatingin sa kanya
"What is it, Ms. Z?” Kiera asked
"Lilinisan ninyong wala ang garden area." Sabi niya samin na siya agad naming hindi sinang-ayunan.
“WHAT?”
“NOOO”
“YUCK! I JUST FINISHED MY NAILS KAHAPON NOH!”
“OH MY FREAKING NO”
“If you don’t want to do it, Mapipilitan akong isumbong kayo sa mga magulang niyo. And i know you don’t want it, right?” Sabi ni Ms. Z na siyang totoo, dahil mapapagalitan talaga kami nito.
“So I suggest, just follow me!” Sabi ulit ni Ms. Z
“But Ms. Z, sila po yung nauna!” inis na sabi ni mabes kay Ms. Z
“I know that, bago kayo pumunta dito alam ko na kung sino ang nauna”
“See” sabay sabay naming sabi nina nyls, kiers at mabes.
“Even so, pinatulan niyo rin. Kaya lahat kayo ang may punishment parin. “
“NOW! ALL OF YOU GO OUT AND START DOING YOUR PUNISHMENT!” Pagtatapos ni Ms. Z nang usapan
“One more thing, malalaman ko kung sino ang mga hindi tumulong. Kaya kung sino man ang hindi sumunod sa nais ko, watch out!” Pahabol na sabi nito
Sabay-sabay naman kaming tumango at lumabas na upang pumunta sa garden are.
Pero bago pumuntang garden area ay sumaglit muna kaming lahat sa janitors room kung saan nandon ang mga gamit para sa paglilinis namin.
Papunta na kaming garden area ng maka salubong namin sina zeke, dame, ace, at jio. Napatingin sila sa mga dala naming gamit tapos bigla silang lumapit pero agad namang lumapit sa kanila yung apat na babaeng makakapal ang kolorete sa mukha
"Baby oh tignan mo yung mga sugat ko sa kamay. Ginawa yan ng lila’ng malandi na iyan!." Sumbong nung babaeng naka ponytail na ulit ang buhok (nasira kasi yung pag ponytail niya kanina sa pagsabunutan namin) kay zeke, agad namang tumingin si zeke sa akin na agad ding binawi upang pagmasdan ang sugat ng babae na yun.
"Tssk! tara na! Maglinis na tayo." Sabi ko sakanila tapos dinala na yung mga gamit na daladala ko
————
Kiera’s POV
Nauna ng pumunta si lila sa garden kaya’t kinuha ko na rin yung mga gamit na daladala ko. At tumingin sandali sa harap namin, bago tumingin kina mabes at sinenyasan ko na aalis na upang sumunod kay lils
Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng hinablot ni damien ang kamay ko. At pinakatitigan ang mga galos na natamo ko sa kamay.
"What happened? Bakit ang daming galos ng kamay mo?" Nag alalang tanong nito, na hindi ko siguradi kung totoong pag alala ba iyon.
"Tsk! pake mo?" Tanong ko sabay bawi ng kamay ko sakanya at agad na akong dumiretso sa garden area
Pagkadating ko sa garden area, ay nag sisimula ng mag linis si ljka kaya nag simula narin ako. Seconds later nakarating din sina mabes at nyls na agad ding nag simulang mag linis
"Kainis ang daming galos ko sa kamay." Maarteng sabi ni lila habang tinitignan yung mga galos sa kamay niya.
"Tsk! buti nga hindi nila na kalmot mukha ko. Kundi lagot talaga sila." Galit na sabi naman ni mabes
Nasa may right side kami ng garden area nag lilinis, habang yung grupo nang makakapal ang kolorete sa mukha ay nasa may left side, kaya’t hindi rin naman nila rinig ang usapan namin, dahil sa laki ba naman ng garden na ito.
Buti nga marunong din kaming maglinis kung hindi, baka hindi kami matapos tapos dito.
"Madami ata ang naalis na buhok sakin ang babaeng yun!." Sabi ni nyla na tinutukoy yung naka sabunutan niya
" buti nga talaga hindi na kalmot ang mukha ko ng babae na yun." Inis na sabi ko
Hay. buti nalang patapos na kaming maglinis, na patingin ako sa left side ng garden kung na saan sila ay nakita kong hindi pa sila tapos. Hmm. bahala sila dyan
"At last we're done na." Pagod na sabi ni lila
"Kaya nga tara na dalhin na natin to sa janitors room" sabi ko na tinutukoy yung mga kagamitan na ginamit namin sa paglinis
Kaya’t ayun umalis na kami, at madadaan pa namin yung mga desperadang assumerang mga babaeng ito.
"Paano ba iyan girls tapos na kame! maiwan muna namin kayo. Toodles!” nang iinis na paalam ni nyla sakanila na sinamaan lang nila kami ng tingin, na siyang nagpatawa sa aming apat.
"Pag igihan niyo ang paglilinis huh." Natatawang sabi pa ni mabes dito
————-